Chapter 17 | You're not Celeste

19 10 0
                                    


Chapter 17

Kinabukasan, sa paaralan ay wala kaming pansinan ni Shamrey, kagaya ni Rossdale ay hindi na talaga kami nagpapansinan simula nung pag-uusap namin kagabi. Unti-unti na talagang lumalayo ang loob namin sa isat-isa.

'Shit! Ano ka ba, Celeste? Diba ito naman ang gusto mo?'

Nakakulong na rin si Tita Agnes lalo't ito na mismo ang umamin sa nagawa nitong mali. Napabuntong hininga na lamang ako sa mga nangyayari sa buhay ko.

"Celeste! Sabay tayong mag lunch." Masayang sigaw ni Cyler na ngayon ay nakaakbay na sakin. Si Cyler lang hindi nagbago at isa pa ring baliw. Kung tutuusin sa aming tatlo, si Cyler lang ang may kompleto, maganda, at masayang pamilya, di ko rin siya masisisi kung bakit masiyahin siyang tao at minsan nagmumukha na siyang timang, hays.

"No thanks, gusto kong mapag-isa." Mataray kong sabi kaya mas lalong hinigpitan ni Cyler ang pag-akbay sakin.

"Pangit n'yo na ka-bonding, puro na kayo nagsosolo, paano na ako nito? Malulungkot na ang pogi n'yong si Cyler." Nakanguso pa ang baliw, kaya natawa na lamang ako. "Hey, tumatawa ka na, so does it mean sabay na tayo mag-lunch?" Muling lumiwanag ang kanyang mukha, ngunit agad ring naglaho nang makitang umiling ako.

"Nakakasawa ang mukha mo kaya chupeh! Layuan mo na rin ako please lang." diretso kong sabi at mabilis lumayo sa kanya.

"Hays ang baliw na yun kailan kaya yun magtitino?" pagsasalita ko sa sarili habang inaayos ang nagusot kong uniform dahil sa pag-akbay ni Cyler sakin kanina.

"Gusto ka lang naman samahan nung tao." Biglang nagsalita si Ian kaya napairap na lamang ako s ainis.

"Oh please, Ian wag mo silang kampihan or else pati ikaw hindi ko na rin papansinin." Pananakot ko sa kanya kaya natihimik siya.

"How impressive! The murderer managed to escape. Your lawyer must really good, and now you've been acquitted. Yun nga lang, mommy ni Shamrey naman ngayon ang pinagbibintangan nyo, that's quite a play!" sarkastikong nakangiti si Lesley habang mabagal na pumalakpak.

Inirapan ko na lang siya at tamad na humarap sa kanyang nakakasawang mukha.

"Lesley, pwede ba, tumahimik ka na lang? Wala kang alam at wala kang maitutulong. So, just keep your mouth shut and don't wait for me to be the one to silence you."

"Wow, are you attempting to scare me, Celeste Fernandez?" she asked in a low tone kaya peke akong ngumiti at lumapit sa mukha niya at hindi nagpatinag sa titig niya.

"Why? Natatakot ka na ba, Lesley Gonzalez?"

Hindi siya kumibo at parang may gustong sabihin, ngunit hindi niya mailabas. Nakita kong kumuyom ang kamao niya at inis na umatras.

"Grr! I hate you, Celeste!" she exclaimed, her voice seething with anger.

Tumawa na lamang ako nang makitang padabog siyang umalis at nagmumura. Napaka-childish, tsk.


"You're enjoying it, huh?"

Agad akong natahimik sa pagtatawa nang marinig ko ang boses niya.

"Ano naman sa'yo?" mataray kong tanong sa kanya. He's leaning on the wall with his arms crossed, looking at me seriously.

"Nothing, go ahead. Kung jan ka masaya, ipagpatuloy mo besides wala naman kaming magagawa para pigilan ka at bumalik sa dati, diba?" natigilan ako sa tanong niya at nanatiling nakapako ang tingin namin sa isa't-isa.

Nagbago na rin ang Rossdale na kilala ko, pero ito naman ang gusto ko diba? Ang tratuhin niya ako ng gan'to. Gusto ko ito... siguro.

"Wala ka nang balak bumalik sa dati ang lahat, diba, Cel?" Natahimik na lamang ako at yumuko. Kailangan kong sumagot sa kanya na mas lalong magpapalayo ng loob niya sa akin. This is the only thing to do for him and everyone to stay away. Gusto kong magsimula ng bago where they don't have to interact with me.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Little Touch Of Heaven (ON-GOING)Where stories live. Discover now