Chapter 7

7 0 0
                                    

ANTHOPHILE

“Phile” iyon nalang ang nasabi ko nang makita ko sya

“Ano ang ginagawa mo rito? Mag popropose ka na ba sa girlfriend mo? Kaya ba ako nandito para tulungan kang mag organize? Anong ginagawa ko dito?” Puno ng pag tataka ang isip ko ngayon.

Bakit ako at sya lang ang nandito? Baka malaman ito ng girlfriend nya, baka ako ang gyerahin non. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kong palusot kapag nalaman ito ng girlfriend nya.

“Stock—”

“Hindi 'to tama Phile, ayoko ng gulo. Kasabwat ba dito sina Chantal? Pinilit ka ba nila? Pag pasensyahan mo na ang mga iyon mukhang napag tripan ka pa nila, ano nalang ang sasabihin ng girlfriend mo kapag nalaman nya ito. I'm sorry Phile pero uuwi na ako. Promise ayoko ng gulo, hindi ko ito sasabihin sa girlfriend mo” pag kasabi ko non ay tinalikuran ko sya, hahakbang na sana ako paalis sa harapan nya ng marinig ko sina Chantal.

“Surprise!” sabay sabay na sabi ni Arvin, Chantal at Rafael.

Agad ko silang nilapitan para pagalitan, ang tatlong to kung ano ano ang pinag gagagawa. Jusko hindi na kami bata para gawin nila ito hindi na nakakatuwa.

“Bakit nyo ba 'to ginagawa? Sinasaktan nyo lang ba ako? Hindi na 'to nakakatuwa, iuwi nyo na ako” mahinang sabi ko sa kanila.

Kinagat ko ang labi ko dahil anytime ay pwede ng kumawala ang luha sa mga mata ko, pero hindi ko na napigilan sunod sunod ang tulo ng luha ko.

“Stock, bakit ka naman masasaktan?” boses iyon ni Rafael.

“Hindi mo naiintindihan, may girlfriend na sya raf. Wala na akong puwang sa puso nya, hindi na ako yung babaeng mahal nya” umiiyak na sabi ko sa kanya.

“Naiintindihan ka namin, bakit hindi mo sya pag paliwanagin? Alamin mo kung ayos lang ba sya sa pang araw araw?” Seryosong sabi nya sa akin.

“Para ano pa? Para saktan ang sarili ko? Sapat na sa akin yung araw araw ko syang nakikita, sapat na sa akin yung segundo lang na makausap ko sya. Ayoko ng kunin yung kaligayahan nya” hikbing sabi ko.

“Stock, do you still love me?” gulat akong nag angat ng tingin at lumingon kay Phile.

No way, naaalala nya na ba? Kailan pa? Kapag ba sinabi kong oo, isasagot nya ba sa akin na 'I'm sorry Stock, may girlfriend na ako at mahal na mahal ko sya. Pasensya ka na' ayokong umuwi ng luhaan at durog na durog ang puso.

“Pag sinabi ko bang oo, may magagawa ka ba? Wala na Phile, may girlfriend ka na diba? Naalala mo ba nung sinabi mo sa akin na mahal na mahal mo iyong babaeng yon, kaharap pa natin si Jhin non. Sobra, sobrang sakit non pero hindi ko iyon pwedeng ipakita sayo, hindi ko pwedeng sabihin at ipakita sayo na nasasaktan ako” sunod sunod ang tulo ng luha ko.

“Wala akong girlfriend, Stock” natigilan ako sa sinabi nya.

Biglang tumawa si Phile. Naguguluhan akong tumingin sa kanya at kina Chantal. Ano ba ang pinag sasabi ng lalaking to? Sino yung sinasabi nya saamin?.

“Ano bang pinag sasasabi mo riyan?” Puno ng pag tataka ang mukha ko.

Nagulat ako ng akbayan ako ni Rafael, “Wala syang girlfriend, Stock. Ikaw lang ang mahal nya at wala ng iba” Humahalakhak na sabi ni Rafael.

What?!

Ano ba ang pinagsasabi nila?, Wala akong naiintindihan, walang pumapasok sa isip ko, hindi ko maintindihan ang lahat!. Pakiramdam ko ay ni katiting na salita ay hindi pumapasok sa utak ko.

“Ano ba naman 'yang mga pinag sasabi n'yo?, Hindi ko kayo maintindihan” mahinang usal ko.

“Stock, let me explain please?” humarap ako kay Phile ng marinig ko 'yon.

“What now, sir?” puno ng galang na sabi ko sa kanya.

“Don't call me sir, love. Please?” lumungkot ang boses n'ya.

Hindi ako nag salita, hindi ko ma-take ang mga pinag sasabi n'ya. Ano ba 'to?, Ano ba ang nangyayari sa paligid ko?.

“Please love, I'm begging you. Please hear my side” nag susumamo n'yang sabi.

“Maiwan muna namin kayo, para naman makapag usap kayo ng maayos” Chantal interrupted us.

I didn't bother to look at them, but Phile did. Tumango ito sa kanila senyas na sumasang-ayon sa sinabi ni Chantal.

“Make it quick”

AnthophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon