1.6

5.3K 114 17
                                    

'AMBER'

nagluto ako ng caldereta, napag-alaman ko kasi na paborito ni Jema to dinamihan ko na para bigyan sya.

nang papunta na ako sa room nila para ibigay ang niluto ko nakita ko sila sa hallway tinawag ko sila bago pa sila makapasok sa room nila.

"mabuti naabotan ko kayo dito sa daan"
bungad ko sa kanila.

tinanong pa ako ni Kyla kung ano dala ko, inabot ko na kay Jema ang dala ko at sinabing naparami ang naluto ko kaya dinalhan ko na sila kahit ang tutuo para sa kanya talaga ang luto ko.

inabot naman nya ang binibigay ko napangiti nalang ako sa kanya ng pagkaganda ganda. niyaya pa nila akong pumasok pero pumalag ako kahit gustong-gusto kong makasama si Jema. alam ko kasing magigisa lang ako sa luob at baka bigla pa akong mapaamin na gusto ko sya. kilala ko tong mga kaibigan nya mga abnormal to.

kaya mabilis akong nagpaalam sa kanila at kumaway pa. nakita ko naman na ngumiti sa'kin si Jema okay na sa'kin yon.

nang dumating ang araw ng linggo umaga palang nasa hallway na ako ng dorm kasi maykinuha ako kay kuya guard may delivery daw para sa'kin.

pabalik na ako sa room ng mapansin ko ang isang Jema Galanza na naka bihis ng yellow dress na bumagay sa kagandahan nya, lumotang ang mala anghel nyang ganda.

nag mamadali syang lumabas ng dorm sinundan ko naman sya. nang makita ko kung sino ang kasama nya.

ang nag-iisang ace princess lang naman na si D. pero bakit. bakit sila magkasama at saan sila pupunta. hindi ko na sila nasundan kasi kailangan ko pang bumalik sa room ko para magbihis.

-------------------------------
'D'

monday morning, ganda ng ngiti ko inaasar pa nga ako ng dalawang kasama ko.

"wow! blooming inlove nanaman ang ace princess"
sabi ni Jaja.

"anong meron D, kwento kanaman"
si Dindin naman yon habang umuupo sa may kitchen.

"ano ba kayo hindi ba pwedi na maganda lang tulog ko"
sabi ko sa kambal
yes po, kambal po sila si Jaja teammates ko si Dindin naman ka klase ko sa ibang subject.

papunta na kami sa school nang makarating na nga kami at makapasok nakita ko agad yung iba pa naming mga teammates ang ingay kasi nila nagkakagulo nanaman kaya agad naming pinuntahan.

"ang saya nyo ah"
bungad ko sa kanila.

"ang aga-aga ang ingay nyo nakakabulabog kayo ng ibang tao dito sa school"
si Dindin nanaman yon.

"teka bakit kaba nandito, hindi ka naman namin teammates, tsu tsu tsu alis ka dito"
sita sa kanya ng siraulo naming kasama.

nagtawanan nalang kami kasi ang sama na ng tingin nya hahaha. nagkakatuwaan kami ng biglang may pumulupot sa braso ko agad akong pumitlag at tumingin dito.

"hey D! ano yung nababalitaan ko na may iba karaw kasama kahapon"
sabi ni Chloe na nakapulupot parin sa braso ko.

"ano naman ang masama kung may iba akong kasama eh, kasama ko lang naman"
sagot ko dito.

"ehhh, dapat ako lang kasama mo. may Amanda na ngang nakapaligid tas maydaragdag pa"
maarting sabi nya.

hindi na ako nakapagsalita dahil bigla nanamang umingay sa paligid ko, nandito nanaman po yung mga newbies.

"hey! kayo! wag na kayong umasa na papansinin pa kayo ni D, kasi akin na sya"
pasigaw na sabi ni Chloe sa mga taong nakatingin sa amin.

hay naku napabuntong hininga nalang ako, pero panigurado ako sa susumod na buwan hindi na to ganito kagulo. pasalamat narin ako na yung mga seniors iba ang hinahabol.

Campus CrushWhere stories live. Discover now