chapter 5

7 2 0
                                    

ANTHOPHILE

This is the day of my birthday, yayayain ko kaya sya? Pero natatakot akong makita ang girlfriend nya kapag niyaya ko sya dito.

Baka pag nakita ko silang sweet o masaya kasama ang isa't isa, baka umiyak lang ako sa harapan nila.

"Ate stock, anong iniisip mo dyan?, Marami tayong bisita mamaya, baka mag sipuntahan na ang mga iyon pero wala pa din tayong handa hanggang ngayon, puro ka kasi tulala!" Natawa ako sa kapatid ko, hindi ko talaga sya tunay na kapatid dahil inampon lang siya ni mama noon. Anak sya ng dating kasambahay ng kapitbahay namin.

Wala daw itong mapapakain sa anak nya, naawa naman si mama pati ako kaya napag desisyonan namin na ampunin nalang, alam nya naman na ampon sya pero hindi naman sya nagalit saamin ang sabi pa nga n'ya, 'nag papasalamat ako sa inyo ate stock, kasi inampon nyoko. Dahil sa inyo maganda ang buhay ko kaya mahal na mahal ko kayo' hindi naman daw sya galit sa totoong mama nya.

Naiintindihan nya naman daw kung bakit iyon ginawa ng mama nya, pero may pag kakataon na gusto nyang makita ang mama nya. Gusto nya daw mag pasalamat dito, kasi kung hindi daw dahil sa mama nya ay hindi daw sya mabubuhay.

"Wala naman akong iniisip e, saka wag nalang kaya tayong mag handa?" Suhestiyon ko sa kanya.

"Nako ate, tuktukan kaya kita! Alam mo bang kahit birthday mo ay mas excited pa ako kesa sayo, saka ang dami nating niyayang bisita tapos hindi tayo maghahanda. nakakahiya naman sa kanila" mahabang sabi nito tapos nilagyan nya ng mga sapin ang lamesa.

Nilagyan nya din ng sapin yung mahabang lamesa na lalagyan ng mga pagkain.

"Sige na sige na, ako ng bahala dito. Tulungan mo nalang si aling murin nag ilagay sa lalagayan yung mga niluluto nya" sabi ko dito.

----

"Hello Jhin, anong oras ka pupunta dito?" Tanong ko sa kabilang linya.

"naku pasensya ka na ma'am, baka mamayang gabi pa ako makapunta diyan kasi may inaasikaso pako dito sa bahay, pasensya ka na talaga ma'am" napangiti ako, masyado syang magalang pakiramdam ko tuloy matanda nako.

"Nako okay lang, ano ka ba. Sige na marami ng bisita dito saamin--- a by the way diba may number ka ng lalaki na laging bumibili sa atin, baka pwede mo syang yayain dito---"

"Ibigay ko nalang sainyo yung number nya ma'am, marami talaga akong ginagawa e, itext ko nalang ma'am bye" pag katapos nyang sabihin iyon ay sya na rin mismo ang pumatay ng tawag.

*Brzzt* *Brzzt*

Jhin

Ma'am ito yung number nya 09481766050.

Hindi ko na sya nireplyan, cinopy ko yung number na pinasa nya sa akin, inadd ko yon sa contacts ko.

Nag aaway ang puso at utak ko, ang sabi kasi ng puso ko itext ko na daw yung taong yon pero kinokontra iyon ng utak ko kasi kapag daw tinext ko ito at niyaya may posibilidad daw na isama nito ang girlfriend niya.

Which is masakit yon panigurado, pero sabi naman ng puso ko, ito na yung time para ilet go sya. Kasi kung mabubuhay ako sa nakaraan at patuloy na aasa walang mangyayari sakin.

Ito na daw yung time para kausapin ang taong yon at sabihin ang totoo pag katapos non ilet go ko na daw lahat, mag move on na daw ako at mag pakasaya.

"Sige stock, let's do it. Itetext ko na sya" naluluha pero nakangiting sabi ko.

Pakatatag is the best key.

Unknown number

Uy, si stock to! Baka gusto mong pumunta ng bahay, birthday ko ngayon. Makikain ka :)

Sa huling pagkakataon ay nagdalawang isip na naman ako, pero lagi nagpaparamdam ang puso ko kaya isinend ko.

Hindi siya nag reply, syempre hindi na ako umasang mag rereply sya. Baka kasi kasama niya ang girlfriend niya at isipin nito na may iba itong kinakausap na babae.

Itinuon ko nalang iyong pansin ko sa iba namin bisita, para mawala sa isip ko ang taong iyon.

"Ate kumain ka na, nandun 'yung paborito mong bicol express" nakangiting sabi sakin ng kapatid ko.

Sabi ko na mamaya na lang muna may sisilipin lang ako sa labas, lumabas ako ng gate namin para mag lakad lakad muna nang biglang may puting van na huminto sa harapan ko.

Bigla itong bumukas at may lalaking lumabas, naka mask ito. Akmang sisigaw na ako ng biglang niyang takpan ng bunganga ko at sapilitang ipinasok sa van.

"Saan nyoko dadalhin?" Takot na tanong ko sa kanila.

"Wag kang mag-alala magsasaya ka naman doon" mas lalo akong natakot sa sinabi nya.

"Ang manyak mo naman" kahit na takot ay nilakasan ko ang loob ko.

AnthophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon