I. September's life was peaceful yet silently chaotic. Well, everything is fine naman talaga kahit pa may anger issue siya, kung hindi lang isang araw ay inagaw ng class president nila ang maganda niyang upuan. Wala naman siyang balak makipag-usap dito dahil bukod sa suplada, palagi pa siyang nire-report sa adviser nila tuwing tumatakas siya sa paglilinis at laging nagsusungit sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawa. Hello! Hindi niya tipo ang masusungit na babae at intimidated siya sa personality nito. Pero bakit naman ito biglang nanghimasok sa buhay niya? Pinakialaman ang bagsak niyang grado, at nagdesisyon pang i-tutor siya? Ano ang gusto nitong mangyari? Tulungan siya o ipamukha sa kaniya na bobo siya sa math at science? Ang buong akala ni September ay sa Ate niya lang hindi umuubra at umaandar ang angas niya sa katawan, kay Callie rin pala. Warning: story contains strong languages that might be alarming for other people. Read with open mind.