[07] Sekretong Silid

465 82 5
                                    


Hapon na rin ng matapos ang klase sa araw na ito. Hindi lamang ang kwento sa pinagmulan ng mga wizard ang kanilang pinag aralan. Sumunod din ang ibang asignatura na ibinahagi ng ibang mga guro kabilang na ang Magic class, physical class, alchemy at iba pa.

Masyado pang maliwanag sa labas at ilang oras pa bago lumubog ang araw kaya napagpasyahan nina Kian at Akiro na libutin na muna ang buong paaralan. Sa makatuwid, ito ang plano ni Kian, hindi lamang niya ito nagawa ng maaga dahil sa kakulangan ng oras.

Una nilang pinuntahan ang pinakamataas na palapag ng gusaling kinaroroonan nila upang makita nila ng buong paaralan. Sa kasalukuyan, ang kanilang lokasyon ay nasa gitna ng buong paaralan kung saan makikita ang mga silid aralan. Sa kabilang bahagi, matatanaw ang malaking gusali na nahahati sa dalawa. Ito ang dormiyoryo para sa mga babae at lalaking mag aaral.

Sa unahang bahagi naman ng paaralan ay makikita ang isang malawak na hardin. Napakalawak ng manipis na damo at ilang puno sa bawat gilid. Nakatanim din dito ang ibat ibang halaman at bulaklak. Sa likod naman ng paaralan ay nakatayo ang pinakamatayog na gusali. Nagmistula itong palasyo dahil sa laki at ganda ng bawat sulok. Nakalagay ang isang malaking watawat sa unahan ng malapalasyong gusali. Napansin din ni Kian ang logong nakaguhit dito. Isang pulang dragon na may hawak na gintong espada, ang simbolo ng Faunus Academy.

Pamilyar kay Kian ang pulang dragon. Nakakasiguro siya na ang Beast King ang tinutukoy ng simbulong ito. Gayon pa man, hindi niya alam kung bakit may hawak itong gintong espada. Hindi niya mapigilang mapaisip sa tunay na ibigsabihin ng simbolong ito.

Gayon pa man, hindi ang mga bahaging ito ng paaralan ang gustong mapuntahan ni Kian. Ang nais niyang mapuntahan ay ang kanang bahagi ng paaralan kung saan makikita ang kagubatan. Kung titingnan, isa lamang itong normal na kagubatan ngunit nabangit ni Zeko na ipinagbabawal ang pagpunta dito. Nararamdaman din ni Kian ang isang manipis na enerhiya na nakapalibot sa kagubatan. Isa itong harang na hindi agad mapapansin ng mga normal na wizard.

"Ano sa tingin mo? Higit na napakalawak ng Faunus Academy hindi ba?" Tanong ni Akriro habang patuloy na tinitingnan ang paligid mula sa taas. Napatingin naman si Kian at tumango bilang pag sangayon.

"Ganon na nga, sa tingin ko, malaking bahagi ng kalupaan ng kaharian ng Norteria ang sakop ng paaralang ito. Higit na napakalawak ng kagubatan sa kanang bahagi na nasa pangangalaga din ng Faunus Academy." Saad naman ni Kian. "Maaari ba tayong pumunta sa aklatan ng paaralang ito? May nais lang akong malaman." Tanong niya.

Tumingin sa taas si Akiro bago tumugon. Napansin niya na hindi pa naman madilim ang kalangitan, marami pa silang oras na manatili sa labas. "Oo naman, kaya lang, sa pagkakaalam ko, malayo ang Aklatan sa kinaroroonan natin. Nasa kanang gusali pa ito matatagpuan pero ayos lang naman sa akin." Aniya.

"Maraming salamat kung ganon." Saad ni Kian bago sinimulan ang paglalakad. Agad namang sumunod si Akiro at tinahak ang daan pababa ng hagdan.

Hindi naman gaano kataas ang gusaling kinaroroonan sila. Nasa talong palapag lamang ito hindi kagaya ng mga gusaling katabi nito. Sa pagitan ng isang malawak na espasyo, nakatayo ang dalawang limang palapag na gusali. Dito matatagpuan ang silid aralan ng mas mataas pang klase.

Agad silang nakababa at tinungo ang kanang bahagi ng pasilyo. May kalakihan ang bawat pagitan ng mga gusali kaya inabot pa sila ng ilang minuto bago makapasok sa silid aklatan ng paaralan. Ang Aklatan ay bahagi lamang ng isang malaking gusali na may limang palapag, gayon pa man, sakop nito ang buong palapag sa baba. Higit na napakalaki nito sa pangkaraniwang aklatan.

Namangha si Kian ng sila ay makapasok. Napakaraming libro sa bawat sulok nang malawak na silid. Sa pagitan ng mga nagtataasang lalagyan ng mga libro, makikita ang mga lamesa at upuan. Sa gilid na bahagi naman hindi kalayuan sa pintuan makikita ang isang matanda na nakaupo sa isang mataas na lamesa. Tambak ang mga libro at papel sa mesa at seryoso itong nagsusulat gamit ang isang mamahaling panulat.

Teasure Hunter Volume 2: Book Of Forbidden SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon