Ano ba 'tong nararamdaman ko? Para akong teenager, na-e-excite sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko maintindihan yung feelings na nag-uumpisang sumibol sa puso ko. Hindi naman ito ang unang pagkakataong nagkaroon ako ng masasabi kong boyfriend pero kasi, hanggang ngayon, hindi pa din mawala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad papasok sa isang coffee shop malapit sa condo unit na tinitirahan ko. Paano kasi, tumawag ang boyfriend kong si Harry. Its been two weeks simula ng huli kaming magkita. Napadalang pa ang pagtawag at pagtext nya sakin. Well, I do understand why, we're both busy in school, finals is approaching really fast kaya bihira lang talaga kami magkasama at magkausap plus some errands that are really demanding. Kaya nga, kahit kagigising ko lang nagmamadali akong pumunta dito at hindi na nag-abala pang mag-ayos pa.. Why would I bother myself? He loves me anyway kahit ano pa ang itsura ko. Besides, he hates waiting and I hate making him wait.
Ugh! Heart kumalma ka please. Alam kong namiss mo din si Harry pero ito na yun oh, makikita na din natin sya..
Agad akong pumasok sa loob ng coffee shop at palinga-lingang hinanap sya. Mabilis ko itong nakita at nilapitan.
"Hi. Sorry. Kanina ka pa?" agad na tanong ko paglapit. Hindi ito sumagot o tumayo man lang at pinaghila ako ng upuan gaya ng dati nitong ginagawa. Maging ang lingunin ako, batiin at halikan sa pisngi ay wala din. Nanatili itong nakaupo at seryosong nakatingin sa kapeng nasa harapan. Hindi maiwasang sunod-sunod akong mapalunok. Hindi ko maintindihan ang kabang nag-uumpisa kong maramdaman. Pakiramdam ko may mali at may mangyayaring hindi maganda..
This scene seems familiar to me.
Sunod-sunod akong napailing sa ideyang pumapasok sa sariling isipin. Hindi tamang mag-isip ako ng ganung bagay gayong ngayon lang uli kami nagkita ni Harry. Huminga ako ng malalim at pilit winaksi sa isipan ang lahat ng negatibong bagay at nakangiting muling tiningnan ang kaharap.
"Babe-."
"Tapusin na natin 'to." diretso ang tinging sabi nya sakin na nagpatigil sakin.
Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko habang nakatingin sa lalaking kaharap. Sunod-sunod na napakurap. Hindi ko magawang makapagsalita. Para akong natuklaw ng ahas.
Ano bang sinasabi nya? Hindi ko maintindihan.
"I'm sorry." dagdag nito habang ako ay nanatiling nakatingin sa kanya.
Hanggang ngayon, hindi pa din maproseso ng utak ko ang lahat ng sinasabi nya. Hanggang unti-unting naglaho ang matatamis kong ngiti at napalitan ng pagtataka at katanungan ang mukha.
"Why are you saying this?" tanong ko sa kanya pero umiwas lang ito ng tingin.
"Tell me. Why are you doing this? Is this some kind of a joke, a prank or what?!" nanginginig na ang boses na tanong ko uli.
Hindi ko alam at hindi ko maintindihan ang sarili ko.. Kung bakit tinatanong ko pa sya eh alam ko na din naman ang sagot. Tulad din sya ng iba kong nakilala na iiwan ako at bibigyan ng walang kwentang mga dahilan.
Alam ko naman sa huli, ako na naman ang masasaktan. Tulad ng mga past relationships ko. Sa una lang masaya, sa una lang nakakakilig.. Lahat sa una lang.. Ito na ba yung sinasabi nila na "Ang pag-ibig ay hindi lang puro tamis." And in my case, mukha puro hopia at ampalaya ang naranasan ko. Hindi na makatarungan. Hinahayaan nila akong makakilala ng mga lalaking boyfriend material at magsaya sa piling nila pero bakit saglit lang.. Bakit hindi pa pangmatagalan?
"I'm sorry." paulit-ulit nyang sabi habang nakayuko.
Sorry? Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi nya sakin ang salitang yan? Sorry, pero para saan? Dahil ang alam ko, sinasabi lang ang salitang yan kapag may nagawa kang masama at may pinagsisisihan.
BINABASA MO ANG
Magulong Kwentong Pag-ibig
RomanceAno nga bang mas sasakit pa ng iwan ka ng paulit-ulit? Yung tipong parang ginawa na ng mga tao sa paligid mo ang dumating na lang bigla sa buhay mo tapos boom! Magigising ka na lang na wala na sila agad. Yung tipong napadaan lang pero ibang klase ma...