CHAPTER 1

607 47 2
                                    

MARY TRIXIE P.O.V

Pabagsak akong napaupo sa gilid ng kama. Patuloy pa din ang pag iyak ng dalawa kong supling, ni hindi manlang sila tumigil simula pa kaninang 1Pm.

Napatingin ako sa orasan.

02:32 pm

"Sshhh.." binuhat ko si Zachary, ang baby boy ko.

Ang pangalan naman ng isa ay Hyxie. Siya ang pinaka-malakas umiyak, gabi gabi siyang umiiyak pag madaling araw na dahilan para magising at umiyak din ang Kakambal.

Rinig kong bumukas ang pinto. Si Tita Venus.

"Di na naman kayo maka-tulog?" nag aalalang sambit niya at tumabi sakin. "May bisita kayo babies." sabi niya at hinaplos ang pisngi ni Hyxie.

Bumukas ang pinto, si Harold..

Halos kalahating buwan na din siyang hindi nag papakita sa mga anak niya, bakit ba siya mag papakita? Wala siyang karapatan dito.

"Bakit ka nandito?" kunot noo kong tanong agad namang sinangga ni Venus ang braso ko.

Hindi siya umimik nasa mga bata lang ang tingin niya na kasalukuyang umiiyak.

"Maiwan ko muna kayo, i need to beauty rest na." maarteng sabi ni Venus at pakembot kembot na umalis sa kwarto.

Namalayan ko nalang na nasa tabi na pala ng mga bata si Harold, tumahan ang mga bata.

Tahimik lang si Hyxie pero si Zachary ang ubod ng daldal.

Ikinandong niya ng dalawang bata sa hita niya.

"Bakit naisip mo pang bumisita?" tanong ko. "Kaya ko namang tustusan yung bata."

Hindi siya umimik at nilalaro ang kamay ni Hyxie.

Bumaba ang tingin ko sa leeg niya.. May kiss mark.

"M-May gatas akong dala, baka makatu—"

"Marami silang stock ng gatas." pag putol ko sa kanya. Natigil siya sa pag lalaro ng kamay ng bata at tumitig sakin.

Naiilang namn akong umiwas.

"Bakit hindi mo sinabi?"

"Aba? Alangan namang hindi ko bilhan ng gatas yung anak ko? Malamang—" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng muli siyang mag salita.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na.. n-na may anak ako s-sayo?"

Aba? Ke kapal ng Mukha neto.

Ako? Sasabihin ko? E may girlfriend na nga siya di ba! Alangan namang sabihin ko, para ano? Makisawsaw sa kanila ganown?

"Kailangan pa ba sabihin?" natatawa kong sabi, nanatili siyang nakatitig sakin. "At kailangan mo ba talagang bumisita dito? Wala na bang kahihiyan yang katawan mo?"

Muli akong napabalinh sa kiss mark niya. "Baka nga nabuntis mo na din yun e." mahina kong sabi

"Ano?"

"Umalis kana." sumeryoso ako. "Walang daddy yang mga bata."

"Anong?!"

"Patay na ng Daddy niyan."

Lalong nangunot ang noo niya. "B-Buhay pa ko."

"Hindi ka buhay, Harold." ngumisi ako. "Simula noong nalaman kong may iba kana agad agad." diniinan ko ang huli kong sinabi.

"T-Trixie?" natawa siya. "Hindi naman pwedeng buong buhay ko ay umasa ako sayo?" tumawa siya.

Naalala ko nalang ang sinabi sakin ni Tristan/Cleon noong huli kaming nag kita.

"Ate balikan mo siya ha? Wag mong sasayangin yung buhay naming tatlo." ngumiti ang kapatid ko. "Ate salamat sa pag papaaral sakin, mali ang akala ko na kapag sumama tayo sa Tatay natin ay magiging maganda ang buhay natin." natawa siya.

"Ate," sumeryoso siya habang nangingilid ang luha niya. "Ate buong buhay kaming mabibihag sa kamay ng Tatay natin."

Ipinatapon sila sa Switzerland. Kung saan doble ang empyernong idadanas niya. Dahil sakin. Para makalaya ako.

Ngumiti ang kapatid ko. "Ate okay lang din naman sakin dito e, masaya kaya dito." pag sisinungaling niya. "Ate balikan mo siya—"

Bago pa man niya matapos ang sasabihin biglaan siyang kinuryente ng mga kawal. Dahilan para mapahiga siya sa sakit.

Noong araw na yon, doon ko lang din nalaman na meron pala siyang naiwan sa Pilipinas. Si Abigail Dirham, ang nobya niya. N-Ngunit hindi na sila pwedeng magkita pa.

Dahil sakin.

Para sa kalayaan ko.

"P-Pero ito ang naabutan ko." mahina kong sambit. Matalim pa dong nakatingin sakin si Harold.

Bumaling ako sa kanya at ngumuti. "Alam ko naman. Kaya nga pinapaalis kita ngayon dahil wala kang karapatan sa ba—"

"Daddy nila ako."

"Gusto mo maging daddy?" nakangiti kong sambit. "Edi buntisin mo yung girlfriend mo."

"Ano bang pinag sasabi mo?"

"Buntisin mo ang girlfriend mo." sabi ko. "At kalimutan mo ng may anak ka sakin."

Kinabukasan..
PRINCE P.O.V

"MWAAAAAH!" ang lakas ng sigaw ni Gyxie dito sa opisina.

Lagi nalang iniiwan sakin ni Yesha tong anak naming demonyo. Mabuti nalang mahal ko to.

"Sshhh.." saway ko. "Nag tratrabaho si Daddy o." tinuro ko pa yung papeles sa lamesa ko.

Inosente siyang tumingin sa papeles. Sa wakas tumahan na din!

Inaasikaso kasi ni Aelysha ang magiging trabaho niya. Teacher siya sa DU.

Nilabas ko ang cellphone ko at nag search ng Nursery Rhymes sa YouTube. Ang talino ko talaga..

Nang maka pili na ako, muli akong bumaling sa kanya. Yung mga papeles ko! Kinain niya!

"Y-yuck." sabi ko at inaalis sa bibig niya yung papel na nabasa sa laway niya. "Kadiri ka!"

"MWAAAAAAA!" sigaw niya, iyakin!

"Tanginaaaaa!" sigaw ko at dinuro siya. "Anak ba talaga kita?!"

"MWAAAAAAAAAAAAAA!" mas lumakas pa ang hagulhol niya.

Hindi naman ako ganyan noong bata pa ako! Ang hinhin ko kaya!

"Saan ka ba pinag lihi sa dinasour?!"

Biglang bumukas ang pinto. Si Dhylan kasama si Migs dala dala mga anak nila.

At syempre di mawawala si Aso.

"Hello Gyxie!" bati ni Migs sa kanya karga karga niya si Mizzyan, anak niya in short Mizzy. Tas hawak hawak niya naman ang kamay ni Lian.

Si Dhylan kasama naman si Zyhan, anak niya din in short Yhan-Yhan ba yun? Ah basta.

"Play kayo." sabi ni Dhylan at nilapag sa sahig yung anak niya.

Nag lakad si Aso papunta sa anak ni Dhylan pero natapilok siya dahilan para mag pigil kami ng tawa.

"Bwo bwo." sabi ni Gyxie sa gilid ko!

"Anong?!" tumayo si Aso at pinagpag ang damit niya. "Anong sabi mo!?"

"Bwo bwo." ulit ni Gyxie at bumungingis.

"Manang mana sayo." duro ni Aso sakin.

"Kung ano ano kasing tinuturo." natatawang sabi ni Migs at nilapag ang anak niya sa couch kung saan nakaupo ang anak ni Dhylan na nag lalaro.

Nakanguso pa din si Aso. Sigurado akong galit siya kay Gyxie dahil sinabihan siya ng BOBO haha!

Vote and Comment bby! Labyuuu!

Married To A Maniac Boss [Season Two]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon