KABANATA 8

17 8 0
                                    

•••
CHANCES


"This is our last discussion. Your midterm exam will be held face to face. Please, prepare yourself to receive a 2.00 if you ever fail my test." Ang lahat ay tahimik sa sinabing kataga ni Mr. Zarzuela. Walang umaangal dahil hindi pa siya nakakalabas ng classroom. From the start he was the most hated professor of the entire batch.

Some laughed out their frustration, some didn't mind him. However, I needed to take his words seriously. Ang struggle ng isang scholar na pangarap lang ang puhunan.

Dahil nga sa susunod na Linggo na ang examination, sunod-sunod na rin ang mga gawin para maipasa namin ang midterm namin.

Lalo tuloy hindi naging madalas ang pagkikita namin ni Rhys. He remained consistent tough sa mga small interactions nga lang at madalang rin siyang mag-chat.

I understand that he is busy. Buti nga nabibigyan niya pa ako ng kahit kaunting oras na makausap siya.

"Consistent sa dahilan na may basketball practice, school organization, readings? Ano pang dahilan kaya ang susunod na sasabihin niyan Rainne?"

"Hayaan mo na 'di ba ayon naman ang gusto nating parehas. Ang academic achiever at hindi basta loko-loko lang?" Naging defense mechanism ko na yata ang ipagtanggol siya. Hindi na rin nasundan kasi ang sinabi niyang babawi siya.

"'Te, dinaig naman niyang ang presidente ng org. nila ah. Representative pa lang 'yan ganiyan na ang trato sa iyo. Dinaig pa ang fourth year sa dami ng ginagawa!" Sunod-sunod na reklamo ni Ave kay Rhys.

Rhys became a part of the university council. Total landslide ang score sa mga kalaban niya. Everyone agreed din naman na he deserves his spot. Si Rhys na 'yun eh.

"Major Red Flag!" Tinakpan ko na lang ang bibig niya sa kaingayan niyang taglay. Pinagtitinginan pa tuloy kami ng mga tao dito sa resto.

We are waiting for Rio. Treat raw niya eh.

"Parang ayaw ko na ng ganoon, ulan! Doon ako sa may time sa akin. Tipong uhaw na uhaw kapag hindi ako nakikita!" It's too obsessive and I don't like that either.

"Siraulo ka talaga." Napabuntong hininga na lang ako kasi alam ko sa sarili ko na may point siya. Lagi na lang niyang patama sa akin ang katagang, "If he wanted, He would."

"Look at Rio, ang pambato ko sa'yo!" I glanced at Rio who's looking in our way. Specifically, my way.

They have gotten closer na rin, Rio and Avery. Palagi ba naman si Avery nakabuntot sa akin at maging sa apartment doon na rin madalas namamalagi para gumawa ng mga assignment at activity.

"Ang gwapo gwapo at lakas ng pagka chinito. Halata rin namang may gusto sa'yo!" My cheeks flushed. Sila nga ang mas bagay.

"Sa kanto pa lang yata ako rinig ko na ang boses mo Avenue!" They continued bickering with each other. Parang mga aso't pusa.

"Less ice please. Sakitin ang lalamunan nito kuya." Rio said referring to me. Totoo naman na ayaw ko sa masiyadong malamig pwera na lang kung ice cream.

"Thanks." Rio has been this too observant at matandain sa kung anong gusto ko at sa ayaw. Hindi ko lang alam kung dahil ba sa tagal na naming magkasama sa apartment na parang kabisado na niya kung sino ako.

"I planned on buying a car. What you guys think? Mas cool na ako roon." He says playfully. Nagkibit balikat na lang ako sapagkat para sa akin hindi naman praktikal na bumili pa siya noon kasi maayos at maganda pa naman ang motor niya.

"Roadtrip tayo sa Baguio ah!" Hirit naman agad nung isa.

"Baka kasi mas comfortable kung may sarili akong kotse. Iwas pa sa mga usok na galing sa ibang sasakyan." Siya'y nanatiling nakatingin sa akin tila hinihintay ang magiging reaksyon ko.

"Saan ka naman kukuha ng pera?" Salitang binitawan ko. He clenched his fist, pero agad niya ring tinago. "Pag-iipunan ko pa."

"Huwag muna kaya pa naman akong ihatid ng motor mo." Saad ko na lang.

I checked my phone and a message popped up.

"Saan ka?" Rhys chatted. Agad naman akong napangiti. I simply took a picture ng pagkain kinakain namin at isinend sa kaniya.

"And you are with?" Tinignan ko ang dalawa at pareho silang nakatingin sa akin. "Si Tita Lucy." Sinabi ko kahit hindi naman para na rin makaiwas sa mga katanungan nila. Masyado na kasing negative ang tingin nila kay Rhys, ayoko nang madagdagan pa.

"Si Rio at Avery lang." Maikli kong reply.

"Can you go to our gym? I'll fetch you at the gate. Watch me play, please." Sunod na chat niya at bago pa ako makasagot na may susunod pa akong klase ay nag-chat muli siya.

"Lagi mo naman silang kasama."

And without thinking, tumayo ako at iniligpit ang ilang mga gamit ko. Minsanan lang naman at may isang oras pa akong bakante para sa susunod na klase. Pupuntahan ko muna si Rhys.

"Sa bahay ni papa nagkaproblema." Tugon ko na lang para hindi na sila magtanong pa.

"Hatid na kita?" Suhestiyon ni Rio pero inagapan ko na. Pinagmukha ko pa ang sarili kong mukhang nagmamadali para mas mapaniwala ko sila.

"No. I'll handle it." I'm sorry for lying, I hoped you'll understand it someday.

"Hi, Lovie!" Magandang bungad sa akin ni Rhys ng makita niya ako. He hugged me. Ganito siya bumawi sa akin na hindi naman nakikita nila Avery. Marupok.

He is still fresh, mukhanh hindi pa sila nagsisimula. At ngayong tinitignan ko siya sa suot niyang sleeveless na varsity shirt, ang laki!...ng mga braso!

Bago pa ako maglaway tinanong ko na siya. "Paano naman ako papasok sa gym niyo?"

"Just wear this jacket."

Matapos niyang isuot sa akin ang napakabangong jacket niya, he then holds my hand. Buti naman! Kasi kung hindi baka malusaw na ako sa pinaggawa niya. "Malakas naman ako sa guard." Sa lahat ng hindi naniniwala na magwo-work kami, eto na!

But then I was taken back from reality...

It was just their practice game. All I did was watch him play and shoot. But, he never looked in my direction whenever he got a shot. The classic kindat at ngiti na ginagawa ng ibang basketbolista sa mga ka-ibigan nila.

Maybe he was just too focused.

I started to walk away from their gym. I felt I was not relevant to be there. At saka, dumramii na rin ang mga nanonood at baka mahalata pang hindi naman ako nag-aaral sa University na 'yon.

Hindi ito ang memoryang una kong nakilala sa kaniya. Suddenly, I felt alone and then this infatuated feelings... However, it is still holding on.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Shadows of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon