Italy, a European country with a long Mediterranean coastline, has left a powerful mark on Western culture and cuisine.
Diyan ako lumaki habang busy ang aking mga magulang sa aming business sa pinas. They decide na iwan muna ko sa aking lola. Kaya nung namatay ang lola ko napilitan ako na umuwi na lang ng pinas para makasama ko naman ang mga magulang ko.
Magandang simula na sa akin yun sa kabila ng pagkaulila ko sa pinakamamahal kong lola ngunit ganun talaga ang buhay.
May mawawala pero alam ko na may bagong darating na tutulong sakin na mapatatag ako.
Mas pinili ko na di na sundan ang mama at papa ko kung nasaan man sila ngayon nagbubusiness ganun din naman.
Dumiretso na lang ako ng uwi sa batangas taga doon kasi ang mama ko. May bahay naman kami dun kaya napagpasyahan ko na dun na magstay at maghanap ng universities na malapit lang sa bahay namin.
"Iha, welcome back!" sabi ng tito ko sakin.
"Thank you for a warm welcome greetings from my favorite uncle!" sabi ko.
Nagmano ako kay tito at kinuha nya ang mga dala kong maleta na binaba ng family driver namin.
"Mabuting salubungin ka ng pagkain tara at kumain ka na iha at alam kong gutom ka matagal tagal rin ng huli kitang nakita ah dun pa sa italy yun. Dito marami ka makakain na masasarap na talaga naman hahanap hanapin mo kapag nasa italy ka na ulit." masayang sabi nito sa akin.
"Talaga tito? wow naman kapag bumibisita ka lang sa italy saka lang ako nakakain ng mga pinoy na pagkain."
"Oh iha maupo kana dali maya maya ay magsisidatingan ang ilang pinsan mo gayung alam na nilang may umuwing foreigner sa bahay" sabay tawa pagkasabi ni tito.
At ayun, kumain na ako kasama si tito at pinasalo ko na rin ang family driver namin at ilang nandun na kasambahay.
Si tito ronald nga pala ay tito ko na tumanda na lang na di pa nakapag asawa. Malapit sa mga bata ang tito pero di ko alam bat di na nya naisip na mag-asawa o gumawa ng sarili nyang pamilya.
Alam kong may reason ang tito kaya naman na ngayong matanda na sya at wala na rin naman pag asa na makapagpamilya sya at magkaanak ay ako ang tinurin nyang anak nya.
At dahil na rin sa busy ang aking mga magulang at walang magulang ang istriktong pumapatnubay sakin ay sya ang gumanap na magulang ko physically and emotionally.
BINABASA MO ANG
My monochrome life until I met you
RomanceThis is a tagalog version story of "Monochrome life until I met you" originated by the owner. Recommendable for people who understand filipino language. It's no sypnosis due to reason of "it is based story from readers opinion and feelings."