Chapter 4

10 0 0
                                    

"Hey! Ano ba yang ginagawa mo? Seriously, para kang t*ng*. Can you please stop it?" naiiritang sita sakin ni Gen. Sunod-sunod akong napabuga ng hangin at dahan-dahang binaba ang panyong kanina ko pa hawak at ginamit ko para takpan ang sariling mukha.

"Tsk! Nakakaasar kasi eh. Hindi ba ko pwedeng magkaroon ng tahimik na tanghalian?" nakangusong tanong ko naman.

Kanina pa tapos ang morning class naming dalawa. And we decided na dito na lang sa cafeteria ng campus kumain since isang oras lang ang break namin.

Being college student s*cks! Hindi ko na nga gusto yung kinuha kong course, idagdag pa yung Queen bee ng school na sinilang lang ata sa mundo para sirain ang bawat araw ko.

At tulad nga ng inaasahan ko, ilang sandali ang lumipas at dumating na nga ang grupo ni Diana kasama ang ex kong si Harry. Parang kinukurot ang puso ko habang tahimik na nakasunod ang mga mata sa kanila. Hindi ko maiwasang makaramdam ng panliliit at lamang na pagkainis.

"Bakit sila magkasama?" mahinang tanong ko.

"Obviously, sila na." prangkang sagot nito.

"Huh? Imposible yang sinasabi mo. Kabe-break lang namin eh."

"Yes, kabe-break nyo pa nga lang pero wala eh, ganyan talaga yang ex mo. Hindi ata mapakali ng hindi nagkakaroon ng bagong dyowa."

"Pero bakit? Bakit sa lahat ng ipapalit nya, bakit sya pa?" naguguluhang tanong ko uli.

Diana Louise has this reputation of being a Queen bee plus a gold digger. She has beauty, curves and brain. Yun ata yung ginagamit nya para makuha ang gusto nya. She's like a predator. She used to stick with wealthy and popular man in the campus na alam nyang mapakikinabangan nya. And unfortunately, Harry is her new target.

"Why my dearest Moira? Any problem with that?" tanong ng isang tinig mula sa likudan ko. Hindi ko manlang namalayang nakalapit na pala ang tinutukoy kanina.

Saglit ko itong tiningala at hindi maiwasang mapataas ang kilay lalo na ng mapadako ang tingin sa lalaking katabi nito na nakaakbay din sa kanya. Ewan ko ba, pero naiinis ako sa nakikita ko. Its been just a week tapos ang lalaking ito, nakuha pang humarap sakin kasama ang babaeng kapalit ko. Ugh! What a nice way of insulting me.

Huminga ako ng malalim at pinilit na ngumiti ng tipid bago muling binalik ang tingin sa kausap. "Wala naman. I don't really have problem with that. In fact, I was happy that you both end up together."

"Really? Haha akala ko kasi Hindi ka matutuwa sa balitang kami na ng ex mo." nakangising sabi nito.

"Bakit naman hindi ako matutuwa? Bagay naman kayo eh."

"You think so?"

"Oo naman. Muka ngang mahal na mahal nyo pa ang isa't-isa." Bagay din kayo. Parehas kayong manggagamit. Tsk! Gusto ko pa sanang idagdag.

"Haha wala eh. Ganun talaga. Hindi ko nga din alam kung bakit lahat na lang ata gusto ako." nagmamalaking sabi pa nito.

Tsk! Baka lahat ng ex ko kamo kursunada mo.

"Well, no doubt about it, balita ko kasi.." Saglit itong huminto at lumapit sa kinauupuan ko at tumapat sa tenga ko. "You're not that good in playtime.. Specially in bed, kaya they always left you."

Ugh! What the?! Anong ibig nyang sabihin dun? Tsk! I want to clear what she said but at the end, I choose to remain silent.

Pano ko nga ba ipahtatanggol ang sarili ko sa mga sinasabi nya at itatama ang iniisip ng lahat kung ang halos ng mga naging ex ko, ang ideyang 'yun' ang dahilan kung bakit nila ko iniwan. What a funny excuse, isn't it?

Pero I admit, as a girlfriend, there are a lot of times na hindi ko napupunan ang pagiging girlfriend sa kanila specially kapag 'yun' ang usapan. Kahit naman nakailang relasyon na ako, hindi ko pa din sinusuko si bataan. Hindi lang halata pero conservative akong tao. I want to give my v-card to the man I will spend the rest of my forever.

Pero mukang malabo ng dumating pa sya.

Masama ang tingin binigay ko sa lalaking nasa tabi nito at ilang ulit na pilit pinatay sa utak ko.

Ugh! Ang sarap mong kurutin ng paulit-ulit gamit ang nail cutter. Buset ka!

"Matatapos na ang lunchbreak, hindi pa ba kayo kakain?" maya-maya'y tanong ni Gen. Kung hindi pa siguro ito nagsalita ay hindi ko maaalalang kasama ko nga pala sya.

"Ow! The best friend of the year is here. My apology, hindi kita napansin." tila nang-aasar na sabi ni Diana.

Kitang-kita ko ang unti-unting pagtaas ng kilay ng kaybigan at kalaunan ay pagngiti ng malaki. "Don't worry, hindi naman ako nagpapapansin sayo eh. Besides, your presence lost my appetite."

"You?!"

"Yes me?" nakataas ang kilay na balik-tanong nito.

"Huh?! Tumatapang ka na ata." puna ni Diana dito.

Hindi ko alam kung anong reaksyon o ang dapat kong sabihin. Nanatili akong nakaupo at papalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa.

Hindi na ko nagtataka sa nangyayari. Ganyan naman talaga silang dalawa, tila mortal na magkaaway. At dahil hindi ko kayang labanan si Diana, ako ang pinupuntirya nya.

"Bakit? Natatakot ka na ba?" nakangising balik-tanong nito.

"Silly. Why would I?"

"Ewan ko. Bakit nga ba? Nakakatakot na ba ako? Wala pa kong ginagawa eh."

"Wag ka masyadong bilib sa sarili mo, baka sa huli iyan ang ikasira mo."

"Don't worry, compare naman sayo, my foot still on the ground."

"What the?!"

Kring.. Kring..

Naagaw ng sunod-sunod na tunog ng bell ang aming atensyon. Hudyat na tapos na ang tanghalian.

Whoa! Save by the bell..

Mabilis na tumayo si Gen at agad akong hinila. "See you around." nakangising sambit pa nito.

Grabe! Ibang klase talaga syang babae. Wala akong masabi.

Magulong Kwentong Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon