KABANATA 3

19 12 0
                                    

•••
SIOMAI

Naghanda na ako sa pagpasok ko para sa University. Sadly, hindi kami same schedule ni Rio kaya panigurado magco-commute ako papunta roon. Isang sakay lang naman para makarating doon kapag umaabot lang talaga ng gabi ang uwian ko tska ako nahihirapan dahil siksikan at madaming nag-uuwian.

"Una na ako, Rio." Katok ko sa kwarto niya. Bumukas ang pintuan niya at bumungad ang aligagang si Rio.

"Teka lang, hintayin mo ako." Tumayo ako sa harap ng pintuan niya at napansing nakabihis na siya. Alas-sais pa lang ah, mamaya pang alas nuebe ang kaniyang klase.

"I'll be going to school na rin. Club matters at magbabasa basa na lang ako habang nagpapalipas ng oras sa library." Asus, gusto mo lang ako makasabay.

"Motor lang?" Tanong ko. I was expecting something kagaya ng kotse... ni Rhys.

"Sorry, this is all I can afford for now. Sabagay, Rhys do have nice cars." Napasama yata ang pagtatanong ko at ang mga huli niyang sinabi ay hindi ko na narinig dahil pahina ito nang pahina.

"Don't be sorry. Akala ko kasi sayo 'yung kotse no'ng nakaraang araw." Pagpapalusot ko. He just sighed. And I feel bad. Hindi ko naman talaga intensyon 'yon.

Sumakay siya sa motor niya at ako nakatitig lang. Naghihintay sa senyas niya kung kailan pwede na ako sumakay. He looked at me quickly then he said...

"Come here." Cold and distant.

Kaya sumunod naman ako na parang tuta sa kaniya. Inaayos niya ang buhok kong nakaharang sa aking mukha. Stay calm, Rainne. Susuotan ka lang ng helmet.

"I'll buy you a better one... next time." He said without looking at my eyes. "Okay lang 'to ano kaba. Huwag kana mag-abala." Tugon ko.

"Ligtas 'yung ulo pero 'yung katawan, hindi." I tried to laugh in the awkwardness. Parang lalo lang lumala 'yung tensyon sa pagitan naming dalawa.

"Don't joke about that, Rainne. If you want I will just book a taxi for you." Napapikit ako. Gaga ka, Rainne. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.

"Sabi ko nga. Sorry ulit." I just muttered. Sinabi ko lang na parang wala lang. But, he remained quiet at nagsimula na lang kaming umandar.

"Pansinin mo naman ako." Mahina kong bulong sa likuran niya. I can smell the scent of his sa bawat paghangin. Hindi siya 'yung tipong motorcycle driver na parating nagmamadali. He drive it slow na parang may iniingatan sa sakay niya.

Then, it hit me. I think that how I said, 'motor lang' offends him followed by my joke about a crash. For someone, na who's willing na maihatid ako, masakit paniguradong makarinig ng gano'n. Lalo pa't ang motor niyang 'to ay pinaghirapan niya.

I tried not to cry but a tear escaped. I just spread my arms to hug him from the back. It's stoplight so his hands immediately flew on to the top of mine.

"Sorry."

I say sorry this time wholeheartedly.  "'Yan, yakap ka lang."

Pagkarating namin sa tapat ng school. May isang babae na agad ang nakataas na kilay agad ang sumalubong sa akin. "Bye, thank you." Sabi ko kay Rio at hindi ko na siya hinintay na magpaalam pa. Nahihiya ako sa biglaang pagyakap ko sa kaniya. Pwede namang mag-sorry na lang ako without doing that. Gusto mo rin naman.

"Sumuko na ba ang bataan. Saan mo na bingwit baka pwede rin doon ako mangisda o gusto mo hati tayo?" Nahampas ko si Avery nang walang sa oras.

"Girl, back off. His mine." Umarte ako na mala queen bee ng school.

"Iyo na ang korona, madam!" She bowed. "Bwisit ka talaga! Tara na nga at nakakahiya kana. Buti napag titiyagaan pa kita." It is our friendship. Bardagulan.

"Hindi ka pa nga nag-eexplain. Hindi ka rin nagcha-chat pero nakita kong online kagabi aber?!" Paano ko sasabihing may nag-follow na mula taga ibang university sa akin na sikat at ang pagtuloy ko kay Rio. Nagtuloy kami sa kaniya kaniya naming klase at magkita na lang daw kami sa labas ng university para doon kumain.

"Ano! Masarap ba?!" Agad kong tinakpan ang bibig ni Avery na walang preno. Wala kasi siyang tigil sa kakatanong kaya wala akong magagawa kung hindi ang magsabi at magkwento.

"We're not like that at hindi kami."

"Pwede namang staycation with benefits." Pinanlakihan ko siya ng mata. Loka loka talaga 'tong babae na 'to.

"Sige, lakasan mo pa! At hindi kana makakasalita kailanman." Akala mo ba hindi ko naisip 'yang naiisip mo, Avery.

Our friendship starts when she backstabbed me, literal. Narinig ko siyang pinagsasalitaan ako ng masama sa ibang ka grupo niya noon sa project at syempre kailangan ko ipagtanggol ang sarili ko. Muntik na nga kaming magsabunutan noon eh.

But, as the days passed. Bigla na lang kaming naging mag-close. Naging takbuhan ang isa't isa. Naging kasangga sa lahat.

"Nanliligaw ba?" Biglaan niyang tanong. Wala bang bell na biglang tutunog para hindi ko siya masagot dahil masasaktan lang ako kapag sasabihin kong 'hindi'.

"Ulan, sagot at matatapos na ang lunch break!" Tinarayan ko siya.  At binagalan ang pagsubo ng pambansang ulam ang 'siomai rice' na lagi niyang libre. Hindi ko naman matanggihan kasi ayaw niya.

Kaya pag ako, naabot ko ang mga pangarap ko lalo na 'yung pagyaman, si Avery panigurado ang unang tao maspo-spoil ko.

"Sure ka bang sa EAC 'yon bro nag-aaral?" Rinig kong tanong ng kung sinomang na sa bahaging likuran namin. Naningkit naman ang mata ni Avery na tila may inaaninag nang bigla siyang tumalikod.

"Huwag kang lilingon." Saad niya. Lilingon na sana ako dahil na wiwirduhan ako sa pinaggagawa niya. "Bakit ba? Sino bang makikita ko, kalandian mo?" Inimue-muestra niya ang kaniyang mga kamay tila nagsasabi na maglakad na kami ngunit nanatili akong nakatayo. Hindi pa ako tapos kumain ng siomai.

"Yes. Ayon 'yung nakita kong naka tag sa kaniya kasama no'ng kaibigan niya. Rafael's ex-girlfriend." Napapikit si Avery. Ah, that's why nagtatago ang bruja. Mga kabarkada yata ng ex niya ang nasa likuran namin.

"Ano nga ulit pangalan? Tanong tanong na lang kaya natin sa mga students dito. Ayun oh. Uniform ng EAC 'yan 'diba?" Lumawak ang mga ngiti ko dahil kami lang naman dalawa ni Avery ang estudyante ngayon na posibleng nasa harapan nila.

"Rainne Lopez." Nawala ang mga ngiti ko nang nabanggit ang pangalan ko. Si Rhys? Pinandilatan ako ng mata ni Avery. "Usap tayo mamaya." Sabay kindat.

"Hi, Tom!" Putang ina mo, Avery. Bigla siyang lumayo sa akin at lumapit sa mga taong nasa likuran ko. Patay. May binabalak pa yata ang bruja, kanina lang ay iwas na iwas siya.

"Ow, shit. Hi, Ave." Bati no'ng nasa likod.

"Hinahanap niyo ba si Rainne?" Biglang bumaliktad ang sitwasyon naming dalawa. Bakit ba kasi inuna ko pang kumain kaysa maglakad? Hindi na sana narinig pa ni Avery ang pangalan ko.

At bakit ba kasi ako hinahanap ni Rhys? Napabuntong hininga na lamang ako. Sana na lang hindi pa ako mukhang haggard.

"Hi!" Suddenly, nasa harapan ko na si Rhys and I am just stuck. Hindi ako makagalaw. He is just too dashing and full of this aura na parang nakaka hipnotismo.

Kita ko naman ang ngiti sa kaniyang mga labi. At ang mapungay na nga mata ay tila ikatutunaw ko. Tangina, anong gagawin ko?!

Chasing Shadows of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon