1.4

5.5K 130 16
                                    

'J'

sabado busy ang tatlo sa club nila dahil sa pagkakaalam ko officer tong mga to ng music club. ano kaya ambag nila sa club nila eh mga abnormal tong mga to.

noong una pinipilit pa nila akong sumali sa music club kaso maspinili ko parin ang dance club. hindi sa hindi ako marunong kumanta actually hilig ko ngang tumugtog. kaso ayuko lang sumali sa music club kasi naaalala ko lang ang papa ko.

namatay ang papa ko isang taon na ang nakalilipas. namatay sya dahil sa trabaho nya, nagtratrabaho kasi si papa sa best friend nya at yong best friend nya ang nag papaaral sa akin ngayon. dati kasing magkasama sila sa isang highschool band para na ngadaw silang magkapatid magturingan noon, ang best friend ni papa ang tumutulong sa kanya pagdting sa financial na pangangailangan kasi subrang yaman ng best friend nyang yon. pangarap ni papa na maging abugado kaso hindi na natupad dahil maaga syang nag-asawa at dahil narin sa kahirapan.

nalaman ko na lang na nagtratrabaho na pala si papa sa best friend nya at pinautang sya nito ng pampuhunan sa negusyong itinayo nya na syang pinagkukuhanan namin ng pang araw-araw na pangangailangan ngayon.

bago ako pumasok sa paaralang ito nag tratrabaho kami ni Mafe ang bunso kong kapatid sa pamilya ng best friend ni papa. pambayad sa puhonang inutang ni papa, noong una ayaw nila kasi bayad naraw si papa ng iligtas ni papa ang buhay ng kanilang anak na syang naging dahilan ng kanyang pagkasawi. kaso wala narin silang nagawa kasi nagpumilit kami ni mama dahil nakakahiya naman talaga, pag-aaralin na nga nila ako hindi pa kami magbabayad ng utang. kaya pumayag nalang din yung mag-asawa pero sa kundisyon na ngayong taon lang ang paninilbihan namin sa kanila, kasi maytrabaho naman silang ibibigay sakin dito sa luob ng eskwelahan at yon ay ang bantayan ang anak nila.

nasa malalim akong pag-iisip ng may unan na tumama sa mukha ko.

"ano ba! batba ang hilig nyo mambato!"
inis na turan ko, ito talaga talent nila.

"hahaha nasapol mo Kyla"
si Tots yon na wagas makatawa.

"hoy! jemalyn bihis na kami lahat-lahat tas ikaw nakatiyaya ka pa dyan"
si Kyla yon na syang nambato ng unan.

"huh? bakit, santayo pupunta. mag lalunch na ah"
sabi ko sa kanila na nagugulohan.

"ano kaba kaya nga magbihis ka na dyan masama pinag-aantay ang grasya"
satsat ni Ced habang pilit akong pinapatayo at tinutulak sa kwarto.

nandito na kami ngayon sa cafeteria nagtataka parin talaga ako kasi mga kuripot tong mga to pag saturday and sunday nasa dorm lang talaga kami buong maghapon.

"ayon! nakita ko na, tara tara bilis"
excited na sabi ni Kyla.

"kanina kapa Terry. pasensya kana ang bagal kasi nitong mahal na prinsesa"
si Kyla ulit yon.

"hindi, kararating ko nga lang din eh"
bakit parang nahihiya tong si Terry.

"wow! uhmmmm... mukhang lahat masarap ah! paganito ng ganito siguradong masaya to hehehe ang gara mo talaga Terry"
excited na sabi ni Ced ang tatakaw talaga nila ni Kyla.

"hindi po ako angara, lopez po apilyedo ko"
natatawang sabi ni Terry kaya pati kami natawa rin.

"birthday mo ba Terry, bakit nanlilibre ka?"
dirikta kong tanong na maykasama pang magandang ngiti.

"ha? hi-hindi. namis ko lang kayo"
sabi nya na parang natataranta. at sabay-sabay naman silang nagkatinginan na apat. okay, parang maymali sa kanila parang masama kutob ko ano nanaman kaya nasaisip ng mga to.

habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain napansin kong parang nagtatalo si Kyla at Terry. narinig ko pang sinabi ni Kyla kay Terry na yung vedio lang daw ang ipasa wag kung ano-ano yung tingnan at buksan.

Campus CrushWhere stories live. Discover now