Makabagong pagmamahalan sa makabagong panahon. This is a 31st Century Love Story where everything has changed. Mula sa paligid, sa mga tao, at halos teknolohiya na ang nagpapatakbo sa mundo. Ngunit ang puso ng mga tao'y nanatiling makulay, marunong magmahal at magsakripisyo. Naturingang prinsesa ng pamilya ngunit kaya niyang magpakababa makuha lamang ang puso ni Zach Martinez. Parang aso kung maghabol. 'Tila sardinas kung isiksik ang sarili. 'Yan si Kezia Maureen Montefalcon, kayang gawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Ngunit ang nag-iisang lalaking natitipuhan nito'y walang paki-alam sa kaniya. At higit sa lahat, nakatakda na itong ikasal. Hahabulin pa rin niya kaya ito? O kaya niyang maging kabit mapunan lamang ang makamundong pagnanasa kay Zach?