[01] Simula

1.2K 126 3
                                    


Sa harap ng isang malaking gusali sa ibabang palapag, nakapila ang maraming bilang ng kabataan upang makibahagi sa unang parte ng entrance exam sa Faunus Academy.

Halos kalahati na din ang natapos sa unang bahagi ng exam at sila ay pumupunta sa sa kabilang silid upang doon maghintay.

Tahimik lamang ang mga kabataang nakapila sa labas ngunit nagulantang sila sa isang biglaang pangyayari sa loob ng silid.

Nasa kanan ang pasukan ng silid at malayo ito sa nagiisang bintana sa kaliwang bahagi kaya hindi nila masyadong nakikita ang mga pangyayari sa loob. Gayon pa man, hindi nakaligtas sa kanilamg paningin ang biglang pagliwanag ng loob ng silid. Ikinagulat nila ang gintong liwanag na bumalot sa buong espasyo ng malawak na kwarto.

Nagpumilit na lumapit ang ilan ngunit hindi sila hinayaang makalapit ng bantay ng silid. Hindi man malinaw sa babaeng nagbabantay ang pangyayari, hindi niya pa rin maaaring suwayin ang utos sa kaniya ni Alyanna na wala siyang ibang papapasukin kung hindi ang susunod na lalahok sa unang bahagi ng exam.

Sa loob naman ng silid, hindi pa rin makapaniwala si Alyanna sa kaniyang nakikita. Lumalabas ang gintong liwanag mula sa bola ng kristal na ngayon niya pa lamang nakita. Kasalukuyan nasa harapan niya ang isang binata na nakatitig sa kaniya. Nang makabawi sa pagkakagulat, pilit niyang binawi ang kaniyang reaksyon at tumingin sa binata.

"Sino ka binata?" Tanong niya. Hindi siya nakakasiguro na ang binata ang dahilan ng pagliwanag ng bola ng kristal, gayon pa man, ito ang huling humawak ng kristal at sa tingin niya, sapat na itong dahilan.

Nakita niya ang marahang pagkamot ng binata sa kaniyang ulo. Hindi niya pinansin ang ginagawa nito at naghintay ng sagot. "Ako po si Kian, Kian Azures ng bayan ng Galan." Sagot nito.

Kung titignan ng mabuti, isa lamang ordinaryong binata ang kaharap niya. Ang kakaiba lamang dito ay ang puti nitong buhok. Pamilyar sa kaniya ang bayan ng Galan na pinanggalingan ng binata pero hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin.

"Ikaw ba ang gumawa nuon sa bola ng kristal." Seryosong tanong niya habang itinatago ang paghihinala sa kaniyang boses.

Ilang sandali pa ang lumipas bago sumagot si Kian. Sinimulang ibukua ng binata ang bibig para mag salita. "Maniwala po kayo, hindi ako ang may gawa non. Sa totoo lang, nagulat din ako sa pangyayaring iyon." Pagdadahilan nito.

Kahit pa iba ang sagot ng binata sa kaniyang inaasahan, hindi niya pa rin mapigilan ang mag hinala. Naging interesado siya sa pangyayari at mas lalo pa niya itong gustong malaman.

Pinakiramdaman niya ang enerhiya ng binata ngunit nagulat siya ng wala siyang maramdaman mula dito. Dalawa lamang ang ibig sabihin nito, mas malakas sa kaniya ang binata na sa tingin niya ay imposible namang mangyari o maaari ding may ginagamit itong bagay na may kakayahang itago ang enerhiya. "Kung ganon, bakit hindi natin subukang muli?" Suhisyon niya.

Natigilan naman ang binata sa kaniyang sinabi. Hindi ito tumugon na tila ba nagiisip ng tamang gawin. Kalaunan ay tumango ito at sumangayong sumubok muli.

Sa pagkakataong ito, sinamahan na ni Alyanna si Kian papalapit sa pinakasentro ng silid kung saan makikita ang bola ng Kristal. Kasalukuyan itong walang kulay at maituturing na isang ordinarong salamin.

Hinawakan ito ni Kian at sa pagkakataong ito. Ibinuhus niya ang matinding konsentrasyon sa kaniyang sarili. Pinakiramdaman niyang muli ang enerhiya sa kaniyang katawan at pinili ang pulang kulay.

Naging malinaw na ang nagaapoy na enerhiya sa katawan ng binata. Itinuon nito ang enerhiya sa kaniyang kamay at muling naging pula ang bola ng kristal.

Pinadaloy niya ang pulang enerhiya sa kristal at hindi niya hinayaang humalo ang gintong enerhiya sa bagay na ito.

Iminulat ni Kian ang kaniyang kamay at napangisi na lamang siya dahil nakakasiguro siyang hindi na siya papalpak pa. Hindi niya agad tinanggal ang kaniyang kamay sa bola ng Kristal at tumingin kay Alyanna. Pinagmamasdan naman ng mabuti ng matanda ang kristal at sinusuri ito.

'Maaari kayang nagkamali lamang ako sa aking hinala?' Tanong niya sa kaniyang isipan.

Nang makasiguro si Kian na sapat na ang ipinakita niya kay Alyanna, tatangalin niya na sana ang kaniyang kamay ngunit nagulat na lamang siya sa biglaang pangyayari.

Nagkaroon ng maliit na bitak ang kristal hangang sa nabasag ito sa maliliit na parte. Mabilis na binawi ni Kian ang kaniyang kamay at umatras ng ilang hakbang.

Tumingin siya sa reaksyon ng matanda at bumungad sa kaniyang ang seryoso nitong mukha. "Paano mo ito ipapaliwanag ngayon? Kung hindi mo pa alam, ang bola ng Kristal na iyan ay higit na napakatibay at hindi ito mababasag sa isang simpleng hawak lamang." Saad nito.

Muling bumuntong hininga si Kian at bahagyang ibinaba ang kaniyang ulo. Sa pagkakataong ito, wala na siyang idadahilan pa. "Paumanhin po kung nabasag ko ang kristal na iyan, kung mapagbibigyan ay hihingi sana ako sa inyo ng pabor." Pagbabakasakali niya.

"Kung ganon, inaamin mo na ikaw ang naging dahilan ng hindi pangkaraniwang pangyayari kanina?" Tanong ni Alyanna. Tumango na lamang si Kian bilang tugon. "Ano ba ang hihingiin mong pabor sa akin?" Muling tanong niya.

"Huwag niyo po sanang sabihin sa kahit na sino ang nasaksihan niyo. Kagaya ng iniisip niyo, hindi ako pangkaraniwang binata at ang nais ko lamang ay mag aral sa paaralang ito ng payapa kaya sana ay pagbigyan niyo ako." Aniya.

Napaisip naman ng ilang sandali si Alyanna. Sa katunayan, ang ganitong mga pangyayari ay dapat niyang sinasabi sa pinuno ng paaralang ito. Gayon pa man, hindi niya mapigilang isipin na mas maganda kung siya lamang ang makakaalam nito. Naiintidihan niya rin ang gusto ni Kian na maging payapa ang pananatili nito sa Faunus Academy. Tumgango na siya ng ilang ulit na nagpapahiwatig ng kaniyang pagpayag.

"Hindi ko ito ipagkakalat pero asahan mong may kapalit ang pabor na ito." Saad ni Alyanna. "Hindi ko na muna sasabihin sa iyo ang kapalit ngunit binabalaan kita. Hindi ko pa alam kung ano ang pambihira mong kakayahan pero nakakasiguro akong hindi matatahimik ang mga nakakatas pag nalaman nila ang sekreto mo." Mahaba niyang saad.

"Maraming salamat kung ganon." Pagpapasalamat ni Kian. Tatalikod na sana siya upang umalis dahil masyado na siyang matagal sa loob ng silid at marami pang naghihintay ngunit pinigilan siya ni Alyanna.

May kinuhang papel at panulat ang matanda at mabilis na nagsulat. Matapos at ibinigay niya ito sa binata. "Pag nakapunta ka na sa kabilang silid, ibigay mo ito kay Helario. Siguradong matutulungan ka niya." Saad niya. "Huwag ka ding lumabas sa harap na pintuan, mas maigi kung doon ka dumaan para hindi ka paghinalaan." Saad pa ni Alyanna habang itinuro ang isang pintuan sa gilid ng silid na nakakonekta sa kabila.

Tumango na lamang si Kian at tinanggap ang papel na ibinigay sa kaniya. Sinimulan niya na rin ang paglalakad sa daang itinuro sa kaniya ni Alyanna. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa unang araw niya sa paaralang ito. Napagtanto niyang masyado siyang naging pabaya, sa mga susunod na araw, kinakailangan niya pang mas maging maingat. Ito na ang una niyang hakbang para simulan ang kaniyang misyon, ang paghahanap sa mahiwagang libro.

Samantala...

Inakala nilang walang makakarinig sa kanilang napagusapan. Ang akala ni Kian ay walang ibang nakakita sa pangyayaring ito maliban kay Alyanna pero nagkamali siya.

Mula sa labas ng silid sa harapan ng bintana, may roong matandang nakatingin sa loob ng silid. Nasaksihan at narinig nito ang mga sumunod na pangyayari matapos ang pagliwanag ng bola ng Kristal.

Walang kagit na sino ang nakapansin sa matanda dahil nakatago ang prisensiya nito. Sa taas ng kaniyang rango, maging si Alyanna ay hindi siya naramdaman.

"Kung inaakala niyong maitatago niyo ang inyong prisensiya, nagkakamali kayo." Nakangising bulong nito bago tinangay ng utim na usok.

Teasure Hunter Volume 2: Book Of Forbidden SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon