Freedom? 'Yan ang salitang pinagkait kay Yries Macalia dahil sa pagiging sunud-sunuran nito sa kaniyang pamilya. Maaga itong naulila sa magulang na dahilan para siya ay mapunta sa kaniyang matapobreng tiyahin. Sa pangangalaga ng kaniyang tita na si Donya Almeria ay mahigpit siyang pinagbawalan sa pakikipagrelasyon. Paano niya ito magagawa kung siya ay hulog na hulog sa isang sikat na varsity player ng Davisian University na si Limwell Villavista. Paano niya magagawang hindi makipagrelasyon kung ang taong mahal niya ay binigyan siya ng motibo para umasa at maging sila. Magagampanan kaya ito ng isang Yries Macalia, na piliin ang kagustuhan ng pamilya kaysa ang kasiyahan at kalayaan ng kaniyang puso? - Date Started: February 2019 Date Finished: May 27, 2022