Chapter 7
Nagising na lamang ako nang maramdaman ko ang katamtamang init ng araw na nagmumula sa labas ng balkonahe ko
Ang init ng mga mata ko at parang namamaga pa ito kakaiyak ko kagabi, hindi ko matandaan kung paano ako napunta sa kwarto.
Huli kong naalala ay umiiyak ako sa sala habang may sinasabi si Ian na nakakapagpakalma sakin, and speaking of Ian nakita ko siya na nasa tabi ko na at tahimik akong pinagamamasdan.
"Are you okay?" agad niyang bungad.
Napapikit na lamang ako habang hinihimas ang bridge ng ilong ko na parang naii-stress na naman.
"Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin, Ian. Alam ko naman na hindi pwedeng nakakulong lang ako palagi dito sa condo. I have to do something, pero ano ba ang una kong gagawin?"
Nalilito na ako, feeling ko kailangan kong mag-aral pero may part din sakin na ayaw ko. Mababaliw na talaga ako.
"You know what, may point si Tita Autumn mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Akala ko ba magkakampi tayo dito? Bakit ngayon parang kinakampihan mo na si Autumn?" nakanguso kong sabi habang nakakunot ang noo na nakatingin sa kanya.
Napabuntong hininga na lamang si Ian at diretsong tinignan ang mga mata ko.
"Seriously, kailangan mo talagang bumangon at huwag mong hahayaang ang sarili mo ay matalo sa mga pagsubok. I agree na kailangan mong mag-aral, knowing na may makukuha kang magandang benefits para sa buhay mo kapag nakapagtapos ka. You're doing this not for your tita or anyone else; instead, you're doing this for yourself." Seryosong paliwanag ni Ian habang nakikinig lamang ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
Napansin ko ang kwintas niya na umilaw kaya bahagya akong napatutok dito.
"Ipakita mo na hindi ka talo, Celeste. Kapag nakikita ng ibang tao na lumalaban ka and you're fighting for your right, I'm sure maraming tutulong sayo. Diba nga gusto mo malaman kung sino ang may kagagawan sa nangyari sa parents mo? Edi start from the beginning where you were a fighter and full of dreams in life, kapag natulungan mo na ang sarili mo, mas madali mo na rin magagawa ang mga plano mo." Dagdag pa niya kaya napanganga ako sa mga sinabi niya.
'Gagong anghel pala ito eh, bakit ngayon niya lang sinabi ang mga bagay na yan?'
"Bakit ngayon mo lang ako minomotivate ng ganyan, Ian? Kung sinabihan mo ako ng mas maaga edi sana may nagawa na akong matino, diba? Alam mo naman pala kung ano ang dapat kong gawin pero hinayaan mo lang akong matulog at kumain dito sa condo ng isang buwan. Napailing na lamang ako at nagsimula nang bumangon.
"Eh pano ba naman kasi ngayon lang tayo nakapa-usap ng matino. Palagi mo kasi akong inaaway." Natawa ako sa sinabi ni Ian habang inaayos ko na ang buhok ko.
"Wooy hindi kaya kita inaaway. O siya maliligo na ako, may pupuntahan tayo."
"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Ian habang pinagmamasdan akong nag-aayos sa hinihigaan ko.
"Pupunta tayo kay Autumn, sasabihin ko kanya na mag-aaral na ako." Nakangiti kong sabi.
Natawa na lamang ako nang makita kong nagulat si Ian.
Matapos maligo at makapaghanda ay nagtungo na kami sa bahay ni Autumn, syempre wala kaming pansinan ni Ian sa labas. Ayoko rin naman mapagkamalang baliw na nagsasalita sa hangin. He can make himself invisible sa paningin ko but still kahit hindi ko siya nakikita ay nananatili parin siya sa tabi ko at nararamdamn ko iyun.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" bulong ni Ian kahit hindi ko siya nakikita, papalapit na ako sa pintuan ng bahay ni Autumn.
"Kakayanin ko 'to." Bulong ko at gumawa na ng katok.
YOU ARE READING
A Little Touch Of Heaven (ON-GOING)
General FictionSent from the shadows of hell, my purpose was to teach her the art of darkness, teach her the sinister alphabet of vice, and whisper the forbidden secrets of temptation. Little did I know, she would teach me the colors of love that even hell couldn'...