4.4

3.6K 112 3
                                    

'DEANNA'

Lumipas ang mga araw. nagmamadali akong magtungo sa theater room dahil nandon na ang grupo ni prof N at mga cast nya magsisimula na sila sa kanilang practice. dapat nandon ako para mabantayan ko si Margarett.

nang biglang may mabunggo ako. nagulat pa sya nang magtama ang paningin namin. napaatras sya at agad syang nag sorry.

tiningnan ko lang sya na walang emosyon. agad naman syang umalis ng mabilis sa harap ko kasama ng mga aliporis nya. tsk! napailing nalang ako takot parin pala sya pano ang samalang naman ng ginawa nya.

FLASHBACK:

pumasok ako sa cctv room para kumustahin ang pagmumunitor sa buong Campus.

"kumusta kuya anong balita"
sabi ko sa operator ng makapaso na ako sa room nya.

"ganon parin naman po ma'am"
sagot nya.

tinitingnan lang namin ang mga cctv ng mapansin ko sa likod ng isang building ang grupo ni Chloe. medyo nagkakagulo sila ng mahagip ko sa isapang cctv ang babaeng kinakaladkad papunta sa gawi nila Chloe. ipina zoom in ko kay kuya kung sino yung kinakaladkad at don ko nga nakita na si Margarett ito. agad akong lumabas tumakbo papunta kung nasaan sila.

huli na ng makarating ako dahil halos puno na ang katawan ni Margarett ng mga basag na itlog. akmang babatohin nanaman nila ito kaya tumakbo na ako at yumakap sa kanya. tiningnan ko sila ng masama lalong lalo na si Chloe saka ko hinatak si Margarett papalayo sa kanila.

wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami ang mahalaga makapagpalit na sya ng damit.

nang makapasok na kami ng SC office nag usap pa kami at nagpasalamat pa sya sa'kin. ibinigay ko sa kanya yung nakahanger na T-shirt ko na may imprinta ng SC officer at sa likod nakasulat ang apilyedo ko.

"oh magpalit kana ng damit"
sabay abot ko sa T-shirt ko.

"salamat"
nang makuha na nya ito.

nakatitig lang ako sa kanya ng akmang magbibihis na sya. tumigil ito at tumingin sa'kin. tatalikod na sana ako ng maalala ko na may cctv pala dito sa room namin. tinuro ko sa kanya yung cr para doon nalang sya magbihis.

"nahiya pa sya eh nakita ko naman na yung katawan nya, nahawakan at nayakap pa"
pabulong na sabi ko habang pumapasok sya sa cr.

habang nasa cr sya panay naman ang text ni Tots sa'kin tinatanong kung okay lang ba si Margarett at kung nasaan ito. nang makalabas na sya galing cr sinabi ko na hinahanap na sya ng mga kaibigan nya.

dumaan pa ang mga minuto ng makaalis na sya ay sya namang pagpasok ni Ponggay.

"ano nanaman tong nabalitaan ko sa labas. at sino namang babae ang kasama mo kanina?"
tsismosa to. sinasabi nya yon habang umuupo.

"si Margarett"
tipid na sagot ko.

"talaga! so sakanya ba to?"
sabay angat sa bag na hawak nya.

anong! hindi nya pala dala bag nya. bat nya ba naiwan to. kinuha ko yung bag at lumakad paalis ng office.

"hoy! teka Deanns sa'n ka pupunta"
habol ni Ponggay sa'kin.

"sa cafeteria isasauli ko to"
sagot ko habang sa daan lang nakatingin.

nakangiti lang naman sya sa'kin habang sinusundan ako.

nang makarating kami sa cafeteria nakita ko sila na nag uusap-usap kasama si Amber Dizon. bago pa kami makarating sa kanya nakita ko si Amanda na nahihirapan sa dala nya hindi naman ako nagdalawang isip na tulongan sya. hindi ko inaasahan ang paghalik nya sa pisngi ko pero pinagsawalang bahala ko lang iyon at patuloy sa paglakad sa pwesto nila Margarett.

Campus CrushWhere stories live. Discover now