chapter 4

20 2 0
                                    



ANTHOPHILE

Hindi ko alam kung anong meron sa araw na'to pero mapapansin mong kakaiba ang mga taong nasa paligid ko ngayon.

Kanina habang nasa jeep ako, sobrang dami  ng tao parang linggo ngayon.

'Araw ba ng simba ngayon?'

Nakakapag taka kasi lahat sila masasaya, Katulad nalang nito nasa flower shop na ako.

"Hi ma'am stock!," nagagalak na sabi saakin ni Jhin pag ka pasok ko ng flower shop ko.

Siguro kaya masaya ang taong ito ay gawa ng kahapon.

"Hello din, Kamusta?," tanong ko.

Gusto kong mag kusa siyang mag open sa'kin tungkol don sa kahapon, pero hindi niya ito inoopen saakin.

"Ok lang naman ma'am," nakangiting sabi niya.

"Bakit parang masaya ka?," tanong ko.

Pero hindi niya iyon sinagot kasi bigla niyang iniba ang usapan.

"Oo nga pala ma'am, kailan ang birthday mo?," tanong niya sa'kin.

Hindi ko alam kung para saan pa ang pag tatanong niya noon.

"Sa susunod na linggo pa, bakit?,"

"Wala naman ma'am, saan mo icecelebrate ang birthday mo ma'am?," tanong ulit niya.

"Sa bahay, punta ka ha sama mo na rin iyong family mo," nakangiting sabi ko sa kaniya.

Nag suot ako ng gloves dahil aayusin ko ang pag kakasalansan ng mga bulaklak.

"Nasaan nga pala ang pang spray dito sa mga bulaklak?," tanong ko sa kaniya.

Iispreyan ko ang bulaklak dito para fresh pa rin kahit anong mangyare.

"Ito ma'am oh," abot niya saakin ng pang spray.

"Anong araw ang birthday mo ma'am?," tanong ko niya muli saakin

"Sa miyerkules, teka bakit ba tanong ka ng tanong?," naka kunot noong tanong ko sa kaniya.

"Wala naman ma'am," sabi niya.

"Lalabas lang ako ma'am may tatawagan lang," dagdag pa niya habang tinuturo iyung cellphone niya.

Tumango nalang ako at sinundan siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng glass door.

At dahil glass door nga ang pintuan namin, kitang kita ko kung paano siya mag salita kung paano ngumiti.

Siguro kausap niya iyong lalaki kahapon, kung ang lalaki yon man ang kausap niya ngayon.

Tiningnan ko lang siya, kitang-kita ko kung paano siya ngumiti parang kinikilig.

Laking gulat ko ng mapatingin siya saakin, kaya agad kong iniiwas ang tingin ko sa kaniya.

Nag kunwari akong iniispreyan ang mga bulaklak na nasa harapan ko.

Hindi ko na ulit siya tiningnan, pinag patuloy ko na lang ang pag iisprey sa mga bulaklak na nasa harapan ko.

Maya-maya ay may biglang bumusina, pag tingin ko sa labas ay biglang nanlaki ang mata ko.

'Ang lalaking iyon, bakit kaya siya nandito?'

Kitang kita ko kung paano sila mag katinginan hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, alam niyo yung feeling na nandito lang ako iyung taong nag mamahal sayo ng sobra pero iyong taong mahal mo ay may mahal namang iba.

Sobrang sakit nun sa pakiramdam para kang tinraydor ng tadhana.

Ramdam na ramdam ko iyung sakit sa puso ko.

"Ma'am bibili daw po ng bulaklak si sir," sabi ni Jhin, naka pasok na pala sila.

Hindi ko man lang naramdaman dahil sa sakit na nararamdaman ko, dahil sa kanila.

Hinubad ko ang gloves sa mga kamay ko at inilapag ito sa isang tabi.

Humarap ako sa kanila, "Anong bulaklak ang bibilhin mo?," nakangiting tanong ko.

"Isang bouquet ng CALLA LILY," nakangiti rin namang sabi niya.

Humarap ako kay Jhin, "Kumuha ka nga ng calla lily roon sa dulo, doon naka tago iyon e," utos ko Jhin.

Agad akong kumuha ng pag lalagyan ng mga bulaklak at inayos Ito nang makakuha si Jhin ng mga bulaklak ay agad ko itong inayos.

"Sa girlfriend mo ibibigay iyan sir?," tanong ni Jhin.

Bakit niya tinatanong ng ganon ang lalaking ito e siya naman ang girlfriend nito.

Inayos ko na ang bulaklak at ibinigay ito sa lalaking iyon.

Ngumiti siya at kinuha iyon.

"Oo, sa girlfriend ko ito ibibigay," sa ngiti niya masasabi mong mahal na mahal nga niya talaga ang girlfriend niya.

"Ang swerte mo naman Jhin," nakangiting sabi ko, pero sa loob loob ko nasasaktan na ako.

"Huh?, anong sinasabi mo riyan ma'am?," naka kunot noong tanong niya.

"Diba ikaw ang girlfriend ng lalaking iyan?," tanong ko.

Agad naman silang nag tawanan, kaya napa kunot ang noo ko.

"Hindi kami ma'am" natatawang sagot ni Jhin saakin. At umalis na sa harapan ko

Nang tingnan ko ang lalaking iyon ay umiiling lang siya na napapangiti.

Ang gwapo niya talaga. Umalis na ito.








My Ig/twt is @itsmeswaeg kindly follow me thanks :>

AnthophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon