Chapter 5

4 0 0
                                    

Days had passed smoothly and finals, at last is over.

Hello semestral break! Bagay na hinihintay naming mga estudyante. Sa wakas, tapos na din ang buwis-buhay na pagpasok.

"Whoa! Pahinga is Real. Bakasyon grande na naman." nakangiting sabi ko. Katatapos pa lang ng huli naming exam at abala ang lahat sa pag-uusap regarding sa mga plano ngayong bakasyon. Agad kong binalingan ang katabi at mas nilakihan pa ang pagkakangiti.

"So what's our plan for today?" tanong ko dito.

"Matulog. Gusto kong matulog at ipahinga ang utak ko."

"What? No way! Hindi ako papayag. Kaylangan nating mag-unwind no. Masyadong nakaka-stress ang sem na 'to."

"Kaya nga. Matulog sa malambot na kama is the best way to do."

"No! I already planned it."

"Plan what?"

"Where going to the bar and get wild and wasted. Magpapakalasing tayo hanggang umaga. Haha" natatawang sagot ko pa.

"Tsk! Passed."

"I don't take no for an answer. Besides, malay mo, andun na si the one." nakangiting sabi ko.

"Sige paasahin mo lang sarili mo." seryosong sabi nito na kinanguso ko. Sa huli, sa haba ng diskusyong nangyari, pumayag din sya.

Pasado alas-onse ng gabi ng makarating kami sa bar. Maraming iba't-ibang uri ng sasakyan ang nakaparada sa kung saan, mga taong nasa labas pa. May ilang naninigarilyo sa tabi, ang iba naman ay kasama ang mga kakilalang malakas na nagtatawanan at mga iilan na magkapareha na mga sweet sa isa't-isa. Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapakla at agad na iiwas ang sariling paningin dito. Oo! Nakakabitter na naman yung sight.. Ugh! Ako na naman ang mag-aadjust kasi nakikitingin lang ako.

Huminga muna ako ng malalim at sumunod kay Gen papasok sa loob. Agad akong napangiwi ng marinig ko ang tila bumabasag sa eardrum kong sound system. Ang mga naghihiyawang mga tao at ang mga nagsasayaw sa gitna. Hindi maiwasang mapapikit ako saglit at dahang-dahang i-adjust ang sariling paningin mula sa malikot at makulay na ilaw sa loob.

Marami akong nakitang kakilala na agad kong iniwas ang tingin. Halos lahat ay mga ka-eskwela ko. Agad kaming nagdiretso sa loob at naghanap ng mauupuan sa tapat ng bartender na matamis na nakangiti samin na ginantihan ko naman.

"The usual." narinig kong sabi ni Gen. Agad na tumalima ang lalaki at binigay ang order nito. Hindi na ko nagtataka sa kaybigan. Sa totoo lang, parehas kaming laman ng bar kaya kilala na kami dito.

"Dahan-dahan naman. Hindi naman tayo mauubusang ng inumin eh. Mahaba pa ang gabi." sabi ko habang nakatingin ng diretso sa kaybigan ng mapansin kong tila sunod-sunod ang pag-inom at hingi nito ng alak na pinagtataka ko.

"May nangyari ba?" tanong ko.

Ngumiti ito saglit at biglang tumayo. "Tara, sayaw tayo." maya-maya ay yaya nito sakin habang hinihila ang braso ko.

"Huh?"

"Sabi ko, magsayaw tayo... Dali na.. Hindi ko na magagawa 'to sa susunod eh." pilit ang ngiting sabi nito.

"Bakit naman?" naguguluhang tanong ko.

"Basta."

Sa huli, wala na kong nagawa kundi magpatianod sa kanya at nagdiretso sa gitna ng dancefloor.

Doon, kitang-kita ko ang kaybigan, sumasayaw na parang walang bukas kasabay ng beat ng music. Walang humpay habang tumatawa ng tumatawa.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng pag-aalala sa kaybigan. Tila may mali sa kanya.

Ilang tugtog pa ang napalitan ng mapansin kong unti-unti ng may lumalapit sa kanyang mga lalaki at pinapalibutan sya. Binibigyan sya ng inumin na kanya namang tinatanggap at iniinom. Hindi maiwasang manlaki ang mga mata ako at magmadaling mas lumapit sa kanya ng makita ko ang isa ditong unti-unting humahawak na sa bewang nito pababa-taas sa maselan ng parte sa likudan.

Sunod-sunod akong napalunok at biglang natigilan lalo na ng biglang mula sa kung saan, isang matangkad na lalaki na tila pamilyar sakin ang biglang humila sa kanya paalis sa dancefloor. Agad ko silang sinundan lalo na ng makita ko ang pilit na inaalis nito ang kamay sa pagkakahawak ng estranghero.

Ngunit dahil sa nainom, unti-unti akong nakaramdam ng pagkahilo dahilan para mawala sila sa paningin ko.

"Gen" sigaw ko. Umaasang maririnig ng kaybigan. Pero sa lakas ng music, duda akong maririnig nya ako. Sisigaw pa sana uli ako ng mula sa kung saan, isa pang lalaki ang bigla na lang sumulpot sa harapan ko at nginisian ako bago walang sabing hinalikan ako. Nanlalaki ang mga matang hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari lalo na ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

DUG DUG! DUG DUG! DUG DUG!

The last thing I know, nababaliw ako sa ginagawa ng estranghero na to sa labi ko. Nakakapanghina, nakakawala sa wisyo.

Dahil nga ba sa halik nya o dahil sa lasing na talaga ako. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, gusto ko ang ginagawa nyang kapangahasan.

Magulong Kwentong Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon