Chapter 2

18 2 0
                                    

Lahat talaga ng bagay may hangganan. Walang permanente sa mundo. Lahat ng taong dumadating sa buhay ay aalis din, hindi man ngayon pero dadating ang panahon na iiwan ka din nila.. Tsk! Bakit ba kasi kaylangan pa nilang dumating kung aalis din naman sila? Ugh!

Marahang nilagay ko ang sariling kamay sa kanang dibdib at tahimik na pinakiramdaman ang pagtibok ng sariling puso.

DUG! DUG! DUG! DUG! DUG! DUG!

My heart beats, but does that mean I'm alive or am I just a human whose function is to just breath? Hays. Gusto kong malaman, what is my real purpose in this life? Para lang ba maging punching bag ang puso ko at paulit-ulit na maranasan ang kabiguan? Tsk! That's unfair.

Its been two weeks pero para pa din akong tangang nakaupo sa sulok sa coffee shop na ito. Kung saan ako hiniwalayan ng buset na Harry na yun. Ewan ko ba whats my problem, kung bakit hindi tulad ng ibang mga babae ay mas pinipili ko pang puntahan at tambayan ang lugar kung saan kami madalas. Hindi naman sa umaasa ako na makikita ko sya or what. I'm just remembering the past. You know? A way better of torturing myself. Lalo na sa mga nakikita ko ngayon sa paligid ko and make me realize how pathetic I am to believe in his lies. But this time, it's different.

Sunod-sunod na napapabuntong hininga. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit at kalaunan ay inis sa lahat ng mga mag-couple na dumadaan sa harapan ko with matching holding hands tapos sweet pa sa isa't-isa. Langya lang kasi, nakakabitter yung eksena nila, masyado ng masakit sa mata. Minsan nga ang sarap sabihing "Respeto naman saming mga single." O di kaya "Magbebreak din kayo gaya namin ng gago kong ex. Walang forever uy!"

Pero syempre, hindi ko sinisigaw yun. May hiya pa naman ako kahit konti.

Pero kung minamalas ka nga naman oh! Sa lahat pa ng makikita ko ngayong araw, bakit yung varsity ko pang ex. Varsity sa pangto-two time samin ng kaklase kong mukhang bisugo! Walanjo talagang buhay to oh! Ugh! Oh tadhana, bakit kay lupit mo?

At ang nakakatawa pa, infairness, ang hilig nya sa hipon. Maganda nga ang katawan tapon naman ang ulo pwera sakin maganda, sexy, at maganda uli, in short dyosa!

Hindi ko nga maintindihan kung bakit na lang lagi akong iniiwan at pinagpapalit. May mali ba talaga sakin? Kapalit-palit ba talaga ako? San ako nagkulang? Ginagawa ko naman ang lahat eh. Pero bakit parang hindi pa din sapat?

Kaya siguro na kahit ang 3 months rule ay hindi sa kanila nauso. Nakakabastos lang na after ng break-up na iniyakan ko ng ilang gabi, makikita ko sya kasama ng iba na parang walang nangyari. As in, burado agad ako na para bang hindi nya ako kilala. Walanjo?! Ganyan ba talaga silang lahat?

Huminga ako ng malalim at pilit ang ngiting binigay ko sa kanya lalo na ng magtama ang mata namin pero ang lintik, kinunutan lang ako ng noo tapos dedma na.

Wow! Tibay lang dude. Kala mo naman ang gwapo! Letse sya! Sa sobrang inis ko, binaba ko na lang ang paningin at nagfocus na imagine-nin na sya ang pinanggigigilan kong cake.

"Kawawa naman yung cake." sabi ng isang tinig. Inangat ko ang tingin sa harapan at nakita ko ang isang nakangiting lalaki.

"Excuse me?" nakataas ang kilay na tanong ko na sinuklian nya lang uli ng isang ngiti.

Tsk! Mga lalaki talaga. Una kukunin ka sa ngiti tapos makikipagkilala hanggang kunin ang number ko. Magtetext at tatawag, magyayaya lumabas para makilala daw ang isa't-isa hanggang magtatanong kung pwedeng manligaw. At kapag sinagot muna, goodbye din sa puso mong hulog na hulog na sa kanya. Style nila bulok!

"May nakaupo ba dito?" nakangiting tanong nito na hindi ko pinansin at muling binalingan ang cake na nasa harapan. Naramdaman ko na lang ang paglapag nito ng bitbit na tray at pag-upo. Hindi ko na lang ito pinagtuunan ng pansin.

Magulong Kwentong Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon