Chapter 11
Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata at una kong napansin ay ang kagandahan ng umaga, bakit nga ba maganda ang umaga ngayon, hmm?
Kapansin - pansin ang sinag ng araw sa balkonahe kung saan may iilang ibon pang nakatungtong sa railing. Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari kagabi.
"Good morning." Napangiti ako nang makita ko ang anghel na nasa harapan ko. Bigla niyang itinaas ang kanyang ulo at ipinatong niya ito sa kanyang kamay. Kasabay ng kanyang ginawang ito, isang malalim at magaan na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi.
"Kaya naman pala maganda ang umaga ngayong araw." Nasabi ko na lamang na wala sa sarili kaya agad akong napatakip sa bibig.
'Shit! Ano raw?'
I saw him chuckle while covering his mischievous smile with his fist.
"Anong nagpapaganda sa umaga mo, Celeste?" natatawang tanong ni Ian kaya agad akong umiwas ng tingin at inilipat iyun sa may balkonahe.
"T-tinutukoy ko yung panahon, sobrang ganda ng panahon kasi h-hindi umuulan." Pagdadahilan ko kaya napahinga ako ng maluwag nang nakita kong sumang-ayon siya at tumango.
Mas minabuti ko na lang na bumangon at maligo kesa mag-isip ng mga bagay-bagay na hindi ko inaasahang maiisip ko pala.
Tapos na akong maligo at makapagbihis nang magtungo ako sa kusina at kinuha ang toasted bread at gatas.
9:00 am pa ang first subject ko kaya walang dahilan para magmadali sa pagpunta sa paaralan.
"Yan lang breakfast mo?" tanong ni Ian na nanonood sakin, halatang hindi nagustuhan ang ginagawa ko.
"Yeah, why?"
'Ano na naman kayang problema niya sa ginagawa ko?'
"Kumain ka ng kanin at ulam. Gusto mo bang mamatay sa gutom?" seryoso niyang saad na para bang siya ang papa ko, tsk!
Inirapan ko siya at sinimulan nang kainin ang toasted bread.
"Ang OA mo, FYI hindi ako mamamatay sa gutom kasi may kinakain ako saka hindi ako takot mamatay nuh, mas gusto ko pa ngang mamatay para makasama ko na sina mommy at daddy." Taas kilay kong sabi.
"Oh really? Hindi ka takot mamatay? Kaya naman pala sobrang higpit ng yakap mo sakin kagabi kasi takot kang mahulog at mamatay, pft." Humalakhak pa siya matapos niyang sabihin yun.
Gusto ko siyang sipain at itapon sa mukha niya ang bitbit kong toasted bread ngunit pinili ko na lang kumalma dahil alam kong mas ikasasaya niya pag nakita akong naiinis.
"Look, wag mo na lang akong pakealaman, okay? It's my life and besides I'm on a diet."
Namangha naman siya sa narinig niya na parang hindi makapaniwala.
"You?! On a diet?! Since when?"
Pinanliitan ko siya ng mata na para bang ina-underestimate niya ang kakayahan ko.
"Hoy sexy kaya ako noon! Ngayon lang ako medyo tumaba dala sa stress. You'll see, babalik rin ang sexy kong katawan, hindi talaga kita papansin." Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. 'Sa tingin niya ba nagbibiruan kami?'
Hindi siya nagsalita at mas lumawak lang ang ngiti niya sa labi habang nakatingin sa akin. Ang creepy ng pota.
"W-what?" tanong ko sa kanya.
"Are you doing this because of what I've said nung isang araw about sa sexyng babaeng nakita ko sa campus?"
"W-what? N-no way, bakit ko naman gagawin yun?! Di hamak mas magiging sexy pa ako kesa dun. I'm acting voluntarily and this is my own decision for myself. Hindi ko ito ginagawa para sayo at wala akong pakealam kung tumingin ka man sa ibang sexyng babae jan." Natataranta kong sagot.
YOU ARE READING
A Little Touch Of Heaven (ON-GOING)
General FictionSent from the shadows of hell, my purpose was to teach her the art of darkness, teach her the sinister alphabet of vice, and whisper the forbidden secrets of temptation. Little did I know, she would teach me the colors of love that even hell couldn'...