chapter 3

39 2 0
                                    

ANTHOPHILE

Nakahalumbaba lang ako dito sa desk na nasa harapan ko, tanghali na pero iyung lalaking hinihintay ko wala pa rin hanggang ngayon.

Nakakain nako't lahat lahat pero wala pa rin siya, asan kaya siya ngayon? Baka naman kasama niya iyong girlfriend niya.

Nakakapanghina na iyon ang naisip ko.

"Parang hindi pumunta dito si sir, ano ma'am?," biglang tanong sa'kin ni Jhin.

"Sinong sir?, maraming lalaking bumibili sa atin," tanong ko sa kanya.

"Iyong lalaking bumibili sa atin palagi ng bulaklak----"

"Malamang na bumibili iyon ng bulaklak dito kasi ay flower shop ito," singit ko sa sinabi niya.

"Patapusin mo muna kasi ako ma'am," natatawang sabi niya. "Iyong lalaking bumibili lagi saatin ma'am, iyong lalaking akala mo ay walang problema, iyong lalaking palaging nakangiti, iyong lalaking nabili ng bulaklak dito para lang ibigay sa girlfriend niya, tapos iyong girlfriend niya ay kapareha mo ma'am, diba parehas kayong mahilig sa Daisy tuwing Tuesday," nakangiting sabi niya saakin.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na hindi niya kailangan ipangalandakan na medyo may pag ka parehas kami ng girlfriend ng taong tinutukoy niya.

"Ah, Naalala ko na iyong lalaking tinutukoy mo,"

"Alam mo ma'am ano kaya ang tunay na pangalan ni ma'am Tuesday saka ni sir flower, Ano?," naka kunot noong tanong niya saakin.

'sino daw? Si ma'am Tuesday at sir flower? Saan niya naman kaya napulot ang mga salitang iyon'

"Anong pinag sasabi mo riyan?," tanong ko

"Si ma'am Tuesday at iyong girlfriend ni sir flower at si sir flower naman ay iyong lalaking bumibili ng bulaklak dito para lang ibigay doon sa girlfriend niya," hangang-hangang sabi niya, Humanga nanaman siya sa sarili niya feeling niya nanaman matalino siya.

Hindi ko naman siya sinasabing walang alam, matalino nga siya ang kaso lang masyado siyang humahanga sa sarili niya, kaya lumalaki iyong ulo niya.

"Nasaan kaya iyong lalaking iyon ma'am?," naka kunot noong tanong niya saakin nakahawak pa siya sa baba niya.

"Aba ewan ko?, Bakit ba saakin mo tinatanong?, Malay mo nag dedate sila," pilit na ngiting sabi ko. "saka bakit mo ba sila iniisip?, Kaano-ano mo ba ang mga iyon?, Ano ba ang koneksyon mo sa mga iyon?," dugtong na tanong ko sa kanya.

"Wala akong koneksyon sa kanila ma'am, hindi ko nga alam kung anong pangalan ng mga iyon, masyado lang talaga silang nakakainggit, tayo walang ganon ma'am," Natatawang sabi niya saakin.

"Hay nako, bahala ka na nga riyan wag mo na lang silang isipin," nakabusangot na sabi ko.

Bakit ba kasi sila ang napag uusapan namin, nakakawala ng mood.

"Baka naman ma'am, ikaw si ma'am Tuesday wow ang angas naman," namamanghang sabi niya.

Napatingin ako sa gilid ko, napalabi at napalaki ang mata.

'Ano ba ang pinag sasabi ng taong ito'

'Sana nga ako iyong babaeng iyon'

----------------------------------

Hapon na pauwi na ako, binibilinan ko nalang si Jhin na siya na ang bahala dito sa shop dahil maaga akong uuwi.

Habang Kinakausap ko siya ay hawak niya ang kaniyang cellphone, mukhang may katext nakangiti pa nga Ito.

"Jhin, naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?," tanong ko sa kanya.

"Ay sorry ma'am, may katext po kasi ako importante lang," nang hihinging pasensyang sabi niya.

'Importante daw, pero nakangiti'

"Sige na, ikaw na ang bahala dito,"

Tumango lang siya sa'kin at itinago ang kaniyang cellphone.

Pag kalabas ko ng shop ay nag lakad ako papuntang sakayan ng jeep kaso hindi pa ako nakakalayo sa shop ay nakita ko iyong sasakyan ng lalaking kaninang umaga pa lang ay hinihintay ko na.

Tumigil ito sa harapan ng shop, lumabas siya sa kaniyang sasakyan at lumabas naman si Jhin ng shop.

Kitang kita ko kung paano sila nag ngitian sa isa't isa.

'Hindi kaya siya ang girlfriend ng lalaking iyon?'

Tumalikod na ako at nag simula na ulit mag lakad papuntang sakayan ng jeep.

Parang hindi ata maganda ang pakiramdam ko ngayon bigla, feeling ko mag kakaron ako ng sakit.

Nang makasakay na ako ng jeep, doon ako sa bandang pintuan tumingin lang ako sa labas.

Kitang kita ko ang lahat ng taong nag lalakad, nagulat ako ng lahat sila ay biglang nag si takbuhan at pumunta sa may mga pwedeng silungan.

Nang tignan kong maigi ang paligid umuulan lang pala.

'lord bigyan nyo ako ng sign na kailangan ko ng kalimutan ang lalaking iyon, kailangan may sumakay na tao dito sa jeep na may dalang bulaklak, kahit anong bulaklak'

Tiningnan ko ang kabuuan ng jeep kung may bakante pa, sakto isa nalang ang kulang.

Tumingin muli ako sa labas, nagulat ako ng may isang babaeng may hawak na bulaklak na papunta sa direksyon ko.

Nang makalapit siya ay nakita ko iyong bulaklak na hawak niya isang sunflower.

"Kuya pa-indang ba?," tanong nito sa barker.

"Hindi neng, hanggang trece lang," sagot sa kanya ng barker, kaya naman hindi na siya pumasok sa jeep pumunta nalang siya sa isang silungan para hindi mabasa ng ulan.

Hanggang sa may sumakay na nga wala itong dalang bulaklak.

Siguro ay hindi pa ito ang tamang panahon para kalimutan siya.














Follow me on my instagram @itsmeswaeg

AnthophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon