ANTHOPHILE"Grabe ka naman makamanyak!" Sabi nya sakin sabay tanggal ng mask sa mukha nya.
"Rafael?" Gulat na sabi ko.
Isa sya sa kaibigan ko noon, isa rin sya sa saksi kung pano naging kami ng taong mahal ko.
"Bakit naman kinidnap nyoko?, Pede mo naman ipakita yung mukha mo sakin tas sabihin mong may pupuntahan tayo, sasama naman ako sayo!" Inis na sabi ko rito.
"Ewan ko ba sa taong yan! Sya nakaisip ng walang kwentang to e" napatingin ako sa harapan, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
"Chantal!!!" Irit na sabi ko, sya lang naman ang dahilan kung bakit kami nag kakilala ng taong yon, isa kasi sya sa kaibigan non.
"Sus, sumang ayon din naman kayo" sisi ni Rafael kay Chantal.
"Panong hindi kami sasang ayon sayo, sabi mo kasi bibigyan mo kami ng 5k" napatingin naman ako sa nag dadrive si Arvin.
Napa buntong hininga ako, ganyan silang tatlo, hanggang ngayon pala ganon pa din sila mga walang pinag bago.
"Teka, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila.
"Secret!" Sabay silang tatlo nag salita. "Saka surprise yon!"
Tss, pupunta rin naman don bakit hindi pa sabihin.
"Pasecret secret pa!" Angal ko sa kanila.
"Kaya nga surprise e, saan ka ba nakakita ng isusurprise pero alam na ng isusurprise yung isusurprise sa kanya?" Pabalang na tanong sakin ni Rafael.
"Hoy!, Isusumbong kita kay ano ha! Inaaway mo si stock" pananakot sa kanya ni Chantal.
Kanino?, Sa mama ko? Patawa naman tong si Chantal e matagal ng wala ang mama ko, kinilabutan tuloy ako.
Ma, ako na mag susumbong sayo, nag bibiro lang naman yang si Rafael. It's just a joke he-he-he.
"Ito naman sumbong agad, syempre joke lang yon" sabi ni Rafael kay Chantal, humarap naman sa akin si Rafael "biro lang yon stock ha, joke? Charot? Peace yow!" Sabi nya sakin.
Natawa naman ako, kahit kailan talaga tong mga to. Hindi talaga sila nag bago, ganon pa rin sila kapasaway.
"We're here!" Excited na sabi ni Chantal, mas excited pa sya sa isusurprise.
Bumaba si Arvin at pinag buksan ng pinto si Chantal, napangiti ako, nakakainggit naman ang dalawang to kung hindi sana kami naaksidente ng taong yon panigurado kaming dalawa ang mag kasama hanggang ngayon.
Dahil din sa nangyari nag karon ako ng phobia sumakay sa mga kotse pero nilalabanan ko yung takot ko.
Bumaba ako ng sasakyan, hinawakan naman ni Rafael ang kamay ko para alalayan puro buhangin kasi Naka sandals din ako na may hindi kataasang heels.
"Hoy Rafael! Pag nakita ka ni ano lagot ka don panigurado!" Pananakot nanaman ni Chantal kay Rafael.
"Luh? Anong ginawa ko?" Tanong ni Rafael kay Chantal.
Nginuso naman ni Chantal iyon kamay ni Rafael na naka hawak sa akin.
Bigla tuloy nya akong binitawan, muntik nakong ma out of balance.
"Pasensya ka na stock ha, pero mas mahal ko ang buhay ko" nag kunwari pa syang naiiyak, sino naman kaya yung tinutukoy ni Chantal? tito ko? Si papa? Hindi naman pwedeng si papa e nasa ibang bansa yon.
Hays, nakakagulo sila ng isip.
"Tara na, kanina pa nila tayo hinihintay" sabi saamin ni Arvin.
Nag lakad naman sila, kaya nag lakad na rin ako pero may pag kakataon na parang matutumba ako. 'bakit ba kasi nag suot ako ng gantong sandals'
'hindi mo naman alam na kilidnapin ka nila diba' sabi sa akin ng utak ko
"Teka, sandali lang Rafael" tawag ko kay Rafael, tumigil naman sya at hinintay ako.
Nauuna na si sina Chantal at Arvin, masaya silang nag uusap, oo na ako na yung naiinggit!.
Kumapit ako sa balikat nya, baka kasi maout of balance ako nakakahiya yon.
"Stock" napatingin naman ako sa kanya, nakakatawa yung mukha nya parang iiyak na, naaano kaya tong taong to?.
"Pakapit lang" sabi ko lalo kong hinigpitan ang pag kakakapit sa kanya, "baka kasi maout of balance ako" ngiting sabi ko sa kanya. Hinila ko sya kasi ayaw nyang mag lakad, "teka nga!" Tumigil ako "bakit ba ayaw mo?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi naman sa ayaw ko okay, nag aalanganin lang ako baka kasi masapak ako ni ano" sabi nya, napairap naman ako.
"Sino ba kasi yang sinasabi nyong ano? Naiinis nako sa inyo ni Chantal puro kayo ano, ni ano!" Sabi ko at nauna ng mag lakad.
Kahit na patumba tumba ako ay nag lakad ako, tss.
"Aish!" Rinig kong singhal ni Rafael "halika na nga" sabi nya tapos ay inalalayan ako.
"Aalalayan mo din naman pala ako, bakit hinayaan mo pa akong mainis sayo?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Okay lang masapak, basta ililibre mo ko ha!" Utos na sabi nya sakin.
-----
"Ano to?" Tanong ko kina Rafael.
"bulaklak ata yan?" Hindi sure na sabi saakin ni rafael.
napairap ako sa sinabi nya, oo nga bulaklak nga iyon alam kong bulaklak yon.
i mean bakit may inabot silang bulaklak saakin? wala namang may mahilig sa kanila ng bulaklak, saka bulaklak pa ng stock ang iniabot nila sakin, napangiti ako at inamoy amoy iyon.
"Alam namin na matagal mo na syang hinihintay" sabi ni Chantal tapos ay kumapit ito kay Arvin, ang sweet talaga nila nakaka inggit.
Kung hindi kaya kami naaksidente ng araw na yon, mag kasama pa rin kaya kami hanggang ngayon?. Kasama kaya sa mga mag susurprise saakin ngayon?
Kapag naiisip ko yan ay naiiyak ako. Sana nandito sya, sana sya yung kasama ko, sana nandito sya. Sana.
Pero alam kong hindi iyon mangyayari, may girlfriend na sya at mukhang masaya na sya sa babaeng kasama nya ngayon. Wala na akong puwang sa puso nya. Wala ng dahilan para guluhin ko pa sya dahil alam kong hindi na nya ako nakikilala. Siguro kilala nya ako bilang may ari ng flower shop na binibilhan nya para ibigay ang bulaklak sa babaeng mahal nya.
“Diretsuhin mo lang ang path na yan, may arrow naman kaya hindi ka maliligaw. Promise Stock, alam kong matagal mo na tong hinihintay. At ito na yung oras na yon para maging masaya ka naman” bulong saakin ni Rafael.
“Gusto mo pa bang mabuhay Rafael? Konting distansya naman. Kahit na lagi ka naming binu-bully ni Arvin e mahal ka pa din namin. Hindi pa kami handang mamatay ka” napailing iling na lang ako sa sinabi ni Chantal.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya sa totoo lang, bakit parang pakiramdam ko ay may bubugbog kay Rafael ng wala sa oras kapag masyado syang nakadikit sa akin.
Sinabihan nilang diretsuhin ko ang daan at may nag hihintay sa akin sa dulo. Sinimulan ko ng mag lakad. Bawat nadaraanan ko ay puno ng bulaklak, nakakatuwa nga at puro stock ang nasa lapag.
Nang matanaw ko na ang parang cottage na may lamesa sa gitna at puno ng kandila ay parang tinambol ang dibdib ko. Gantong ganto yon, gantong ganto yung larawan nung tinanong ako ng taong mahal ko kung pwede nya akong maging girlfriend.
At parang mahuhulog na ang puso ko, hindi ko inaasahan kung sino iyon. Hindi ako makapaniwala na nandito sya sa harapan ko. Kung panaginip man iton, ayoko munang magising.