[08] Alchemy Class

805 113 46
                                    


Katatapos pa lamang ng kanilang klase tungkol sa kasaysayan ng mundo ng teratron na isinalaysay ni Zeko bilang bahagi ng kanilang asignatura sa umaga. Inaasahan nila ang pagdating ni Binibining Flora na siyang magtuturo sa kanila ng mga bagay kaugnay sa alchemy.

Sa unang araw ng klase, tanging pagpapakilala at pagbabahagi ng paunang kaalaman tungkol sa alchemy ang itinuro sa kanila ni Flora. Inaasahan nilang sa araw na ito, ituturo na sa kanila ang tamang pag gawa ng mga mabisang potion at iba pang epektibong bagay gamit ang ibat ibang mga sangkap.

Ilang minuto lamang ang lumipas at agad na pumasok ang isang babaeng hindi pa masyadong katandaan. Sa katunayan ay hindi na lalayo ang edad nito sa kanila. Ang babaeng nagngangalang Flora ay nasa dalawampung taong gulang pa lamang ngunit maituturing nang isang master Alchemist sa mura nitong edad.

"Magandang umaga sa inyong lahat." Nakangiti nitong pagbati sa kanila. Karaniwan na ang kagandahan sa mukha ni Flora na tila nagbibigay ng positibong enerhiya ang ngiti nito.

"Magadang umaga rin Binibining Flora." Pabalik na pagbati ng buong klase sa kaniya. Makikita ang paghanga lalo na sa mga kalalakihan. Maging si Kian ay napupukaw ang ataensiyon kay Flora.

Sa unang tingin pa lamang ay pamilyar na kay Kian ang maamong mukha ng kanilang guro. Maging ang pangalan nito na sumisimbulo sa isang klase ng bulaklak ay pamilyar sa kaniya. Hindi na bago ang pangalang hango sa bulaklak lalo na sa kababaihan sa kaharian ng Kristelia. Nakakasiguro si Kian na galing sa kaharian ng Kristelia ang kanilang kinikilalang guro sa alchemy.

"Kagaya ng sinabi ko sa inyo kahapon, sisimulan na natin ang maayos na klase ngayong araw. Ngayon, ipapakita ko sa inyo ang isang bote ng energy potion na ako mismo ang gumawa." Saad ni Flora bago ipinakita sa kanila ang isang maliit na bote ng dilaw na likido. "Hindi lingid sa inyong kaalaman na ang energy potion ang isa sa pinaka mahalagang produkto ng mga propesyonal na Alchemist. Ang energy potion ay mahalaga lalo na sa ating mga wizard dahil makakatulong ito sa atin upang punan ang kakulangan natin sa natural na enerhiya dahil sa pag gamit natin ng mga spell." Aniya.

"Bilang isang wizard, mas makakabuti sa atin kung may kaalaman din tayo sa pagbuo ng sarili nating mga potion. Sa pagkakataong ito, bibigyan ko kayo ng paunang pagsubok. Gagawa kayo ng sarili niyong energy potion gamit ang mga sangkap na makikita sa hardin ng paaralang ito." Pagpapaliwanag ni Flora na siya namang ikinagulat ng karamihan. Hindi nila akalaing agaran silang gagawa ng potion sa ikalawang araw na pananatili nila sa paaralang ito.

Ngumiti lamang si Flora habang tinitingnan ang reaksiyong ng bawat mag aaral. Ginagawa niya lamang ito para makita ang mga talentadong mag aaral sa larangan ng alkemiya.

"Paumanhin Binibining Flora pero wala pa akong karanasan sa pag gawa ng mga potion at sa tingin ko ay ganon din ang iba." Saad ng isang mag aaral.

Bumaling naman ang tingin ni Flora sa mag aaral bago nag salita. "Hindi ko kayo masisisi kung ang iba sa inyo ay wala pang karanasan sa pag gawa ng mga potion. Ang iba ay galing sa mayamang pamilya at ang mga potion na kailangan niyo ay madaling nabibili habang ang nasa mababang estado naman ay may kakulangan sa gamit at sangkap kaya hindi nabigyan ng pagkakataon sa larangan ng Alkemiya." Saad ni Flora. "Sa pagkakataong ito, hahayaan ko kayong bumuo ng grupo at magtulungan sa pag gawa ng energy potion. Aasahan ko na bawat isa sa inyo ay makakapagbigay ng isang maliit na bote ng energy potion." Pagpapatuloy niya.

Dahil sa pagkakataong ibinigay ni Flora, natuwa ang karamihan sa mag aaral. Halos lahat ay sang ayon sa pahayag ng kanilang guro ngunit may ibang mag aaral ang mas nanaising mag isa itong gawin. Malinaw na ang mga ito ay may kakayahan sa alkemiya.

"Nabigyan na ako ng pahintulot na maaari kayong lumabas sa oras ng klase upang magtungo sa hardina t aklatan. Ipapa alala ko lang na wala kayong ibang pwedeng puntahan kung hindi ang hardin at aklatan lamang. Hindi kayo pwedeng pumunta sa ibang lugar lalo na sa ipinagbabawal na kagubatan." Paalala ni Flora bago nagtungo sa harap ng pinto ng silid. "Maaari na kayong lumabas at ilang minuto bago magsimula ang sunod na klase ay dapat nakabalik na kayo. Maliwanang ba?"

Teasure Hunter Volume 2: Book Of Forbidden SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon