May mga pagkakataon sa buhay na gusto mo nang sukuan ngunit ang ilan, hindi madaling iwanan, talikuran at isipin na parang walang nangyari kasi sa totoo lang isa ito sa mga bagay na bumuo sayo subalit siya rin sumira. Sabay-sabay na problema ngunit sino nga ba ang nandiyan at nanatili? Sinong nakiramay at hindi? Sinong tumalikod at nagtakip ng tainga sapagkat ayaw marinig na sila ang mali at ikaw ang tama. "Hindi ko na kaya." Bulong ng nakararaming ako ngunit hindi ako maaaring sumuko. Hangga't may naniniwala at nagmamahal mananatili akong batang magsasaya sa ilalim ng rumaragasang ulan. -Rainne