Chapter 5 | Smile & Laugh

40 12 8
                                    

Chapter 5

"Autumn, I can explain---

"What the hell, Celeste?" Bungad nito na parang hindi talaga makapaniwala sa nakita.

Fuck anong sasabihin ko?!

"A-ako rin kasi nagulat." Napakamot nalang ako sa ulo ko at bahagyang napatingin sa nilalang na katabi ko ngayon na parang hindi man lang nagulat na nakita siya ng ibang tao.

"Nagulat ka rin? Nagulat ka rin sa ayos mo? Tignan mo nga sarili mo ba't ang gulo-gulo ng buhok mo?" Napakunot nalang ang noo ko sa sinabi ni Autumn.

"What do you mean?" Nasabi ko na lamang at dali-daling humarap sa salamin at tama nga si Autumn ang gulo-gulo ng buhok ko, para akong binubog, damn.

Kasalanan ito ni Ian eh! Kunot noo ko siyang tinignan habang siya naman ay parang wala lang.

"Ano ba kasing ginagawa mo, Celeste?" Halos himatayin na si Autumn, hindi dahil may nakitang kakaibang nilalang kundi parang pagod nang alagaan ang isang taong katulad ko. Hindi ko naman siya inutusan ah tsk.

Bakit ba naman kasi siya nandito, halos aatakihin rin ako sa puso kanina akala ko nakikita rin ni Autumn si Ian. Bwesit na nilalang! Pahamak, peste talaga!

Bago pa man ako makapagsalita, nakita kong lumapit ang nilalang kay Autumn.

'Shit! Anong gagawin niya!'

Bahagyang tumingin ang nilalang sakin at lumapit na ng tuluyan kay Autumn na wala man lang kamalay-malay sa mga nangyayari.

Napansin kong lumapit siya sa tenga niya at may binulong.

Nagulat ako nang pagkatapos niyang gawin iyun ay hindi na ito gumalaw at wala man lang ginawang pagkurap sa mata.

"Hoy! Anong ginawa mo sa kanya?" Shit, kahit kuripot at parang may sayad minsan yang si Autumn ayaw ko namang mabaliw yan ng tuluyan.

"Manahimik ka nalang." Mahinang sabi nito at gumawa ng isang pitik sa daliri.

Kumunot bahagya ang noo ko nang makitang parang robot na lumalapit si Autumn sakin..

"Uuwi na ako Celeste, magpahinga ka na." Walang ka emo-emosyong sabi ni Autumn at lumabas sa silid.

"Wow, kaya mo palang gawin yun? Well, oo nga pala isa ka palang manipulator." Pagsasalita ko na parang nagustuhan ang ginawa ni Ian kay Autumn.

Nagtungo ako sa kusina at dun uminom ng tubig, hays nakakapagod ang araw na ito, sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayong araw.

Habang umiinom ay napansin ko sa mesa ang isang maliit na red box na may katabing papel na may sulat.

'Wag mo yan iwawala mahal yan, galing ako sa Cebu kaya binilhan nalang rin kita ng regalo. - Autumn'

Napairap na lamang ako at napailing. Di ko alam uso pa pala sa kanya ang magbigay ng regalo.

Dahan-dahan kong kinuha ang maliit na box at tinignan ang laman nito.

Bahagya akong nagulat nang makita ang isang kwentas na may pendant na letter T.

Kagayang-kagaya ito sa kwintas na ibinigay ni mommy noong birthday ko.

Wala akong ibang masabi kaya nantili lang akong nakatitig sa pendant na letter T, alam kong hindi ito ang original na bigay ni mommy ngunit ang pagkakahalintulad nito ang nagpasikip sa dibdib ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi alalahanin ang nangyari sa gabing iyun, dahil sa galit nung gabing nagkasagutan kami ni mommy ay hinubad ko ang kwintas na bigay niya at tinapon sa kung saan, hindi ko alam kung nasan na yun at pinagsisihan ko ang nagawa ko dahil yun na nga lang sana ang regalong bigay ni mommy pero naiwala ko pa.

Hindi ko na maintindihan ang magiging reaksyon ko ngayon, bigla na naman bumigat ang paghinga ko kaya nagtungo na lamang ako sa kwarto.

Binagsak ko ang sarili ko sa kama at pinikit ang aking mga mata.

Ayoko nang umiyak. Nangako ako sa sarili ko na hindi na ako iiyak, last na ang gabing yun.

"Mag da-drama ka naman ba diyan?" Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses at nairita ako nang maalala kong hindi nga pala siya makakalayo sakin.

"Fuck wala na ba talaga akong privacy dito?" Inis kong sambit.

"Okay fine, mag drama ka all you want, just act like invisible ulet ako." Pagsasalita naman ni Ian na parang nagtatampo rin, ang arte talaga.

Hindi ko siya pinansin at umayos na ng upo. Ayokong umiyak na may nanonood na baliw sa harapan ko.

"Nye nye nye ang ingay-ingay na ng Guardian Angel ko ah, di ka naman ganyan b4." Gusto ko sanang tumawa sa reaksyon niya, halatang na bubwesit na sya sakin.

"Fuck it! Hindi nga ako ang Guardian Angel mo!" Inis agad ang baliw.

"First of all, Guardian Angel na talaga kita. You saved me from death, remember? Nung nahulog ako sa balcony and now you helped me from Autumn's beast mode, so don't deny it, idiot." Binigyan ko siya ng walang ganang tingin at ganun din siya.

Pareho pa talaga kami ng reaksyon na parang wala nang ganang mabuhay. Gusto kong matawa kasi napaka boring ng reaksyon namin.

"Hindi ako ang Guardian mo. Umalis na ang Guardian Angel mo dahil malala ka na raw at hindi na niya kinaya ang pagiging wild mo" Nakita ko siyang bahagyang ngumisi kaya kinunutan ko siya ng noo.

"So, may white guardian angel talaga ako? Let me guess, opposite siya sayo and... may maputi siyang pakpak, at kung gaano kaitim ang balahibo mo siya namang ang puti ng balahibo niya, malamang white nga eh hays." Hinihimas-himas ko pa ang baba ko na parang nag-iisip. "Feeling ko mabait at gwapo siya kesa sayo."

Matapos kong magsalita, he did a single snap again.

Nataranta ako nang hindi ko na maibuka ang labi ko at hindi na ako makapagsalita.

'Bwesit!'

"Wag mo ulit sasabihing mas gwapo ang gagong yun kesa sakin di mo alam ang ugali nun."

Akala ko habang buhay na akong hindi makapagsalita pero matapos niyang sabihin yun naigalaw ko na ulit ang labi ko.

'Bwesit, dahli lang dun nainis na agad? Lakas ng topak talaga. Delikadong Guardian Angel.'

...

Another shit day and as usual napaka boring parin ng buhay ko kasama ang boring kong guardian angel.

At dahil wala akong ibang magawa sa bahay ay napagpasyahan ko na lang na maagang bumangon at nag jogging. Habang nag j-jogging ay napansin ko rin si Ian na tamad lang na nakasunod sakin, natawa na lamang ako nang mapagtantong nagmumukha na siyang aso na sunod ng sunod kung saan ako patungo.

Muli ko siyang nilingon at tinaasan lang nya ako ng kilay. Siniguro ko pang walang katao-tao sa lugar na kinatatayuan namin ngayon kaya okay lang kung sandali ko siyang makakausap.

"Doggy, doggy, come to mommy." Natatawa kong biro sa kanya dahilan nang pagkasira ng reaksyon ng kanyang mukha.

"What the fuck are you doing?" Suplado at nagtatakang tanong nya habang ako naman ay gusto nang humalakhak sa reaksyon niya.

"Ang sarap mo kasing gawing pet" natatawang pang-asar ko sa kanya.

"You're making fun of me, baka gusto mo na namang patahimikin ko yang bibig mo." Inis nyang sabi kaya bahagya akong natakot.

"Hey! Anong problema sa pagiging pet? Ayaw mo nun aalagan kita, papakainin, liligoan?" Bumuga ako ng napakalakas na tawa matapos ko iyung sabihin sa harapan niya.

"Oh, funny" sarkastikong sabi ni Ian kaya nainis tuloy ako. 'Di nya ba na gets ang joke ko?'

"But I'm glad" muling sabi Ian kaya saglit akong natigilan at takang lumingon sa kanya.

"About what?"

Sa pagkakataong ito ako naman ngayon ang nakataas ang kilay habang naghihintay sa sasabihin niya.

"Kahit nakakainis man, I'm glad that your smile and laugh are back."

...


Thanks for reading!
What do you think of this chapter?
Just leave a comment lang po<3

A Little Touch Of Heaven (ON-GOING)Where stories live. Discover now