'D'
sabado nanaman nandito ako ngayon nakatiyaya sa dorm ang boring kaya naisipan kong sa cafeteria nalang ako kakain kasi yong dalawa kong kasama sa room na to andon sa ibang room may assignment daw sila na dapat taposin kaya ako lang naiwan dito ngayon.
nandito na ako ngayon sa cafeteria kumakain ng makita ko sya, si Jema Galanza, yes I know na her name anong gamit ng social media.
umiinom ako ng dumating sila napa tulala nalang ako ng makita ko sya dem!! nag slowmo nanaman po, ang ganda nya talaga. bakit parang maslalo syang gumanda ngayon. kahit parang medyo basa pa ang buhok nya at parang hindi sya nakapag ayos ng mabuti pero para sa'kin ang ganda parin nya.
pinag mamasdan ko lang sila. ay sya lang pala, kitang kita ko sa mga mata nya na ang saya-saya nya maslalo syang gumaganda pagnakangiti. yung ngiti nya ngayon na halos maningkit na ang mga mata.
pero napansin ko din kung pano sya titigan ni Terry, teka wag mong sabihin na gusto din nya si Jema. aba mukang magiging karibal ko pa tong bata nato.
nang makita ko na patapos na sila agad akong pumunta ng counter para bumili ng C2 hindi ko alam anong pumasok sa isip ko bakit ito pa binili ko. at hinarang sila sa daan at nakita ko sa mga mata nya na parang natakot ata sa'kin kaya agad kong inabot sa kanya ang dala kong C2 solo.
syempre nagtaka sya pati nga mga kasama nya yung mga titig parang nagtatanong, kaya nagsalita agad ako.
"peace offering ko sa lahat na pangit na nangyari satin nitong mga nakaraang araw"
sabi ko sa kanya."salamat"
sabay abot sa binibigay ko akala ko dededmahin nya lang ako.nang abotin nya yong C2 napangiti nalang ako sabay alis sa harapan nila. baka sabihin pa nila kinikilig ako.
----
nakahiga na ako ngayon sa kama ko nag-iisip.dapat ko bang ituloy to gayong gusto ko rin si Amanda. aminado ako I like Amanda pero itong nararamdaman ko ngayon, hindi ko maipaliwanag. after how many years ngayon ko lang ulit ito naramdaman. do I like Jema Galanza?
ou aminado ulit ako na malabo ang pag-asa ko kay Amanda because of that DICTATOR you know her ultimate crush daw at mahal nya.
hindi ko naman sinasabi na suko na ako sa kanya, nandito parin naman yung feelings ko sa kanya. I like her walang duda yon, pero gusto kong subukan yung feelings ko kay Jema, malay nyo sya pala yung the ONE.
kaya ito kinapa ko cellphone ko at I search her account atsaka nag message ako sa kanya.
to Jema:
may gagawin kaba bukas, pwede bang samahan mo ako bukas, simba tayo.pagkalipas ng ilang minuto nag reply narin sya.
from Jema:
sigurado ka? kasi libre ako bukas, oo libre ako segi simba tayo.hahaha crush talaga ako nito pustahan tayo.
to Jema:
segi sundoin kita bukas sa labas ng dorm nyo.from Jema:
okay po. uhmmm. salamat 😊to Jema:
okay good night, see you tomorrow.from Jema:
good night too see you tomorrow 😊aba mukhang masaya sya, palagi kasing nakangiti imoji nya. napapangiti nalang din ako sa iniisip ko.
-----
sunday morning maaga akong nagising ehem may date po tayo.
agad akong naligo nagbihis at syempre nagpaganda para maslalo syang magkagusto sa'kin hehe. at pagkatapos kumain na ako ng breakfast, nauna na ako sa dalawa dahil nga tulog pa sila.
then bumaba na ako para sundoin sya sa dorm nila.medyo malayo-layo ang dorm nila kaya tinawagan ko na sya.
OTP:
"hi good morning"
bungad ko sa kanya, pero walang sumagot bagkos nagkakagulo sa kabilang linya ang naririnig ko.THE OTHER LINE:
"hoy!! anoba tulungan nyo na kaya ako"
rinig kong sabi ni Jema."anoba kasi problema mo Jemalyn"
hindi ko alam kung si Ced ba yon o si Kyla."hindi ko kasi alam kung ano isusuot ko"
parang gusto kong matawa kasi problemado sya sa isusuot nya."jusko!! Jemalyn halos lahat na ng damit mo nasa labas na tapos wala kapa napipili dyan"
I know this time si Tots yon."hindi ako makapili, ayukong magmukhang alalay sa harap ni D"
si Jema ulit yon."so may date kayo ng D mo"
singit ulit ni Tots."hoy!! anong date yan ha! ikaw Jemalyn naglilihim kana samin"
yong isa naman ang sumingit."sya nagyaya o ikaw?"
hindi ko alam sino nagtanong pero pagkasabi noon ay nagtawanan mga kasama nya akala ko ba bawal bully sa eskwelahang ito hahaha."hahaha isusumbong kita kay Terry at Amber, Kyla pipaiyak mo Jema nila"
natatawang sabi ni Tots.teka
ano daw...
Terry at Amber. wag mong sabihin talaga naman oh. hindi panga ako nagsisimula maykaribal na agad ako tsk!!
"bwesit ka Carlos! anobang pinagsasabi mo, tulongan nyo nalang kaya ako mamili mamaya mag text na si D"
iritang sabi ni Jema.okay, so hindi nya alam na tumawag na ako at naririnig ko sila. kung hindi nya alam sino sumagot ng tawag ko.
"hala! ou nga pala Jema. oh sagutin mo tumatawag si D mo hehehe"
si Tots pala ang sumagot."hello?"
sagot nya sa kanina ko pang tawag ang cute ng boses nya."oh hi, sya nga pala malapit na ako sa dorm nyo. see you"
sabay baba sa tawag ko para makapagbihis na sya.nang makarating na ako sa dorm nila, pinagtitigan lang naman ako ng mga tao dito yung iba nga nagpapapansin na hay naku!
bigla ko syang nakita na tumatakbo papalapit sa'kin. naks!! hahaha nag slow-motion nanaman po. pinag mamasdan ko sya mula ulo hangang paa.
ang ganda nya sa suot nya lahat nalang ata maganda sa kanya. naka yellow dress na floral sya bagay na bagay sa kanya. napaisip tuloy ako bakit nasa red dorm sya hindi sya linagay sa yellow dorm masbagay ata sya doon.
"uhm.. mayproblema ba sa suot ko"
nahihiya nyang tanong sa'kin.hindi ko namalayan na kanina ko pa pala sya tinititigan.
"ah. wala. tara na"
paanyaya ko sa kanya.habang naglalakad kami patungo sa simbahan hindi ko maiwasang titigan sya. napapansin ko na parang domidistansya sya kaya hindi ko maiwasang magtanong.
"bakit parang ang layo mo sa'kin"
tanong ko sa kanya."kasi pinag titinginan tayo ng mga tao"
nahihiyang sabi nya.tumingin naman ako sa paligid tama nga sya pinagtitinginan nga kami. ang iba nga ang sama pa ng tingin sa'min.
"hayaan mo sila wala naman tayong ginagawang masama"
nakangiting sabi ko sa kanya.nang makarating na kami sa simbahan nagtirik muna kami ng candila at nag dasal. pagkatapos ay umupo naman kami sa maylikurang bahagi para hindi kami gaanong mapansin.
sa buong sirimonya ay napapatingin lang ako sa kasama ko hindi ko maiwasang humanga sa kanya. may mga oras nga na sabay pa kaming nagkakatitigan at napapangiti nalang kami pariho.
sabay narin kaming mag lunch niyaya ko narin syang kumain. medyo kumportable narin ang pakiramdam ko sa kanya, pansin ko nga parang ako lang ang maraming sinasabi tas sya nakikinig lang.
nang matapos na kaming kumain hinatid ko na sya sa dorm nila at nagpaalam na kami sa isat-isa.
at syempre umuwi ako sa dorm namin na pangiti ngiti at masaya.
-----------------------------------------------------------
sulitin na natin pag update habang Christmas vacation pa.salamat po ulit sa pagbabasa kahit hindi ito kagandahan 😊
YOU ARE READING
Campus Crush
Fanfikcepara ito sa gawong community sana magustuhan nyo. sa gawong tayo. #protectgawongatallcost