February na at masaya ang lahat dahil ngayon ang tinatawag na araw ng mga puso.
"Cami" napatayo akong bigla dahil may sumigaw ng aking pangalan si Gwenn pala na pinakamalapit kong kaibigan. Siya lang din naman ang matatawag kong tunay na kaibigan sa lahat.
"Gwenn nabigla naman ako sayo bakit mo pala ako tinawag?" Nagsasalita ako habang papalapit sa kanya.
"Hinahanap ka ni Tyron at ng mga aliporos niya" habang nagsasalita si Gwenn nakikita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.
" Ah si Tyron ba may utang pa kasi ako sa kanya na hindi ko pa nabayaran" sinabi ko kay Gwenn habang nakatingin sa kanya na nagpapaalala na kaya ko.Nakatingin si Tyron sa akin habang papalapit ako sa kanya .
"Mabuti at dumating ka" nakangiti si Tyron habang nagsasalita na halata sa kanya ang kanyang pakay.
"Oo alam ko kung bakit mo ako pinatawag sa kaibigan ko alam ko'ng dahil toh sa utang ko sayo at isang candy" nakatingin ako sa kanya na nakataas ang isang kilay para malaman din niya na kaya ko siyang harapin na hindi ako natatakot sa kanya at sa mga aliporos niya.
"Mabuti naman alam mong bata ka sisingilin na kita sa utang mo sa akin bilis akin na yong fifty ko at isang candy" nakatingin siya sa akin na para bang ang liit liit ko lang. "Puwedeng sa susunod na lang kita babayaran wala pa kasi akong dalang pera" pagkatapos kong magsalita agad namang itinulak akong bigla sa isa sa mga aliporos ni Tyron na siyang rason kong bakit ako bumagsak.
Takot ako kay Tyron at sa mga aliporos niya wala akong magawa habang nakaupo sa lupa at nakasandal sa malaking kahoy ng acacia naiiyak na ako at nanginginig ngunit isang tinig ang aking nadinig.
"Hoy kayo tigilan nyo na siya" sabi ng isang batang papalapit. Agad kong tiningnan ang nagsalita ngayon ko lang siya nakita dito sa aming paaralan nagkaroon ako ng isang tanong sino siya?
"Aba at sino ka naman?" sabi ni Tyron habang nanunuro. "Hindi ko na kailangang sagutin ang tanong mo dahil hindi rin naman ako intiresadong malaman kung sino ka" sabi niya na nakatingin kay Tyron na parang wala lang na para bang kaya niya si Tyron at ang mga aliporos nito.
"Mayaman ka ba? Saan ka galing Sinong mga magulang mo? At bakit ka nangingialam kaibigan mo ba ang bansot na ito?" sabi sa isa sa mga aliporos. "Hindi mo na kailangang malaman kung mayaman ako, kung saan ako galing at kung sino ang mga magulang ko. Oo kaibigan ko siya bakit may problema?" sabi niya pagkatapos tumingin sa akin.
"Kung ganun wala na akong paki sa inyo basta bayaran nyo ako. Syaka para malaman nyo kaibigan ng daddy ko ang may-ari ng paaralan na to kaya umayos kayo" sabi ni Tyron na may dalang pananakot. "Maganu ba utang niya sayo?" sabi niya na hindi man lang natakot sa sinabi ni Tyron kalmado lang siya habang nagsasalita. "Fifty " sabi ni Tyron habang nakalahad ang isang kamay sa kanya "Oh heto" sabi niya habang ibinibigay ang pera. "Syaka nga pala uncle ko ang may-ari ng paaralan na to" nabigla si Tyron at ang mga aliporos niya na halata sa kanila ang takot na baka magsumbong ito sa uncle niya kaya umalis na ang mga ito. Tinulongan niya akong tumayo pagkatapos humingi ng salamat sa kanya "Ano pala ang pangalan mo?" tanong niya sa akin "Cami" sabi ko sa kanya habang nakangiti. "Maganda" natuwa ako sa sinabi niya ang takot na naramdaman ko kanina ay bigla na lang napalitan ng saya siya pa lang ang kaunaunahan na nagsabi sa akin na maganda ako "Talaga maganda ako?" tanong ko sa kanya na tuwang tuwa "Hindi wag kang feeling ang gusto kong sabihin maganda yang ribbon sa ulo mo" sabi niya na tawang tawa sa sinabi ko "Ah ganun ba" sabi ko na lang dahil sa pag-aakalang ako ang maganda "Puwede akin na lang yang ribbon sa ulo mo?" sabi niya habang nakatingin sa ribbon ng ulo ko "Bakit naman ito pa'ng ribbon sa ulo ko ang gusto mo?" nakakunot noong tanong ko sa kanya. "Hindi kasi bagay sayo". Tawang tawa na sabi niya sa akin "Ano?" taas kilay'ng tanong sa kanya "Paanong hindi naging bagay sa akin ang ribbon sa ulo ko eh ang sabi ni lola sa akin bagay raw sa akin ang red ribbon?" sabi ko sa kanya na nakatingin na nagbabanta na wag magbiro sa akin. "Para kang asawa ni Mickey Mouse " imbes na magalit natawa ako sa kanya siya lang ang kaunaunahang nakapagbiro sa akin ng ganito natawa talaga ako ng sobra sa kanya. "Sige ibibigay ko to sayo pero ano naman ang ibibigay mo sa akin?" nakapag-isip siya sa tanong ko sa kanya.
"Kailangan ba may kapalit?" sabi niya sa akin "Oo naman nuh kailangan dahil sa panahon ngayon hindi na uso ang Give and Give dapat Give and Take" sabi ko sa kanya "Sige itong panyo ko ang ibibigay ko sayo pero ingatan mo to" sabi niya na hawak hawak ang puting panyo.
Ibinigay ko sa kanya ang aking pulang ribbon at binigay naman niya sa akin ang puting panyo pagkatapos ay nagsalita siya "Sige" sabi niya na hawak ang aking pulang ribbon kaya tumango ako at sinabi sa kanyang "Sige paalam"Nakakapagod ang buong araw sa skwelahan kaya agad akong tumungo sa kusina at uminom ng malamig na tubig "Cami andito ka na pala kumosta ang klase? masayang tanong ng aking ina "Okay lang ma" sabi ko sa aking ina "May nambully ba sayo sa skwelahan o wala?" tanong ng aking ina nahalata siguro niya sa aking mukha ang hirap "Oo ang galing nyong manghula ma pero may nagtanggol naman sa kin" sabi ko kay mama na may ngiti sa mukha. "Talaga sino siya?" tanong ng aking ina habang nagtitimpla ng Brown and Creamy Coffee. Doon ko lang na isip na hindi ko pala naitanong sa kanya ang kanyang pangalan sa lahat pa ba ng dapat kalimutan pangalan pa niya. Tiningnan ko na lang ang puting panyo na bigay niya sa akin dala-dala ang mga alaalang di mabubura ng kahit isang eraser.
"Kanina pala napagpasyahan namin ng daddy mo na ilipat ka ng ibang school" imbes na magulat saya ang aking naramdaman sa sinabi ni mommy Camila mabuti na to at least hindi na ako mabubully ni Tyron at ng mga aliporos niya at kahit hindi na kami masyadong magkikita ni Gwenn puwede naman akong tumawag sa kanya at bumisita pag bakasyon. May isang sana lang sa aking isipan sana makita ko'ng muli ang nagbigay sa akin ng panyo na nagsabi sa aking kamukha ko raw ang asawa ni Mickey Mouse.
YOU ARE READING
You Stole My Heart
RomanceHello everyone! This is my very first story. I hope you'll like it💖