[05] Golden Flame

510 87 10
                                    

Ilang minuto na ang lumipas matapos magpaalam ni Alyana sa kaniya. Ayon kay Alyana, siya ang pinakaunang nakalampas sa panimulang pagsubok na isinagawa nila. Ayon pa sa matanda, kinakailangan niyang magpahinga dahil bukas pa naman niya malalaman kung saang klase siya mabibilang.

Nagaalala rin si Kian sa bagong kaibigan. Umaasa siyang madali nitong malalampasan ang pagsubok. Sa makatuwid, hindi pangkaraniwang wizard si Akiro. Isa itong maalamat na shaman at pagmamayari nito ang isang makapangyarihang staff.

Gayon pa man, naalala ni Kian ang halimaw na kaniyang nakatungali. Hindi niya alam kung magagawa iyong matalo ng mga ordinaryong wizard. Napaisip siya ng ilang sandali at napagtanto niya na marahil ay sinubok lamang ni Alyana ang kaniyang kakayahan.

Napahiga na lamang si Kian sa kaniyang kama ng makaramdam ng pakod. Nakatingin lamang siya sa kisame habang nagiisip. Humahanga rin siya sa lambot ng kaniyang hinihigaan. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa pinakasikat na paaralan ng kontenenteng ito.

Ilang sandali lamang siyang nakatulala at bigla siyang napatingin sa kaniyang daliri ng may maalala. Tinignan niya ng mabuti ang singsing sa kaniyang daliri na may kulay pulang bato sa gitna. Naaawa siya sa kalagayan ng kaniyang alaga kaya hindi na siya nagdalawang isip na palabasin ito.

Tumayo siya mula sa pagkakahiga bago isinambit ang isang kataga.

"Pula." Bulong niya habang inililipat ang enerhiya sa singsing. Naglabas ng pulang liwanag ang singsing at mula dito ay lumabas ang isang malaking pulang lobo.

Masaya niyang sinalubong ang alaga at hinimas ito sa ulo. Nasiyahan naman ang lobo at masayang iwinagayway ang kaniyang buntot habang nakalabas ang kaniyang dila. Sinubukan pa nitong tumahol ngunit agad itong pinatigil ni Kian.

Walang kahit sinoman ang maaaring makakita sa kaniyang alagang lobo ngunit nalulungkot din siya sa kalagayan nito. Palagi na lamang itong nakakulong sa isang masikip na espasyo sa loob ng singsing.

Seryoso siyang tumingin sa kaniyang alaga at bumuntong hininga.

Inabot niya ang kaniyang staff mula sa maliit na mesa sa gilid ng kaniyang kama. Mahigpit niya itong hinawakan bago nagbigkas ng isang spell. May namuong kulay puting luwanag sa kaniyang staff. Balak niyang gumamit ng isang spell na may kakayahang bigyan ng proteksyon ang kaniyang silid. Hindi maririnig sa labas ang kahit anong ingay sa loob para na rin sa kaligtasan ng kaniyang alaga.

Nilagyan niya rin ng isang spell ang pintuan ng kaniyang silid upang hindi basta basta makapasok ang sinuman sa loob.

Matapos makagawa ng proteksyon, agad din siyang humiga sa kama at nagpahinga. Hinayaan na lamang niya si Pula na maglakad lakad sa loob ng kaniyang silid.

Ilang sandali pa ay napagpasyahan na niyang tumayo.

Hinubad na niya ang uniporme ng paaralan at nagpalit ng normal damit. Mabuti na lamang at marami siyang space ring kaya madali niyang nadala ang kaniyang mga kagamitan sa silid.

Inayos na niya ang kaniyang gamit at inilagay na rin niya ang kaniyang mga damit sa loob ng kabinet sa sulok ng silid. Tininnan niya sa huling pagkakataon ang kabuuan ng kaniyang silid bago kinuha ang susi sa lamesa at lumabas.

Balak niyang lumabas na muna at bumili ng kaniyang makakain para sa tanghalian. Hindi na siya nagaalala para sa kalagayan ng kaniyang alaga dahil alam niyang walang kahit na sinong may mababang antas ang makakasira sa harang na ginawa niya.

Tanging malalakas na A+ wizard hanagang S rank wizard ang may kakayahang makapasok sa kaniyang silid.

Nagsimula siyang maglakad sa pasilyo at namangha sya sa ganda ng disenyo ng bawat sulok. Napagalaman niya din na nasa ikalawang palapag ang kaniyang silid. Hindi na din masama.

Teasure Hunter Volume 2: Book Of Forbidden SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon