KABANATA 1

37 15 0
                                    


•••
PERFECT ROMANCE


I busied myself unpacking my things. Sa kamalasan, 'yung ibang damit ko ay nabasa ng ulan. Kaya sinampay ko muna sa headboard ng kama dahil wala namang ibang masasampayan dito sa loob ng kwarto. Si Rio naman, mag-aaral daw muna sa kaniyang kwarto. 'Yan nag gusto ko 'yung may plano sa buhay. Husband material ko!

Binuksan ko ang bintana ng kwarto at langhap ko agad ang mainit, malagkit, at hindi kabanguhang hangin ng sibilisasyon. Rinig na rinig ko ang ingay na nagmumula sa basketball court na malapit dito. Mga tili at sigaw ng mga kababaihan ang rinig na rinig ko.

"Rhys" Ang pinakanangingibabaw na pangalan sa lahat ng nagtitilian. Kaya sinarado ko na lamang muli ang bintana.

Matapos ang matitirahan, makakain naman ang problema ko. Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng isang libo. Pabalik balik pa ako sa kinauupan ko, pinag-iisipan kung gagastusin ko ba talaga 'to para sa pagkain o iipunin na lang.

Isa pa't! Hindi ko pa nakakausap si Rio tungkol sa pagtira ko rito. Nakakahiya naman kung nandito lang ako gagamit ng kaniyang tubig, kuryente, at iba pa ng hindi nagbabayad o nagdadagdag sa gastusin. Bahala na.

"Magandang gabi po, Kuya Guard." Bati ko sa guard na sumuway sa naudlot na pagmamahalan namin kanina.

"Saan ang punta mo, Binibini? Hindi mo kasama si Master?" Napatawa ako sa kaniya at umiling. "Bibili lang po ng makakain."

Ngayong na sa baba ako, mas rinig ba rinig ko ang ingay. Napagpasiyahan ko tuloy na sumilip at baka makakuha ako ng mayaman at pogi rito. Huy! Matignan nga kung sino ba 'yung kanina ko pa naririnig na isinisigaw ng mga ante at ma-judge kung pasado sa taste ko.

"Ate, pwedeng magtanong kung sino diyan si Rhys?" Inirapan ako at dinedma. Aba't ganito ba talaga lahat ng mga nandidirito? Masasama ang ugali. Kinailangan ko pa tuloy makipagsiksikan pa para makapunta sa mas harap dahil malabo labo sa paningin ko ang mga lalaking naglalaro.

"Go VU! Go VU! Go VU! Go! Go! Go!" Parang familiar 'yung VU.

"Rhys, i-shoot muna ang ball sa kookie ko!" Napatawa ang karamihan sa sinabi nito. Wala ba silang self-preservation.

"Bruha ka talaga!"

"Go Veridian University! Rhys, I love you!"

Veridian University, how could I forget that school. Isang school lang naman 'yan na hindi ko naipasa ang entrance exam. Buti na lamang at marami akong pinag-apply-an kung hindi baka kung saan sana na ako namamalimos.

Pero, ang aga naman yatang magsimula ng playoffs ng basketball. Samantalang kakasimula pa lang ng pasukan sa eskwelahan namin.

At si Rhys.

"Wow, gwapo nga." Hindi ko mapigilang maibulalas.

He has this dark hair, styled in a messy manner, complementing his captivating brown eyes. Has lean and athletic body kaya kahit pawisan amoy mabango. Patawarin mo ako, Rio. Hindi naman masama kung may crush pa akong isa 'diba?

It glanced at my side, bago niya ini-shoot ang bola at nag flying kiss pa sa akin? Sa akin! Delulu card activated.

Grabeng tilian ng mga nasa hilera ko dahil sa aksyon na ginawa niya. Napairap ako sa kaingayan. Nasa last minute na pala sila, lubog na lubog naman na ang kalaban nila sa points hindi na kaya bumawi pero all out pa rin ang kabilang team sa paglalaro.

Napagpasiyahan ko ng umalis at baka mamaya ay hanapin na ako ni Rio. Nang maramdaman ko na parang may humawak sa short ko.

"'Hoy! 'Yung isang libo ko! Ibalik mo 'yan!" Sigaw ko ng hindi ko makapa sa bulsa ko ang binitbit kong pera.

"Pang McDo ko 'yang hayop ka!" Agad kong hinabol 'yung lalaki. Kahit na sa mismong court na kami naghahabulan at kahit na may mga players pang naglalaro.

Wala ng hiya hiya basta ibalik niya lang ang pera ko! Wala na nga akong pera, kukubanin niya pa. Aba, tangina niya pala!

Suddenly, a ball was thrown to the man's face kaya napatigil ito at natumba sa sahig. Rhys was the one who have thrown it. An angel sent from above!

Kaso, sa kamalasan ko nga naman sumagi sa binti ko ang bola dahilan kung bakit lumagapak din ako sa sahig. Tanginang buhay 'to, ang malas!

"Aww!" Hiyaw ng mga nasa paligid.

I remained my face on the ground dahil sa kahihiyan. Feeling ko kailagan ko ng umalis sa lugar na ito at hindi na nila ako dapat makita kailanpaman. So much for a first day!

"Hey, are you okay?"

"Mukha bang okay ako!? Kainis na 'to!" Irita kong saad. Nakita ng natumba ako tapos tatanungin pa kung okay lang ako?!

"Chill, princess." Sabay buhat sa akin na parang ang gaan gaan kong nilalang. Ang mga teammates niya ang nagpaalis ng mga taong nakaharang. Nanatili na lang nakayuko ang ulo ko para bawas kahihiyan.

"You have such feisty mouth. I like it." Bulong niya habang inilalapag niya ako sa sasakyan niyang mahal, isang jeep wrangler.

"Sa McDo, kuya." Aniya sa driver niya.

"Dito na lang ako. Taga rito lang ako. Baba na ako." Nag-angat ako ng ulo dahil nasa sasakyan lang naman ako ng isang taong sa pangalan ko lang kilala. Wala naman siguro siyang gagawing masama sa akin 'no?

"How about your food?" Tinitigan ko siya ngunit agad ko ring iniwas dahil masyadong madilim ang mga mata niya.

"Huwag na. Hindi ko na kailangan." Huminto na ang sasakyan dahil malapit lang naman ang McDo. Walking distance, hindi ko nga alam bakit nagkotse pa siya pero sabagay naligtas ako ng kotse niya pero masyadong agaw pansin naman ang kotse niya para sa isang masikip at maliit na daanan.

"'Yung isang libo?" Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Kita ko ang pag-angat ng mga labo niya, animo'y natatawa.

"Pinang order mo na 'di ba?" Nang maalala kong inutusan niya nga pala ang driver niya. For sure, mayaman siya o sila. Hindi ko na pala kailangan ng sugar daddy, boyfriend na kaya akong i-spoil na lang.

"Nope, that's my treat for a princess lile you. So, what's your name?" Natigilan ako sa kaniyang sinabi.

"Kumakain ka ba ng sopas?" At ang bilis mong nakuha ang puso ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil mukhang hindi niya na gets ang biro ko.

"Hey, stop doing that." Nagtaka naman ako dahil wala naman akong kakaibang ginagawa. "Doing what?"

His hand went to my face and it literally shocked me to the core. This is so intimate! Hot and sexy! Am I hallucinating?

"Not looking into me. I like looking at your eyes." What the hell? If my story is about love at first sight then, I am up for it! It is a perfect start of a romance, isn't it?

Chasing Shadows of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon