[03] Faunus Academy

698 128 3
                                    

Matyagang naghihintay si Kian kasama ang ilan pang kabataan sa harap ng malapalasyong paaraan. Mahigit isang libo silang nag intrance exam ngunit kakaunti lamang silang nakapasa sa pagsusulit. Kapansinpansin din ang magkakapareho nilang kasuotan bilang uneporme ng paaralan.

Napakaganda ng pinaghalong itim at pulang uniporme ng kaniyang paaralan. Hindi maipagkakailang bumagay ito kay Kian sinamahan pa ng kaniyang bagong staff na nakasabit sa kaniyang likuran.

Ilang oras na silang naghihintay sa labas lalo na at napaaga ang pagdating ng ilan sa kanila. May mga grupo ng kabataan na masayang nagkekwentuhan habang ang ilan naman ay tahimik lamang na naghihintay.

Tahimik lamang na naghihintay si Kian habang sinusuri ang ilan sa kaniyang mga kasamahan. Magagara ang hawak na staff ng mga ito habang ang ilan naman ay ipinagmamayabang ang kayamanang hawak nila.

"Ano ang pangalan mo Ginoo?" Biglang tanong sa kaniya ng isang lalaki habang lumalapit sa kaniya.

"Bakit?" Sagot niya na lamang sa lalaki bago ito makalapit.

"Napansin ko lang na ikaw ang pinakatahimik dito. Wala rin kasi akong kakilala dito ." Pagdadahilan ng lalaki sa kaniya.

Tiningnan niya ang binata at napansin niya ang kayumanging balat nito at itim na buhok at mata. "Ako si Kian Azures ng kaharian ng Kristelia." Pagpapakilala niya dito.

Ngumiti naman ang lalaki sa kaniya bago nagpakilala. "Ako naman si Akiro Senay galing sa kaharian ng Aston. Ikinagagalak kitang makilala Kian." Pagpapakilala nito sa kaniya.

"Isa kang Senay?." Gulat na tanong ni Kian.

"Oo, bakit?" Nagtatakang tanong ni Akiro.

Napaisip ng ilang sandali si Kian bago sumagot. "Ang tribo ng Senay ay kilala sa pambihira nilang kakayahan. Kaya niyong makipagrelasyon sa mga spirito ng kalikasan. Tinatawag din kayong Shaman, hindi ba?" Mahabang saad ni Kian.

"Tama ka. Mukhang marami kang alam sa kasaysayan ng tribo namin. Mahilig ka rin bang magbasa ng mga libro?" Tanong muli ni Akiro.

Napakamot na lamang si Kian sa kaniyang ulo. Sa katunayan ay hindi niya nabasa sa isang libro ang impormasyong ito dahil parte ito ng ala ala ni haring Timoteo. Gayon pa man, hindi niya dapat sabihin ang kaniyang sikreto. "Ganon na nga." Sagot niya na lamang sa bagong kaibigan.

"Ikaw? Saang tribo ka nabibilang? Hindi ako pamilyar sa iyong apilyido." Tanong ni Akiro.

"Nagmula ako sa bayan ng Galan." Simpleng saad niya. Natigilan naman ng ilang sandali si Akiro matapos ng kaniyang sinabi. Hindi maipagkakailang isang mahirap ng bayan lamang ang kaniyang pinanggalingan. Gayon pa man, hindi niya ito ikinakahiya.

Ngumiti na lamang sa kaniya si Akiro at nagsimula na silang magusap ng ilan pang mga bagay.

Ilang sandali pa ay lumabas na rin mula sa loob ng paaralan ang isang matandang babae. Agad din nilang nakilala ang babae na si Alyana Hindalan, ang matandang wizard na nangasiwa ng ginanap na intrance exam ng paaralan.

"Ikinagagalak ko ang iyong pagdating sa paaralang ito." Panimula ni Alyana at hindi tumugma ang sinabi nito sa masungit nitong ekspresyon. "Sumunod kayo sa akin." Huling saad ng matanda bago naglakad papasok ng paaralan at kasabay nito ang pagbulas ng napakalaking tarangkahan ng paaralan.

Tahimik silang sumunod kay Alyana habang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin sa loob ng paaralan. Magkatabi lamang si Kian at Akirong naglalakad habang sumusunod sa matandang wizard.

Napansin din nila ang ilang istyudyante ng paaralang pinagmamasdan ang pagdaan nila kasama ang ilan pang mga bagong magaaral na kasabay nila.

Hindi nagtagal ay tumigil na rin sila sa paglalakad. Nakaharap sila ngayon sa malawak na bulwagan. Hindi kalayuan sa kanila ay tanaw nila ang ilang mga panauhin kabilang ang punong tagapamahala ng paaralan na si Elias Kaparo.

Teasure Hunter Volume 2: Book Of Forbidden SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon