5.5

3.4K 123 16
                                    

'ZAI'

nang makaalis na si Galanza sa harap ko sya namang pagsulpot ni Deanna.

"kung ako sa kanya hindi lang sampal ginawa ko. dapat sinuntok ka nya"
wika nya na lumingon sa'kin.

"ang sakit kaya ng sampal nya. parang kamay ng barako ang sumampal sa'kin"
hawak-hawak ko parin yung pisngi ko habang sinasabi ko yon sa kanya.

"itsura mo parang masakit ngipin mo"
umupo na sya sa tabi ko.

"kung mang-aasar kalang umalis kana"
pagtataboy ko sa kanya.

tumingin sya saakin na nagsasalubong yung kilay pero ngiti ang isinukle ko pabalik sa kanya.

"salamat. kasi binigyan mo pa ako ng second chance"
panimula ko, bahagya naman syang ngumiti.

"gusto kong magsimula kung pano tayo naging magkaibigan dati Deanna. gusto kong maging kaibigan ka ulit. kaya mo bang pagkatiwalaan ako ulit?"
seryuso akong tumingin sa kanya habang sinasabi ko yon.

"pwedi pa ba?"
kasabay ng tanong ko na yon ay ang paglahad ng kamay ko sa harap nya.

natagalan bago nya abutin kamay ko pero nakipag shake hands parin sya sa'kin at ngumiti.

"taposin mo paglilinis mo Zai, wag mong i asa sa mga alalay mo"
sabi nya papaalis sa harap ko.

-------

lumipas ang mga araw at hito ako ngayon gumagawa ng surprisa, sana ma surprise talaga sila.

"sigurado kaba talaga dito Zai?"
kinakabahang tanong ni Wong.

"akala ko ba maytiwala ka na ulit sa'kin, wag ka ngang magulo, magtiwala ka lang"
sagot ko sa kanya.

plano namin na unahan si Amber sa pagtatapat kay Galanza. napag-alaman kasi namin na pagkatapos ng play ay gagwin ni Amber ang pangalawang pagkakataon para tanongin si Galanza sa feelings nya.

alanganin na ang oras para sa surprise na gagawin ko pano mamaya nang hapon yung play. kailangan magawa yung plano ngayong umaga.

"pasok na"
tulak ko kay Wong nasa harap na kasi kami ng Campus radio room.

"ikaw na kaya mauna"
tulak din nya sa'kin. teka kinakabahan ba sya o natatakot napailing nalang ako sa ginawa nya.

binuksan ko na nga ang pintoan at una akong pumasok.

"ano nanaman ba to Zai"
nag-aalalang bungad ni Galanza.

"Deanna?"
sa tunong hindi sigurado ng pumasok na si Wong at nasa likoran ko na.

"hehehe hi Jessica"
bati nya rito para syang ingot sa ginawa nya.

"ano bang trip nyo"
ang taray ng mare nyo.

"maygustong kasing ipagtapat sayo si Deanna"
habang sinasabi ko yon lumalakad ako papunta sa disk ng radio at umupo doon.

tumingin pa sa'kin si Galanza saka tumingin kay Deanna.

-------

'DEANNA'

kinakabahan ako walang paglagyan yung kaba ko. bakit ba biglaan to wala akong rehearsal wala ding script di ko alam sasabihin ko umuurong dila ko.

"ah, a-no kasi"
sabay kamot ko sa ulo ko saka yumuko.

paghindi mo pa ito nasabi ngayon Deanna baka maunahan ka pa ni Amber mamaya.

Campus CrushWhere stories live. Discover now