Ang Behind the Mask ay isang bandang binubuo ng limang miyembro. Dahil sa kanilang pagiging misteryoso, maraming napukaw ang atensyon at nakuryoso sa kanilang pagkatao. Ngunit hindi lamang sila nakilala dahil sa kanilang tagong katauhan, nakilala rin sila dahil sa musikang handog ng banda. Sa bawat pagdausdos ng daliri ng gitarista sa kaniyang gitara, sa bawat tunog na ginagawa ng bahista, sa bawat hampas ng tambulero, sa bawat ihip na nagmula sa oboista, at sa bawat lirikong binibitiwan ng bokalista, nabubuo ang mga kantang kumakalabit sa pandinig at puso ng mga tagapakinig. Nang itinanghal nila ang kanilang unang kanta, marami ang nagbahaging nakaranas na rin ng tema ng kanta. Lingid sa kanilang kaalaman, ang awiting iyon ay hango sa totoong buhay. Tungkol ito sa pag-ibig na hindi kailanman maaaring sabihin dahil maaaring masira nito ang pagkakaibigang matagal nang itinaguyod. Ngunit hanggang kailan maaaring itago ang mga lihim? Darating kaya ang araw na mabubuking ang katauhan ng mga miyembro ng Behind the Mask? Magkakaroon nga ba ng pagkakataong ipagtapat ang lihim na nararamdaman para sa kaibigan? --- (COMPLETED)