[06] Pinagmulan

469 81 7
                                    


Madilim pa sa labas ngunit agad na bumangon si Kian upang paghandaan ang unang klase niya sa Faunus Academy. Hindi man ang pag aaral ang pangunahin niyang pakay sa pananatili sa lugar na ito, kinakailangan niya pa ring mag aral bilang isang normal na mag aaral.

Agad niyang inihanda ang kanyang uniporme at iba pang kagamitan na kailangan niyang dalahin bago pumasok sa paliguan sa kaniyang silid. Walang eksaktong oras na nabangit si Alyana sa kaniya kung kailan magsisimula ang klase. Gayon pa man, mas mabuti na ang maging handa.

Matapos niyang malinis ang kaniyang sarili, agad niyang kinuha ang kaniyang uniporme. Matagal niya nanag napansin na hindi pangkaraniwan ang uniporme ng paaralan, nararamdaman niya ang mahinang enerhiya mula dito. 'Isang enchantment magic.' Sa isip ni Kian.

Ang Enchantment magic ay isang uri ng spell na may kakayahang lagyan ng enerhiya ang mga bagay. Isa ring uri ng enchantment magic ang ginamit niya sa kaniyang silid. Sa tingin niya ay isang pamproteksyong spell ang nakalagay sa kaniyang uniporme. Gayon pa man, hindi niya na ito masyado pang binigyan ng pansin at isinuot na lamang.

Inilagay niya rin sa kaniyang daliri ang tatlong space ring. Matapos ay agad siyang nagtungo sa kinaroroonan ng alaga niyang lobo na tahimik na nakahilata sa sahig sa gilid ng kaniyang silid. Buong araw siyang mawawala kaya mas makakabuti kung pababalikin niya na muna ito sa singsing. Hindi niya na ito ginising sa pagkakatulog at kinontrol ang enerhiya upang mapabalik ito sa loob ng pulang singsing.

Nang mapagtanto niyang handa na ang lahat, lumingon siya sa bintana ng kaniyang silid at nakita niya na halos pa sikat na rin ang araw. Mas maigi kung kakain na muna siya sa kainan sa baba bago tumungo sa gitnang bahagi ng paaralan kung saan matatagpuan ang mga silid aralan.

Agad siyang lumabas ng kaniyang silid at bumaba ng hagdan. Nadaanan niya rin ang silid ni Akiro ngunit nakasarado pa ito. Pumunta siya sa kainan ng paaralan at madali na lamang siyang nakapunta dito sapagkat alam niya na ang daan. Kakaunti pa lamang ang bilang ng mga mag aaral na makikita sa labas, sa katunayan, masyadong napaaga ang pagising ni Kian. Ganoon pa man, mabuti ito para sa kaniya para may oras pa siyang makapaglibot ng mag isa.

Mabilis siyang natapos sa pagkain kaya agad siyang lumabas ng kainan at una niyang pinuntahan ang malaking karatula na matatagpuan sa gitna ng paaralan upang tingnan kung saang klase siya mabibilang. Iilan lamang ang mga magaaral na nakatingin sa karatula kaya malinaw niyang nakita ang mga pangalan na nakasulat dito.

Madali niyang nakita ang kaniyang pangalan dahil nangunguna ito sa listahan. Napansin niya rin na kakaunti lamang ang nakapasa sa pagsubok na ibinigay ni Alyana. Sa pagkakataong ito, halos apatnapo na lamang ang kanilang bilang. Sapat na para makabuo ng isang klase.

Napakamot na lamang sa ulo si Kian habang pinagmamasdan ang karatula. Masyado na siyang nakakaagaw ng atensyon, mas mabuti para sa kaniya kung magiging normal lamang siya sa paaralang ito para malaya niyang magawa ang kaniyang misyon. Gayon pa man, wala na siyang magagawa. Masaya rin naman siya dahil nakita niya rin sa listahan ang pangalan ng bago niyang kaibigan.

Muli siyang naglakad habang tinitignan ang kaniyang kapaligiran. Hindi magtatagal ay magsisimula na rin ang klase lalo na at dumadami na rin ang naglalakad na mga mag aaral. Inilibot niya ang kaniyang tingin at hinanap ang kaniyang kibigan. Nagbabakasakaling makikita niya si Akiro sa pagkakataong ito.

Hindi siya nabigo sa kaniyang paghahanap, mula sa malayo, natanaw niya ang kaibigang magisang naglalakad. Hindi niya na ito tinawag at lumapit na lamang siya. Hindi siya sanay na magisa lalo na at noon ay maraming kaibigang malapit sa kaniya. Mas maigi kung magkakaroon din siya ng kaibigan sa paaralang ito.

Nang makalapit ay agad niyang kinamusta si Akiro upang mapansin siya nito. "Akiro, masaya akong makita kang muli." Pangangamusta niya.

"Ikaw pala kaibigang Kian." Sagot ni Akiro sa kaniya. "Kanina ka pa ba naghihintay?" Tanong niya pa.

Teasure Hunter Volume 2: Book Of Forbidden SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon