Part-2

3.6K 112 12
                                    

'DEANNA'

sa sunday gaganapin ang proposal ko kay Jessica at 3 days yon from now. ilang araw narin kaming hindi nagkikita at hindi gaanong nag uusap kailangan ko mo nang lumayo sa kanya ng kunti para hindi nya mapansin ang mga plano ko.

"ah doc nandito po si miss Abegail papapasokin ko po ba?"
tanong ng secretary ko na nasa kabilang linya.

"okay papasukin mo sya"
sagot ko dito.

"sa natatandaan ko wala akong appointment sayo"
biro ko sa kanya ng makapasok na sya.

"wala nga pero may mahalaga akong sasabihin sayo"
sagot nya na nakangiti.

"maupo ka pag-usapan natin"
lahad ko sa kanya ng upoan.

"hindi ka pa ata kumakain doc. pwedi natin tong pag-usapan sa labas lunch tayo"
nakangiting paanyaya nya sa'kin.

wala naman sigurong masama kung mag lunch kaming dalawa lang, total magkaibigan naman kami.

almost one year na kung pano kami nagka kilala, ang natatandaan ko nagkaroon noon ng seminar sa Baguio at sa galing ni tadhana sa hospital nila Abegail naganap ang seminar. tama basa nyo hospital nila kasi mayroon silang sariling hospital sa Baguio City isang kilalang doctor ang ama nya actually hinahangaan ko ang tatay nya sa larangan ng medicine magaling kasi ito.

una kong nakilala ang tatay nya sa conference pagkatapos ng seminar inaya ako ng tatay nyang mag lunch sino ba ako para tumangi idol ko yung nasa harapan ko. at isa pa gusto ko rin syang makausap at humingi ng advice pagdating sa propesyon namin.

hindi ko lang inaasahan na maykasama pala sya sa lunch namin at doon ko nakilala si Abegail. ang sabi nya sa akin nagkita na kami dati nakasama na namin sya sa hangout ng barkada pero sinabi ko sa kanya na hindi ko sya maalala. alam nyo ba kung ano sabi sa'kin ng tatay nya...

"mahina pala memorya mo Deanna"
yon ang sinabi nya.

ngumiti ako sa kanya tas sinabi ko
"mahina po talaga ako pagdating sa pagmemorya ng tao"

then doon pumasok ang pangalan ni Terry sabi ni Abegail bestfriend sya ni Terry noong nasa Campus pa sya kaya minsan syang napapasama sa barkada. tinanong ko sya kung nag-aaral pa ba sya sumagot sya ng uo pero sinabi nya na hindi na sya nag-aaral sa Campus university dahil gusto raw nya na makasama tatay nya araw-araw. then I found out na mabuti pala syang anak dahil mahal na mahal sya ng tatay nya.

simula noon hindi na nawala communication namin sa dahilan narin siguro na nabangit nilang mag-ama na may mga investors sila na gustong magpatayo ng hospital sa region eigth pero hindi raw nila kayang suportahan nag ning-ning bigla ang mga mata ko sa narinig ko dahil pangarap kong magkaroon ng hospital sa region eigth.

"ang lalim ata ng iniisip mo"
sabi ni Abegail sabay wagayway nya ng palad nya sa harapan ko.

"ha? hindi naman, ano ka ba. pasensya kana"
paumanhin ko sa kanya saka ngumiti.

kaka-throwback ko hindi ko namalayan na nasa restaurant na pala kami.

"sino ba iniisip mo?"
tanong nya sa'kin.

"wala"
tipid kong sagot sa kanya.

"baka si Jema nanaman yan"
nakataas pa ang dalawang kilay nya ng sabihin yon.

napangiti naman ako sa sinabi nya na alala ko tuloy yung baby ko. ano kaya ginagawa nya ngayon parang ang sarap tawagan ulit.

"sabi ko na ngaba. alam kaya nya na napaka sweerte nya"
napatingin naman ako bigla sa kanya ng seryuso.

"ako yung ma sweerte sa kanya. at kung susweertehin pa sana pumayag sya sa proposal ko ngayon sunday"
mukhang dumulas dila ko.

"proposal? you mean aayain mo na syang magpakasal?"
sa reaction nya para syang disappointed.

Campus CrushWhere stories live. Discover now