Part-12

3.9K 114 17
                                    

'JEMA'

ilang bises nga naming pinagplanohan at pinag-isipan ni Deanna ang pagkakaroon namin ng anak. sobra syang hands-on sa pag-aasikaso sa mga prosesong pagdadaanan ko.

sobra syang naging busy sa pagperpekto para makabuo kami. hinayaan ko na sya sa gusto nya. sya naman ang dalubhasa pagdating sa mundo ng medisina at siyensya.

ilang buwan namin tong pinaghandaan at pinag-isipan. inabot na nga kami ng taon para masigurado lang ni Deanna na maayus ang lahat. na walang aberiya na healthy ang baby sa paglabas nito.

"love gumising ka muna"
kalabit ko kay Deanna.

ang himbing ng tulog nya humihilik pa nga sya. kung sa ibang sitwasyon lang ayuko syang gisingin kasi ang sarap ng tulog nya kaso sa sitwasyon ko ngayon kailangan nya talagang gumising kahit madalingvaraw palang.

"love gising kana dyang sige na"
pag-alog ko sa katawan nya. bahagya naman syang gumalaw ayaw bumangon ng asawa ko.

"Deanna gumising kana sabi!"
inis kong turan.

"love pwedi bukas na, antok na antok talaga ako"
nakapikit pang sagot nya sa akin. napataas naman ang kilay ko sa sagot nya ipagpapabukas nya itong baby namin.

"pag itong anak mo magkaroon ng balat sa mukha ikaw talaga sisisihin ko Wong!"
sumigaw na ako dahil sa inis ko sa kanya.

agad naman syang bumalikwas ng bangon ng marinig ang mga sinabi ko.

"ito na nga po babangon na"
agad syang bumangon mula sa higaan namin at agad na pumonta sa may pintuan.

"ano ba gusto mong kainin?"
tanong nya sa akin ng buksan na nya ang pintuan ng silid namin.

"gusto ko yung dinuguan na may kasamang puto"
para akong bata ng sabihin ko sa kanya yung gusto ko.

"pero love wala tayong stock nyan sa baba"
maktol nyang sabi.

"eh maghanap ka love, sige na"
pangungulit ko sa kanya.

"love iba nalang wag lang yang dinuguan"
ano ba problema ni Deanna sa dinuguan kanina pa sya reklamo ng reklamo.

"ano ba problema sa dinuguan?"
hindi ko na napigilang itanong sa kanya.

"love diba sabi ni mama kung ano yung kakainin mo mag rereflect yon sa baby. pano kung maging kulay ni baby yung kulay ng dinuguan"
seryuso nyang sabi sa akin.

so ito yung dahilan kung bakit ayaw ni Deanna bumili ng dinuguan. si mama may kasalanan nito kung ano-ano kasi kinukwento kay Deanna yan tuloy kung ano-ano na iniisip.

napataas nalang kilay ko sa sinabi nya. eh ano gagawin ko yon yung gusto kong kainin ngayon.

"bahalaka paghindi mo ako binilhan nyan si baby ang mag sa-suffer sige ka"
pananakot ko ulit sa kanya.

bumuntong hininga muna sya bago sundin yung gusto ko.

"ano pa ngaba magagawa ko, edi bibili nang dinuguan na may puto para sa asawa at anak ko"
gusto ko talagang matawa sa reaction nya. para syang nalugi.

ilang buwan na akong naglilihi ilang buwan narin syang naiinis sa kung ano-anong mga pagkain na pinabibili ko sa kanya.

ilang gabe narin syang napupuyat dahil kadalasan madaling araw ako nagpapabili sa kanya ng pagkain gaya ngayon 3:15 palang ng madaling araw.

sa inis nyang lumabas ng bahay pinuno na nga nya yung kusina namin ng mga pagkain na madalas kong kinakain. mga pagkain na masusustansya mga pagkain na magpapatalino at magpapalakas daw sa baby namin.

Campus CrushWhere stories live. Discover now