Hindi ko alam kung gano katagal ang tinagal ng halik na yun, para akong lutang na sumasagot sa bawat galaw nya. Lasing na ba talaga ko at wala man lang akong lakas upang pigilan at ihinto ang ginagawa ng lalaking hindi kilala. Hindi ko din maintindihan ang sarili, maging ang pusong kanina pa tumitibok ng sobrang bilis. Bigla akong natigilan at tila binuhusan ng tubig na matauhang hindi na lang basta halik ang ginagawa nya sakin, nararamdaman ko na ang dahan-dahang pag-angat at baba ng kamay nito sa bandang pwetan ko. Agad ko syang tinulak at sinampal.
"Bastos!" masama ang tinging sabi ko na sinagot nya muna ng ngisi at lumakad ng mas malapit sakin dahilan para mapaurong ako. Sunod-sunod akong napalunok. Mas nararamdaman ko ang pagwawala sa loob ko. Hindi ko kinakaya ang tinging binibigay nya sakin. Masyado syang matangkad dahilan para tingalain ko sya.
Huminto sya ilang inch ang layo sakin at dinikit ang ulo sa kanang balikat ko. Nararamdaman ko ang mainit nyang hininga na nagpapataas ng balahibo ko. Lalo na ng tila nararamdaman ko ang pagdikit pa nya lalo ng labi sa mismong tenga ko.
Wala pa syang sinasabi pero nararamdaman ko na ang panghihina ng sariling mga tuhod. Gusto kong magsalita, gusto ko syang itulak. Masyado syang malapit at nahihirapan na kong huminga.
"Nendyen ke leng pale ih." narinig kong sabi sa malanding tinig ng isang babae sa harapan ko. Nakita ko kung panong tumaas ang kilay nito kasabay ng pagkunot noo na hindi ko na lang pinansin. Masyadong inaagaw ng lalaking nakadikit sakin ang buong atensyon ko maging ang lakas ko. Ilang segundo pa ang lumipas ng sa wakas, lumayo na din sya pero nanatiling nakatingin sakin.
"I love your smell. Masyadong nakakaadik.." Komento nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Hindi ako makahanap ng sasabihin. Masyado ata akong nabigla. Lalo na ng bigla itong lumapit sa babae at walang sabing hinalikan ito sa harapan ko.
Hindi ako makakilos. Hindi ako makagalaw. Bigla akong nakaramdam ng inis sa nakikita ko. Pano nyang nagagawang makipaghalikan sa ibang babae pagkatapos sakin? Ugh! This is unbelievable. Lalo na ng mula sa kung saan, may lumapit na namang isang babae at agad na hinawakan ang kuwelyo nito na nagpatigil sa ginagawa nila nung isa. Walang sabi-sabing hinalikan din sya nito. At ang mas nakakainis pa, kung panong hinahayaan nya lang ang lahat at tila ine-enjoy ang mga nangyayari lalo na't hinahayaan lang sya ng mga ito na maglakbay ang kanyang mga kamay.. Ugh! Isa syang playboy, dakilang playboy. Itsura pa lang, alam ko na.
Pero hindi naman ako papayag na hindi makaganti sa ginawa nyang biglang paghalik sakin. Masyado din akong nainsulto na pagkatapos sakin ay sa iba naman. Anong tingin nya sa labi ko? Tulad ng sa mga babae nya. Ugh! You'll gonna pay for this.
Agad akong bumalik sa bar counter at humingi ng isa pang hard drinks. Feeling ko kasi, nawala ang tama ko kanina sa ginawa nya. Kaylangan ko ng lakas ng loob. Inisang tungga ko lang ang dumating na inumin at sunod-sunod na huminga ng malalim at nag-umpisang hanapin ang sariling target. Andun sya, kasama ng iba na namang babae habang masayang-masaya nakikipagharutan dito. Agad akong naglakad palapit sa direksyon nya at nakataas ang kilay na huminto sa pwesto nila. Naagaw ko ang atensyon ng lahat ngunit hindi ang kanya na abala pa din sa ginagawang paglalakbay ng kamay sa babaeng katabi.
"Ehem." kunyaring ubo ko.
"Oh! Sorry, we have lots of drinks pa eh, hindi pa kami oorder." malanding sabi nung babaeng isa sa kahalikan nya kanina. Tinaasan ko lang ito ng kilay at masama ang tinging nagsalita. "Move."
"What?"
"Move. Or ipapakain ko yang mga drinks na sinasabi mo kasama yang bote." sabi ko na kinabigla nito.
"Whoa! Ang tapang. Maganda 'to." narinig kong sabi nung isang lalaki na ngayon ko lang napansin habang tatawa-tawang pinapanuod kami.
"Your ridiculous. Ano bang problema mo?" tanong uli nung babae. Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa at nginisian. "Wala naman akong pakealam kung saan ka nakaupo. Kung gusto mo, iuwi mo pa yung sofa, babayadan ko pa para sayo."
S-hit?! Ano ba 'tong mga sinasabi ko?
"What the? Are you crazy?"
"Pwede ba?! Wala akong panahon sayo. Sya ang gusto ko." sabi ko habang nakaturo sa lalaking sadya na ngayon ay nakatingin na sakin at nakangisi.
"No way! Ilang months ang tiniis ko para makuha sya ngayong gabi tapos aagawin mo lang? Sinuswerte ka naman ata." nanghahamong sabi nito na kinagulat ko.. "Kung gusto mong mapasayo din sya ng isang gabi, magpaschedule ka at maghintay."
What the? Seryoso? Ang tulad nya, may schedule sa mga babae? My gosh! Ano ba ang isang 'to? Bathala? Eh playboy nga lang sya sa paningin kong gusto kong gantihan..
Muli ko syang tiningnan habang nakakibit-balikat. Tila naghihintay ng susunod kong sasabihin at gagawin. Huminga ako ng malalim at nakangiting binalingan ang babaeng kausap at nilipat din sa isa pang babaeng kalandian nya.
Grabe! Sino ba ang lalaking 'to para sambahin sya ng mga babaeng 'to?
"Fine. I change my mind. His all yours. Gamitin nyo ng maayos huh? Muka din kasing hindi nya kayang pasayahin ang gabi ko." nanghahamong sabi ko diretso sa lalaking nakataas ang kilay.
Asa ka! Feeling naman neto makikipagpatayaan ko para sa kanya. Hell no! Uuwi na lang ako, masyado nang masakit ang ulo ko at hindi ko na alam ang ginagawa ko, kaya bago pa 'to lumala, itutulog ko na lang, nakapagpahinga na ko, nagkamuta pa ko.
Agad akong lumabas ng bar at nagdiretso sa parking lot. Pilit hinahanap ang ginamit na sasakyan.
"Ugh! Asan na yung sasakyan?" naiinis na tanong ko pagkalabas na pagkalabas ko ng bar. Hindi ko kasi makita ang sinakyan namin papunta dito.
"Mukang nakalimutan ata ng kaybigan kong kasama nya ako." mahinang bulong ko ng biglang natigilan at maalala ito.
S-hit! Oo nga pala, saan naman kaya pumunta yun kasama yung lalaking humila sa kanya? Grabe! Feeling ko, mayroon syang hindi sinasabi sakin. Pero tsaka ko na sya uusisain pag-uwi ko sa condo, sa ngayon, kaylangan ko ng umuwi. Hindi na maganda ang lagay ng ulo ko.
Agad akong humanap ng taxi at sumakay dito. Habang nakasakay, unti-unti ko nang nararamdaman ang pagkaantok. Ng sa wakas, huminto din ito sa tapat ng condo'ng tinutuluyan ko at agad akong bumaba. Pasuray-suray na naglakad ako sa elevator at pinindot ang button 15.
Bigla akong napangiwi ng makita ang oras maging ang date ngayon.
15:15am
August 15, 2015"Tsk! Grabe namang coincidence 'to." iiling-iling na sabi ko at agad na bumaba ng marating ang 15th floor. Agad akong naglakad sa pintuan at hinanap ang susi. Pero halos ibuhos ko na ang laman ng nasa loob ng bag ko pero wala pa din.
Great! Ngayon ko lang naalala, susi nga pala ni Gen ang ginamit namin kanina sa paglock ng pinto at nasa loob ang sakin.
"Ugh! Grabeng kamalasan naman 'to." naiinis na sabi ko habang dahan-dahang inuupo ang sarili sa sahig. Niyakap ko ang tuhod at doon naub-ob.
Grabe! Malas na nga sa pag-ibig, pati ba naman sa ganitong mga bagay malas pa din? Ugh! Ano bang klase ng buhay ang meron ako noong unang buhay ko at ganito ako parusahan ngayon?!
Bigla kong naalala ang lalaking humalik sakin kagabi. Ang matapang na pabango nitong umaapaw sa paligid maging ang malambot nitong mga labi. Hindi maiwasang napahawak ako sa sariling labi at mapangiti. Iba ang dating at paraan nito ng paghalik. Marami na din namang beses akong nahalikan ng mga naging boyfriend ko pero iba ang dating sakin, sya lang ang kayang pabilisin ang tibok ng puso ko na tila kinakabahan at mag-enjoy ng sabay.
Inaamin ko, nasiyahan talaga ako sa ginawa nya wag na lang natin idagdag ang malikot nyang kamay.
"Ano kayang pangalan nun?" mahinang tanong ko sarili. Hanggang unti-unti ko ng nararamdaman ang antok at kalaunan ay lamunin ng dilim.
BINABASA MO ANG
Magulong Kwentong Pag-ibig
RomanceAno nga bang mas sasakit pa ng iwan ka ng paulit-ulit? Yung tipong parang ginawa na ng mga tao sa paligid mo ang dumating na lang bigla sa buhay mo tapos boom! Magigising ka na lang na wala na sila agad. Yung tipong napadaan lang pero ibang klase ma...