Chapter 16 | Right Thing To Do

15 9 0
                                    


Chapter 16

"Ms. Fernanadez okay ka lang ba?" agad akong nagising sa pagkatulala nang marinig ko ang pangalan ko.

Huminga ako ng malalim at tumango.

"Kilalang-kilala ko siya, she's a family friend and she's a mother of one of my friends." Diretso kong sabi at hindi man lang kumukurap habang tutok na tutok sa video. "Siya si tita Agnes, ang mommy ni Shamrey." Dismayado at halos pabulong kong wika.

Napapikit na lamang ako at napahawak sa noo. Para akong lalagnatin sa nasaksihan ko ngayon, di pa rin ako makapaniwala na ang nag-iisang masiyahin at matulungunin na tao ang pumatay sa mga magulang ko, pero bakit? Bakit niya nagawa lahat ng ito?

"We can use this footage as our evidence, malilinis na natin ang pangalan mo." Kalmadong sabi ni attorney.

Tumango-tango ako at muling tumingin kay attorney na hinihintay ang sasabihin ko. Bahagyang nagtama ang mga mata namin ni Ian na para bang alam na alam niya ang nararamdaman ko ngayon.

"Gusto ko siyang kausapin, gusto kong malaman kung bakit niya nagawa lahat ng ito at kagaya ng pinangako ko sisiguraduhin kong magbabayad siya sa nagawa niya sa pamilya ko kahit sino pa siya, kailangan niyang magdusa kagaya ng ginawa niya sa mga magulang ko."

May sinabi pa si attorney Himenez patungkol sa aasikasuhin niya gamit ang ebidensya, halos nawala ako sa sarili at patango-tango na lamang ang nagawa ko sa bawat salitang inilalabas niya. Hindi nagtagal ay kinailangan na ring umalis ng abogado ko dahil marami pa raw siyang aasikasuhin.

Pumasok na lamang ako sa kwarto at tamad na binagsak ang katawan sa kama. Naalala ko muli si Ian at nakita ko siyang nakaupo na sa kama habang nakatingin sa direksyon ko. Maingat akong bumangon at umupo, yumuko na lamang ako at pinaglaruan ang sarili kong mga daliri na parang bata.

"Hindi ko talaga inexpect na si Tita Agnes ang makikita ko, sa tingin mo Ian bakit niya kaya nagawa yun?" nakayukong tanong ko kay Ian na diretso lang ang tingin sakin.

"I'm not really sure either pero sigurado akong may galit siya sa pamilya niyo." Tugon ni Ian kaya mas lalo akong napayuko at parang maiiyak na. "Matulog ka muna, kailangan mong magpahinga." Naramdaman ko na lang ang kamay na humahaplos sa buhok ko kaya marahan akong tumingala para tignan si Ian.

"Do I deserve all of these? Ano kaya ang nagawa ko para makaranas ng ganitong buhay?" halos pabulong kong tanong kay Ian kaya mas lalo siyang lumapit at umupo sa tabi ko.

"Everything happens for a reason. Siguro hindi mo pa maiintindihan ngayon, but I'm sure you'll find out why all of these things happened sooner or later." Kalmadong sabi ni Ian.

Huminga ako ng malalim at tumango. Maya maya ay nagsimula na akong humiga hanggang sa di ko namalayang makatulog sa tabi ni Ian na marahang humahaplos sa buhok ko.

Kinabukasan ay maaga akong gumising at agad bumungad sakin ang mensahe ng abogado ko. Today is the day that he will present the evidence to a judge and request a warrant for the arrest. Ramdam ko ang kaba sa posibleng mangyari ngayong araw, alam kong it will cause a big news lalo na at isa ring kilalang negosyante ang mommy ni Shamrey at mga magulang ko ang victim.

Wala rin akong ganang pumasok sa paaralan ngayon, hindi ko alam kung paano ko haharapin si Shamrey lalo na at ang mommy niya ang pumatay sa mga magulang ko.

Nanatili lamang ako sa condo hanggang sa muling tumawag si attorney Himenez at sinabing kailangan ang presensya ko for legal system. Nagsimula na ring umingay ang pangalan ni tita Agnes matapos itong arestuhin, nagsimula na rin akong kabahan sa posibleng mangyari kapag magkikita na kami ni tita Agnes.

A Little Touch Of Heaven (ON-GOING)Where stories live. Discover now