KABANATA 7

25 9 0
                                    

•••
BALL

"Ayos ka lang ba, ulan?" Tanong sa akin ni Avery. "Kanina ka pang recess walang kibo."

"I know there's something bothering you?" Dugtong pa niya.

"I failed on a quiz." Mahina kong aniya sa kaniya. Agad naman ang naging pagyakap niya sa akin. Just like anybody else, first time niya itong maririnig sa akin dahil hindi na normal sa akin ang bumagsak.

Si Avery lang ang lahat ng nakakaalam ng problema ko at sa kaniya ko lang nailalabas ang lahat lahat nang walang pagkukunwari. Mula sa sarili, pamilya, at dito sa paaralan. Gamay na gamay na niya ang ugali ko, maging ako rin sa kaniya.

"Baka naman sobrang hirap lang talaga no'ng quiz niyo." I know she just trying to lift my spirits and hopes up pero may iilan ilang nakapasa naman.

"Hindi ako nakapag-aral." Okay lang sana kung naintidihan ko nang mabuti 'yung lesson pero hindi eh, my mind was into something kaya para bang pumasok lang sa isang tainga at lumusot pakabila.

"Tatay mo na naman ba!?" Histerya niya. My lips rose on that remark.

Umiling naman ako na kinanuot ng noo niya. Lagi lang naman ang bisyo no'n ang problema ko na nauuwi sa ilang mga bagay na ayaw ko na lang alalahanin ang ikinikwento ko kay Avery. Kaya batid ko kung bakit tila nagtataka ang naging reaksyon niya dahil may iba akong dahilan.

"Umupo na muna tayo." Sa tapat kami ng university umupo, sa mga benches. Marami pa namang mga ibang estudyante na nag-aantay ng masasakyang jeep. Intayin ko munang kumaunti bago umuwi.

"Iba...Si Rhys."

Kakaupo lang namin pero napatayo na naman siya at mataray na nakapamewang sa aking harapan. Kung hindi lang ako malungkot, pinagtawanan ko na ang postura niya. Para siyang chismosa sa kanto.

"Ano!? Pinaglaruan ka? Sinaktan? Pinaasa?"

Pinaglaruan? baka pero pilit na hindi tinatanggap ng isipan ko. Sinaktan? Oo, pero baka naman may dahilan siya, emergency o anuman. Pinaasa. Sobra! We are going well tapos biglang gano'n. It ruined our moment, our story.

"Kahit alin diyan nararamdaman ko." Pinipigilan ko na lang ulit na maluha. Nakakahiya naman sa ibang studyanteng nadaan.

"Pero..." Idudugtong ko pa sana na baka sakaling may emergency siya pero naunahan na naman niya akong magsalita.

"Shhh, walang pero! Pero! I-drop mo na lang 'yan hindi worth it."

"Baka naman may dahilan siya? Rainne, subok ko na 'to. Lagi na akong naging biktima ng mga rason na mga lason na 'yan! Huwag ka nang magpaloko pa."

She has suffered from a lot of cheating issues in her past relationships. So far, si Dave ang pinakamatino niyang naging ex. I just don't know what happened to them.

"Kahit ano pang dahilan niya bakit hindi ka man lang sumagi sa isipan niya. Kaya naman siguro ng limang minuto ang mga text?" Lahat ng mga sinasabi niya at tumutusok sa aking kaloob looban. It has a lot of sense but I keep having a blind eye.

"Sinong naghatid sayo?"

"Si Rio." Binigyan niya ako nang makahulugang tingin.

"Kaibigan lang ba talaga tingin no'n sa'yo?" Hindi ako umimik.

She grabbed her phone to check on something. Naririnig ko pa ang ilan niyang mahinang pagmumura.

"Putang ina! Basketball?!" Inis nitong daing.

"Tignan mo, Rainne." I glanced at her phone. Mas inalipat ko pa ang mukha ko sapagkat nung una ay hindi ko ito maaninag masyado.

The story was placed in a court, a basketball court. Along with it, are the players who's practicing and one of them is Rhys. Ha?

"Ako nanggigil na ako sa lalaki na 'yan ha! Rainne, subukan niyang magpakita sa harapan ko ngayon at masusuntok ko 'yan!"

Para lang ba sa isang laro kaya hindi niya ako sinipot? Kaya hindi man lang niya ako naalala? Ang tanong na lang ngayon ay, was this his plan and purpose? Ang paasahin at paghintayin ako. Ayon ang hindi ko maiintidihan.

Kakakita at kakakilala lang namin. Wala akong atraso sa kaniya o anuman kaya kung may rason man siya... Ano?

"Rainne."

I looked at the man who has been in my mind for a long moment. Hindi ako nagsalita o lumapit sa kaniya bagkus nanatili akong nakaupo't naghihintay sa sasabihin niya.

He must explain.

"Hoy, ikaw!" Sigaw ni Ave at bahagyang pasugod buti na lang napigilan nung kasama ni Rhys.

"Magtimpi ka nga, Avery." Suway ng lalaki.

"Dude, calm your girl." Inis namang tugon ni Rhys. Kaya parehas silang nagtitigan nang masama ni Avery.

"Calm your girl mo mukha mo!" Muling sigaw nito.

"Can you take her somewhere else." Hinarap ko ang lalaking may hawak sa kaniya. He's a stranger to me, but I bet not to Ave. It must be her ex.

"Rainne?" Aniya ni Ave.

"I have to clarify something at hindi ka nakakatulong." Hindi ko maipaliwanag ang naging ekspresyon na pero batid kong hindi maganda ang nasabi ko sa kaniya.

Hinawakan ko ang kamay niya ngunit tinaboy niya lang ito.

"Wow! Bakit bigla kang sumakit magsalita, Rainne?" I was too stunned to speak and move. I did hurt her. No, not my friend... my best friend.

"Aalis na 'ko." Hahakbang sana ako para sundan siya ngunit may mga kamay na pumigil sa akin.

"I'm sorry. Biglaang practice para sa laro." Gano'n lang 'yon?

His eyes were scrutinizing me at ang kaniyang kamay naman ay marahang hinawakan ako. Kaya nabaling sa iba ang atensyon ko. It's something unusual, being held in hand by someone.

"Can we eat outside first then I'll fetch you home?" Hindi ko alam kung anong mayroon sa sarili ko, kanina lang ay galit ako. Ngayon, wala sa sarili akong tumango sa alok niya.

"Babawi ako ha. I'm a still a rising player so I needed to be there. Biglaan lang din kasi ang announcement ni Coach and then, school related task as I plan to run as a 1st year representative of the student council."

Tumango akong muli at tila tinanggap ko ang rason niya... na para bang ayos lang kalimutan ako nang ganoon kadali.

He kissed me... on the top of my head. My heart gone wild as it feels something unfamiliar, something new again.

Chasing Shadows of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon