SIMULA

109 20 0
                                    

•••
ROOMMATE

"Ahh, miss, may alam ka po bang may murang paupahan o apartment dito?" Tanong ko sa babaeng nakasalubong ko ngunit hindi man lang ako inimikan at dere-deretsyo lamang naglakad patawid sa kabilang kanto. Sinamaan ko siya ng tingin at napabuga na lamang ako ng hangin para pakalmahin ang sarili. Salamat ate, napakalaking tulong nang hindi mo pagsagot.

Ang hirap makahanap ng murang matitirahan na malapit lang sa University na papasukan ko. 3k na lang ang natitirang pera na hawak ko matapos ang ipinadala ni Tita Lucy last month. At ang pagrenta ng isang upahan na mababa lang ang presyo ay imposible na lalo na sa panahong ngayon.

Napaupo na lamang ako sa sidewalk dahil sa kapaguran. Nakakainis naman kase 'yung matandang 'yon! Sorry for the term, pero nakakainit talaga siya ng ulo. Hindi na nga kalakihan 'yong pinapaupahan na lugar, ang mahal mahal pa ng singil. Idagdag mo pa ang tubig at kuryente. Basta-basta na lang akong pinaalis sapagkat hindi agad ako nakabayad. May point naman siya pero paano naman ako?! Hindi na naawa sa akin.

At buti na lamang at maaga akong nasanay na mabuhay at kumayod mag-isa, sa ganitong edad ko, hindi man ganoong kadali pero nakakayanan ko. Tita Lucy's family was the one who's lending me money. Rebelde lang ako sa ama ko kaya mag-isa akong naghahanap ng masisilungan ko ngayon.

A month, buwan pa lang naman ang lumipas simula ng naglayas ako sa tirahan ng ama ko at ng mga kabit niya. Hindi ko na makayanan na masaksihan ang kalagayan sa loob ng bahay na 'yon. Babawi na lang ako kay Tita kapag nakahanap na ako ng sugar daddy. The easiest way, para makaalis sa kahirapan ng buhay na 'to.

I wiped the little tears that escaped through my eyes. Nakakalungkot lang isipin na hindi man lang nagkaroon ang ama ko ng kahit konting pagmamahal sa nanay ko bago ito mawala. Sana pala hindi ko na lang pinili ang mamuhay sa syudad at nanatiling na sa probinsya na lang.

Kasi sa bukid, mas masaya kami. Wala pang bisyo na perwisyo.

"Independent Teen-Girl ng Monteverde, Rainne!" Ginaya ko pa ang tono ng pagbigkas ni Toni G. Natawa na lamang ako sa ibinansag sa akin ng mga kaklase ko. Hindi ko naman sila ganoon ka close lahat pero dahil kay Avery, ang kaibigan kong pala kwento ng kwento ko sa iba naming kaklase ay parang ginagawa na nila lahat ng paraan para lang matulungan ako sa pinansyal nitong mga ilang araw.

Someone offered a place, pero masyado naman na 'yong nakakahiya. Maging dagdag pakainin at palamunin pa ako. Napabuntong hininga na lang ako at napailing. Stop the drama, Rainne. Wala kapang masisilungan, mag gagabi na.

Biglang kumulog nang malakas at napatingin ako sa kalangitan. Alas-dos pa lang pala ng hapon, makulimlim lang pala ang kalangitan kaya't akala ko ay mag gagabi na. Nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto, ang bobo ko!

I gathered all of my things, nagmukha tuloy akong isang evacuee-ng nasalanta dahil sa mga gamit kong ito. Isang maleta para sa aking mga damit at isang back pack kung saan doon nakalagay ang ilang kagamitan kong pang-eskwela.

"Please huwag ngayon wala pa akong masisilungan!" Pumikit-pikit pa ako at nag-prayer hand position, humihiling na sana magkatotoo ang sinabi ko pero nagsimula ng pumatak ang ulan pa isa-isa hanggang naging isang bagsakan. Sinalo ko na ata lahat ng kamalasan! At wala na akong nagawa kung hindi ang tumakbo at sumilong sa isang parking space ng kulay berdeng condominium na 'to.

Piniga-piga ko pa yung damit ko dahil basang-basa na. Napatingin na lang ako sa bagahe ko at nasisiguro kong hindi 'yon basa dahil waterproof daw 'yon eh.

"Miss, can you move for a moment?" Agad akong napatingin sa likuran ko sa boses ng lalaking nagsalita.

"Sachio Orion." I spoke silently his name. He's always a competitor of mine when it comes to science, during our highschool years. And I always placed second. Muntikan ko na rin minsan masulat ang pangalan niya bilang sagot ko sa kakatingin ko sa kaniya no'ng may head to head science quiz bee kami.

I never thought that I would meet him in this kind of situation, na kung saan mukha akong basang-sisiw. Sa harap pa ng crush ko. Unahan ko na kayo, hindi ko siya crush na crush! Onti lang, parang maliit na langgam.

"Oh! Hi there, Rainne." His eyes went to mine and then, when he noticed that he was looking too long, he mumbled, "Ulan... right?" He then looked at the sky and smiled. Ulan, that was my nickname and it's started because of Avery.

I noticed that he was holding a basket full of clothes. Nang galing yata siya sa laundry.

"Are you living in here?" I broke the silence, feeling ko ang tagal-tagal ko na ring nakatingin sa kanya.

"Yes." He answered shortly. I guess, I should just say goodbye to stop the awkwardness?

"Where are you going?" Mautal utal akong nagsabing napadaan lang kahit na kinakaikalangan ko ng mauupahan. Nakakahiya naman kasi sa kaniya. Pero... Uunahin ko pa ba ang mahiya?

"Ah Rio!" It's now or never. Would you like to be my boyfriend? Rio. He looked at me and waited for what will I say.

"Would you mind if I ask you something?" Naningkit ang mga mata niya kaya mas lalo siyang naging gwapo. Sinenyasan niya akong umusog ng kaunti dahil medyo nababasa ako ng ulan sa kinatatayuan namin. Makapal naman ang mukha ko kaso tulad ng iba -natatameme ako pagsi-crush na ang pinag-uusapan.

"As you can see..." sabay tingin sa mga gamit ko. "Pinaalis ako sa inuupahan ko, eh, hindi pa naman sapat ang pera ko para may maipangbayad na sa kanya. Kaya naghahanap sana ako ng masisilungan. Kahit papaano ba may alam kang lugar na mura lang? 'Yung kahit maging taga hugas pa ako ng plato at taga walis, ayos lang sa'kin." Dinaig ko pa si Abra sa bilis kong magsalita.

He fixed his specs and crossed his arms. "I think you can stay at my place. If you are fine about that." Tinalikuran niya ako at muling niyang binitbit ang dala-dala niyang basket kasama ng maleta ko.... ng maleta ko?!

"I'm fine about that, baby!" Saad ko sa isipan ko. Liningon niya ulit ako nang may nanlalaking mata. Hinila niya ako at isinandal sa pader. He pinched my chick with his hand. Anong ginagawa nitong lalaking 'to sa'kin?

"Cute mo."

"I know that you have a crush on me. Pwedeng lakasan mo pa at ipagsigawan?" He smiled. Those words left me dumbfounded. What the fuck! Sinabi ko ba talaga nang malakas 'yon? Pero seriously!? Kailan pa niya alam na crush ko siya!? Langit, kuhain mo na ako! Lupa, kainin mo na ako! Impyerno, ayoko sayo sa langit pa rin ako!

"Mga bata, masyado naman yata kayong madikit sa isa't-isa." Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong gano'n parin ang posisyon namin. Naitulak ko si Rio at humingi ng patawad kay Manong guard na pangiti-ngiti lang. Pero, excuse me? Kuyang guard... hindi ako easy to get!

Pumasok na kami at sumakay ng elevator.
His room is on the third floor. As he opened his room, a lavander smell greeted me. It was clean and neat. The color of the room was pastel and almost of the things were colored mint green.

"You can check the rooms and tell me, which one do you like." I insist of bringing my things, pero siya na raw ang bahala.

I climbed up the stairs to see each of the rooms. Feeling bahay 'yan? It is just the same, the only difference is the other room doesn't have a balcony, it only has windows. There are stuffs on the first room, I guess it was his.

"If you like the room with the balcony, I will just move my things for you." Hindi kami masyadong magkakilala at ang tanging pagkikita lang namin ay tuwing kapag may kompetisyon kaming dalawa.

May awa pa rin talaga sa akin ang nasa itaas. Malas man ang buhay ko noon. Ngayon, parang ang swerte swerte ko na.

"No. Kwarto mo naman na pala 'to. Bakit mo pa ako pinapipili." He just pat my head and said,

"I just want you to feel comfortable."

Wala na sigurong mas pupula sa mukha kong kinikilig ngayon.

Chasing Shadows of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon