Taong 2035, isang panibagong strand ng Covid-19 ang kumalat hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Kabi-kabila ang pagsirena ng bawat ambulansiya dahil sa mga taong isinusugod sa ospital, patuloy na tumataas ang bilang ng mga namamatay na tao, at sinasabing kalaunan ay mangyayari ang pagkaubos ng mga tao sa mundo. Project: Hope, isang proyekto ang sinimulanng gobyerno ng Pilipinas na kung saan ginawa nilang New Manila ang isang malaking isla sa Pilipinas. Isang proyekto na kung saan kalalahukan ng mga kabataan na hindi nahawa ng kahit anong strand ng virus. Isang isla na pawang ligtas ang lahat sa kahit anong kapahamakan na dala ng virus. Ngunit paano nga ba ang mangyayari kapag bumuo ng isang pamayanan sa New Manila ang mga piling kabataan na lalahok sa proyekto? Paano nga ba nila mapapanatili ang kapayapaan sa isla sa kabila nang pagkakaiba ng paniniwala at kinagisnang pamumuhay?