"Ugh!" mahinang ungol ko habang pilit pinakikiramdaman ang sarili. Masakit ang ulo ko at hindi ko maigalaw ang katawan. Tila ba may nakapatong na mabigat sa dibdib ko. Sunod-sunod akong napalunok at napabuga ng hangin habang unti-unti ko ng nararamdaman ang mainit na sinag ng araw na tumatama sa sariling mukha.
Nakakaramdam ako ng pagkauhaw. Marahil, masyado atang naparami ang inom ko kagabi. Pero parang may kakaiba. Iba kasi ang simoy na nalalanghap ng sariling ilong. Hindi pamilyar. At ang bango. Ang bango bango ng naamoy ko. Nakakapagtaka, hindi pamilyar sakin ang ganung amoy. Hindi pa din naman ako nagpapalit ng bedsheet pero bakit ganito ang amoy. Nakaaadik. Hmm.
"Jusmiyo! Anong ibig sabihin nito?" isang matinis na boses ang biglang nagpabalikwas sakin mula sa pagkakahiga ko. Pilit kong minumulat ang sariling mata at hinahanap ang nagsalita. Ganun na lang ang gulat at nilaki ng mga mata ko ng makita ang isang sopistikadang ginang na nakatayo sa harapan ko habang gulat na gulat na nakatingin sakin.
Hindi maiwasang magtaka ako kung sino ito at anong ginagawa nya sa bahay ko.
"Sino po kayo?" wala sa hulog na tanong ko na tinaasan nya lang ako ng kilay at nakaismid na pinasadahan ako ng tingin at bumaling sa gilid ko.
"Get dress son. And you!" sabay turo sakin."We NEED to talk." sabi nito at tinalikudan ako.
Son? WTH?! Ano bang nangyayari?
Hindi ko maiwasang sunod-sunod na mapalunok kasabay ng pagbilis ng tibok ng sariling puso habang dahan-dahang pinapaling sa kabilang gilid ang ulo. At ganun na lang ang gulat at sigaw ko ng makita ko ang isang lalaking walang saplot na nakahiga sa tabi ko habang nakapatong ang braso sa bandang tyan ko.
"Waaaaaaaaaah!" agad na hiyaw ko dahilan para magmadali itong tumayo at mapatingin sakin.
S-hit! Sino ba ang lalaking ito? At nasan ako? tanong ko sa sarili ng marealize na hindi ito ang sariling condo'ng tinitirahan ng mahagip ng mga mata ko ang ilang portrait ng isang sexy'ng babae.
Sunod-sunod akong napalunok ng muli kong tingnan ang lalaking nakapamewang na nakatingin sakin ng diretso habang nakangiti ng nakakaloko na ang tanging suot ay isang plain na black na boxers short lamang. Kitang-kita ko ang matipuno nitong katawan, ang broad nitong balikat maging ang anim na pandesal na kinababaliwan ng mga babae.
Hindi ako makagalaw at sunod-sunod na napakurap ng mapadako ang tingin sa malaking bagay na nasa pagitan ng mga hita nito. Hindi naman ako mangmang pero alam ko kung ano iyon. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko magawang iiwas ang paningin ko. Mababaliw ako sa view na nakikita ko.
Panong nasa harap ko ang isang matipunong lalaking tulad ni Adonis? Hindi ko alam kung bakit pamilyar sya sakin. Sunod-sunod akong napalunok at naramdaman ang pag-init ng sariling mukha.
"Are you done checking me?" mapanuksong tanong nito dahilan para makaramdam ako ng hiya at iiwas ang sariling paningin.
S-hit! What the f-uck is wrong with me? Kumalma ka heart! Kumalma ka Moira! Imbes na pagpyestahan mo ang katawan nya, umayos ka!!
Huminga ako ng malalim at tiningnan sya ng diretso. "Anong nangyari? Anong ginawa mo sakin? Nasan ako? Sino ka?" sunod-sunod na tanong ko. Pero imbes na sagutin ako, tinitigan muna nito ang kabuuan ko at kitang-kita ko kung pano ito huminto sa dibdib ko. Agad ko itong tinakpan at sinamaan ng tingin.
D*amn! Ano ba kasing nangyari? Bakit ako nandito? At bakit isang malaking t-shirt na lang ang suot ko?
"Sino ka ba? At nasan ako? Anong ginawa mo sakin?!" ulit ko uli.
"Hindi mo ba matandaan kung anong ginawa mo, natin kagabi?" ganting tanong nito na nagpatigil sakin.
"What?" naguguluhang tanong ko.
Ano ba ang sinasabi nya? Ano bang ginawa ko? Anong ginawa namin? Bakit wala akong maalala.. Pinakiramdaman ko ang sariling katawan kung mayroon bang kakaibang pagbabago.. Bukod kasi sa masakit ang ulo ko na parang binibiyak, masakit din ang balakang ko..
Pero bakit nga ba masakit ang balakang ko? S-hit! Hindi naman siguro..
"Wala namang nangyari satin di ba?" agad na tanong ko na hindi nito pinansin at nakita kong naglakad papuntang kabinet.
"Better get dress. My mom is waiting outside." sabi nito at binato sakin ang isang puting roba.
Doon lang ako natauhan ng maalala ang ginang. Hindi ko alam kung bakit may iba akong pakiramdam sa mga mangyayari sa oras na lumabas ako sa silid na yun.
Great! Hindi na talaga ako iinom! Napapahamak lang ako eh.
"Ano pang ginagawa mo dyan?" tanong na naman nya sakin ng mapansing nakatayo lang ako sa harap ng pinto pagkatapos isuot ang binigay nya.
"Ano bang ginawa kong masama at napakamalas ko naman po ata?!" mahinang tanong ko habang sunod-sunod ang pagbuga ng hangin. Hindi ko kasi alam kung ano ba talaga ang nangyari at nagising na lang ako na katabi ko na ang lalaking ito. Eh hindi ko naman sya kilala. Hays.
"Gusto ko pa pong mabuhay. Marami pa akong pangarap. Nag-aaral pa din ako. Kung panaginip lang po ito, maari bang gisingin nyo na ako."
"Tsk! Crazy woman." narinig ko pang bulong nya at naramdaman ko na lang na lumapit sya sa direksyon ko at tuluyan na ngang binuksan ang pinto. "Don't worry, my mom won't kill you. She might just bite you. Rawr!"
WHATTHE?!
BINABASA MO ANG
Magulong Kwentong Pag-ibig
RomanceAno nga bang mas sasakit pa ng iwan ka ng paulit-ulit? Yung tipong parang ginawa na ng mga tao sa paligid mo ang dumating na lang bigla sa buhay mo tapos boom! Magigising ka na lang na wala na sila agad. Yung tipong napadaan lang pero ibang klase ma...