Part-4

3.4K 107 9
                                    

'DEANNA'

tatlong araw pagkatapos ng proposal ko nandito kami ngayon sa condo nya nanunuod ng TV habang magkayakap.

"ano bang gusto mo sa kasal natin love"
tanong ko sa kanya habang hinahaplos haplos buhok nya.

tumingala sya sa'kin at ngumiti

"gusto ko simple lang. kahit yung family mo, family ko, mga barkada natin, at ninong ninang lang ang nandoon okay na ako. basta nandon ka"
sabay pisil nya sa pisngi ko.

"syempre nandon ako. ako yung maygusto sa kasalang ito tapos mawawala ako. aba hindi mangyayari 'yon"
paninigurado ko sa kanya.

"alam ko naman iyon"
ngiti nya sa'kin at bumalik sa TV ang attention nya.

"love"
tawag ko sa attention nya.

"hhmm"
sagot nya na hindi manlang tumitingin sa'kin.

"love"
tawag ko ulit sa kanya.

"ano nga Deanna Wong"
kasabay non ang pagtingin nya sa'kin. haha napikon na.

"ilang anak ba gusto mong gawin natin?"
seryusong tanong ko sa kanya. pero kumunot lang noo nya.

"hindi pa nga tayo kasal yan na agad iniisip mo"
ayaw ba nya sa tanong ko.

"eh love, paponta naman na tayo doon. gusto ko sana apat gawin natin. kahit hindi na lima basta apat okay na ako doon"
lahad ko sa kanya ng apat na daliri ko kasabay non ang pagpapacute ko.

"iwan ko sayo"
sagot nya sa'kin na biglang itinuon nanaman ang sarili nya sa TV.

wala syang reklamo, wala syang sinabi na hindi o ayaw nya so ibig sabihin payag sya, gusto nya. yez!!

para sa future kong mga anak maghanda na kayo dahil ready na si Dada para yakapin kayo. yinakap ko nalang ng mahigpit si Jessica sabay ng paghalik ko sa buhok nya.

--------------FF--------

isang linggo na ang nakakalipas matapos ang proposal ko kay Jessica napag-usapan narin namin yung kasal. nine months from now mangyayari iyon. handa naman na talaga ang lahat napag-isipan ko na ito at napaghandaan. uo nalang nya ang kulang, ngayon nga pumayag na nga sya sa proposal ko parang gusto ko na ngang hatakin na yung oras para maging misis Wong na sya.

excited na akong bumuo ng sariling kong pamilya. magkaroon ng mga anak na sabay naming aalagaan napapangiti nalang ako na parang tanga kaka imagine sa future namin ni Jessica. natapos lang ang maganda kong ngiti nang biglang may kumatok.

"pasok"
sigaw ko mula sa loob ng office ko.

"ah doc gusto ko lang pong ipaalala sa inyo na may meeting po kayo kay miss Abegail ngayong 5:30pm sa isang restaurant"
sabi ng secretary ko ng mabuksan na nya ang pintuan.

"okay salamat"
sagot ko sa kanya saka sya umalis.

uo nga pala muntik ko nang makalimotan may meeting pala ako kasama si Abegail sa mga investors mamaya. ito nayon yung pangarap kong magkaruon ng hospital sa region eight mangyayari na.

5pm nag ayos na ako ng sarili ko inayos ko narin yung mga gamit na dadalhin ko puponta na ako sa restaurant na sinasabi ng secretary ko.

nasa taamang oras lang ang dating ko wala pa yung mga investors pero nandon na si Abegail. nasa isang private room ang pinareserv nya mabuti narin to para kami-kami lang.

"ang aga mo Deanna"
bungad sa'kin ni Abegail ng makapasok na ako sa silid.

"mas maaga ka kaya"
sagot ko sa kanya.

Campus CrushWhere stories live. Discover now