[02] Kaharian ng Norteria

855 196 7
                                    


Napakaaliwalas ng kapaligiran at maririnig ang ibat ibang ingay sa buong lugar. Makikita rin ang nagtataasang mga gusali at hindi maipagkakailang mas maunlad ito sa kaharian ng Kristelia.

Talaga namang napakaganda ng kaharian ng Norteria. Sagana ang lugar sa ibat ibang mga produkto. Maraming tao ang naglalakad at mapapansin ang magarang kasuotan ng bawat isa.

Ang isa pang nakakaagaw ng pansin sa kahariang ito ay ang napakahabang riles na dinadaanan ng isang malaking sasakyang pangtransportasyon na tinatawag na tren. Sa lahat ng kaharian sa buong kontenente, isa ang kaharian ng Norteria sa pinaka maunlad na kaharian kaya hindi na katakataka ang pangbihirang mga bagay na makikita sa lugar.

Mula sa isang balkonahe sa isang mataas na gusali. Mapapansin ang isang binatang tahimik na pinagmamasdan ang buong kaharian. Nakaupo lamang siya sa isang silya habang umiinom ng mainit na tsaa. Mapapansin ang paghanga niya sa tanawing nakikita lalo na at naiiba ito sa kaharian ng Kristelia kung saan siya isinilang. Sa pagkakataong ito, sinusulit niya na lamang ang natitirang mga araw bago siya pumasok sa paaaralan ng mga wizard.

Kagaya ng ibang mga tao ng kaharian, kapansin pansin din ang magarang kasuotan ni Kian Azures. Bumagay ito sa kaniyang maputing kutis at puting buhok pati na rin ang kaniyang asul na mga mata. Kung titinganan ay isa siyang maharlika sa paningin ng iba. Hindi sana nais ni Kian na suotin ang kasuotang ito gayon pa man, kailangan niyang makibagay sa kaharian.

Matapos maubos ang tsaang iniinom. Napagpasyahan niyang lumabas sa magarang gusaling kinaroroonan niya. Pumasok na siya sa silid na kaniyang tinutuluyan at sinalubong siya ng isang maamong pulang lobo. Tiyak na matatakot ang makakakita sa lobo dahil sa laki at mabangis nitong istsura. Gayon pa man, iba ang paningin ni Kian sa alaga niyang lobo. Kaibigan ang turing niya dito.

"Pula, maiwan na muna kita dito. Lalabas lag ako ng ilang sandali." Malumanay niyang saad sa lobo habang isinusuot ang isang space ring.

Magiliw na tumango tango lamang ang lobo habang iginagalaw nito ang kaniyang buntot na tila na iintindihan niya ang nais iparating ng kaniyang amo.

"Ikaw na muna ang bahala dito." Muling saad ni Kian habang ipinapatong ang kaniyang kamay sa ulo ng alaga. Ngumiti siya dito bago tumayo at lumabas ng silid.

Matapos niyang maisarado ang pinto, agad niyang tinahak ang daan palabas ng gusali. Napakamot na lamang siya sa kaniyang ulo dahil kailangan niya pang bumaba sa mahabang hagdan. Sa pagkakataong ito, nagsisisi siyang pinili niya pa ang isang silid sa ikalimang palapag.

Magsisimula na sana siyang magbangit ng isang spell upang mapadali ang kaniyang pagbaba ngunit naalala niya ang isang bagay. Bawal gumamit ng kahit anong mahika sa kaharian kung hindi naman kinakailangan. Bumuntong hininga na lamang siya at nagsimulang bumaba sa hagdan.

Ilang sandali pa ay tuluyan na rin siyang nakalabas ng gusali. Bumungad sa kaniya ang napakaraming taong naglalakad at ibat ibang gusali. Nagsimula na siyang maglakad kasabay ng ilang mga tao. Hindi niya pa masyadong kabisado ang buong lugar kaya tinatandaan niya ang bawat gusaling kaniyang nadadaanan upang hindi siya maligaw.

Habang naglalakad, iniisip na ni Kian kung ano ang magandang gawin sa lugar. Maraming mgatindahan ng ibat ibang kagamitan ang kaniyang nadadaanan pati na rin ang ilan pang gusali kagaya ng museo, aklatan at iba pa.

Habang naglalakad, dumapo ang kaniyang paningin sa isang maliit na gusali. Marami ang pumupunta ditong mga tao kaya napagpasyahan niyang pumasok. Pagkapasok niya ay nakita niya ang ibat ibang armas at gamit sa paglalakbay. 'Isa pala itong tindahan ng mga sandata' sa isip niya.

Tiningnan niya ang mga sandata sa gusali at namangha siya sa napakagandang disenyo ng mga ito. Sa tingin niya ay magandang kalidad rin ang mga ito kaya ito dinadayo ng maraming tao.

Teasure Hunter Volume 2: Book Of Forbidden SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon