Late nights

199 1 0
                                    

Agad-agad na tumayo si Yeri sa kaniyang pagkakahiga matapos niyang umoo sa aya ng kaniyang kaibigan.

Normal naman kasi sa kanilang lumabas ng ganitong oras, pero ang hindi normal ay yung nakaporma pa si Bambam samantalang siya nakapambahay lang.

“Di mo man lang ako sinabihan, edi sana nagbihis din ako!” Ani Yeri

“Okay na yan! Di ka naman mukhang basahan.”

“Napaka mo!” Sabay amba, na parang sasapakin nito ang binata. 

Bambam chuckled, pinagmamasdan ang pikon na Yeri.

“Oh oh, yung sungay mo lumalabas na naman!” Pang-aasar ni Bambam na nagsimula nang maglakad. Leaving an annoyed Yeri behind. 

“San ba kasi tayo pupunta?” Tanong nito na sumabay narin sa paglalakad ng kaniyang matalik na kaibigan.

“Wala diyan lang sa tabi-tabi.” He said with his hand on the pocket of his jeans.

“Ba’t ka nagbihis kung diyan lang pala sa tabi tabi?” She asked, with a sarcasm on her tone.

“Bakit ba? Trip ko lang. Pagtatalunan ba talaga natin kung bakit ako nakaporma, Kim Yerim?”

“Maka Kim Yerim to! Oo na po tay! Di na po mangungulit.” Sabay irap nito. “So, san na nga tayo pupunta?”

“Ikaw ba san mo gusto?”

Tumungo sila sa isang ice-cream parlor. Medyo nagkecrave daw si Yeri sa matamis, kahit kanina pa to bumibili ng sweets sa food booths na nakikita sa school.

"Strawberry na naman?" Tanong ni Bambam kay Yeri na kanina pa sarap na sarap sa kinakain

"Anong na naman? Chocolate kaya yung kinain ko kanina."

"Oo nga. Kita ko sa tweet ni Jungkook." He said, while licking his vanilla flavored icecream. 

"Weh nagpost ba siya? Di ko nakita."

"Oo, di ka naman nakatag. Tsaka ba't ka ba malungkot kanina?" This time he looked at Yeri. Seryoso ang mukha nito, walang bakas na ngiti ang makikita.

"Kakatakot ka naman, bigla bigla nalang nagche-change ng mood." Pabirong sabi ni Yeri. Kahit sa totoo lang ay tinitimbang niya rin kung ano ba dapat ang sasabihin.

Bakit nga ba siya malungkot? Is she sad just because Bambam made a move on his crush? Is she angry because in the first place it's her fault to push her bestfriend towards Chaeyoung? Or is she upset kasi hindi na rin niya maintindihan yung sarili niya?

Hindi niya alam.

"Huh bakit naman ako malungkot? Ang saya saya ko kaya, dami nanlilibre sakin this day!" She confidently said kahit naman tunog kabado ito.

"Wala sabi kasi sa caption ng tweet ni Kook."

"Ah yun ba? Bat ka nagpapaniwala don? Tsaka akala ko ba magkekwento ka? Iyon nga yung purpose kaya lumabas tayo diba?" Finally, she changed the subject.

"Oo pero may kwento ka parin diba yung sa tambalang Seul tsaka Jebs?"

"Luh? Diba nakwento ko na yun? Ikaw tong may utang na kwento bakit ba gustong gusto mong ako lagi naglalapag ng tsaa, e wala namang ganap sakin today." Irap ulit ni Yeri habang hinahanap ang tweet na picture niya ni Jungkook.

"Wala naman kasing nangyari." Matipid na sabi nito.

"Anong walang nangyari? Nanood kayo, bukod don, walang subtle gestures? Di ka pa rin gumalaw? Ano naestatwa ka?" Sunod sunod na sabi ni Yeri. Na parang di mauubusan ng tanong.

Secret Confession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon