Ano nga bang mas sasakit pa ng iwan ka ng paulit-ulit? Yung tipong parang ginawa na ng mga tao sa paligid mo ang dumating na lang bigla sa buhay mo tapos boom! Magigising ka na lang na wala na sila agad. Yung tipong napadaan lang pero ibang klase magbigay ng marka sa buhay mo? Tsk! Kaya nga, sinusumpa ko sa lahat ng santo. Sa kapatid ni Medussa at sa tatay ni Galema na si Zuma na hinding-hindi, as in hinding-hindi na talaga ako magmamahal. As in, hindi na talaga! Super Big No! Pero badtrip naman si tadhana oh! Biglang nagbiro at pati buhay ko jinoke na naman. Ano 'to? Favorite nya talaga akong i-goodtime? Sa lahat ba naman ng dadating sa buhay ko at makakasalubong ko sa daan ng kamalasan ay isang Zero Santillan pa talaga? Ang pinakamayabang at babaerong lalaki sa balat ng lupa na nakilala ko sa tanan ng buhay ko? Masama na 'to! Mukhang mas gugustuhin ko pang matapos na lang ang buhay ko ng biglaan kesa namnamin pa ang exotic na kaganapan sa buhay ko. PS. Please