"You deserved to be treasured. And most especially to be loved." Ipinanganak ata na malas si Hazel buong buhay niya. Maagang naulila. Pinagpasa-pasahan ng kapamilya. Ginawang alipin. Nawalan ng trabaho. At ang matinding kinahaharap ngayon ay ang pagpapalayas sa inuupahan. Susuko na dapat siya sa buhay pero naudlot ito nang makilala si Oliver. Ito ang lalaking ubod ng sungit na muntik na siyang sagasaan. Sa tulong ng kapatid nito ay nagkaroon siya ng instant tirahan at trabaho. Iyon nga lang ay bilang katulong ng mga ito. Masasabi niya pa kayang malas siya ng mahulog ang loob niya sa binata? Lalo pa't alam niya na isa ito sa mga taong hindi naniniwala sa pag-ibig.