ANTHOPHILE
ANTHOPHILE. ‘Yan daw ang tawag sa mga taong mahihilig sa bulaklak, or a person who love flowers. I consider myself as an anthophile too, just by looking at them it gives me peace. Parang ‘yung taong dahilan ng pag kagusto ko sa mga bulaklak, he gives me peace.
But then something came up na dahilan din ng lahat kung bakit nawala s'ya sa akin. Pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit nangyari ‘yon sa kan‘ya.
“Love, nag c-crave ako sa saging, pero gusto ko ‘yung kambal” pangungulit ko.
“
At ngayon nandito ulit siya sa harapan ko, ang taong mahal ko nagbabayad siya saakin ng binili niyang bulaklak.
"Ah. Stock itong tulip nga ulit isang piraso lang ah."
Nakangiti siya habang sinasabi iyon, nakakamiss gusto kong muli siyang makasama.
"Bakit parang ang saya mo kanino mo ba ibibigay iyang tulip?." Tanong ko sa kan'ya, hindi ko maiwasan ma-curious.
"Sa taong mahal ko, sa girlfriend ko."
Hindi na ako nagulat doon, sa tuwing tatanunging ko kasi siya ang palagi niyang sinasagot ay ibibigay niya iyon sa taong mahal niya, sa girlfriend niya raw.
Gusto ko sanang sabihin sa kan'ya kung naaalala niya ba ako, na ako iyung girlfriend niya bago siya maaksidente, kaso wag nalang kasi kung sasabihin ko pa iyon alam kong wala na rin namang saysay dahil masaya na siya sa girlfriend niya at nakikita ko iyon sa mga mata niya.
"Napaka-swerte naman niyang girlfriend mo, o ayan sana ay magustuhan niya." Ibinigay ko sa kan'ya ang dalawang tulip, nginitian ko siya at sinuklian, libre ko na sa kan'ya ang isa pang tulip.
"Napaka bait mo talaga stock, bagay na bagay sayo ang pangalan mo, STOCK."
Tinawanan ko siya, ganoon din siya saakin. Naalala ko noon sinabi niya rin iyan sa'kin noong una niyang nalaman ang pangalan ko nung college kami.
"Bakit ano bang meron sa pangalan ko?." Tanong ko.
"Ang pangalan mo ay hango sa isang bulaklak na ang ibig sabihin ay beauty at happiness."
Gusto kong maiyak sa sinabi niya dahil iyan din ang sinabi niya noon sa'kin.
"Ikaw talaga, sige na puntahan mo na iyong girlfriend mo baka hinihintay kana non." Sinabi kong puntahan na niya ang girlfriend niya pero taliwas iyon sa sinasabi ng puso ko.
Alanganin pa itong lumabas, ngunit bago siya makalabas ng glass door ng aking flowershop nginitian niya ako.
Parang gusto ko sanang sabihin sakaniya na huwag na muna siyang umalis, na dito muna siya kaso ay hindi na puwede dahil alam kong pupuntahan na niya ang girlfriend niya at ibibigay nito ang tulip na binili niya sa'kin.
Nang tuluyang makalabas na siya ay parang gusto ko siyang sundan para sabihin sa kaniya na may naiwan siya at iyon ang puso ko.
"Hayyyy... Ano ba itong naiisip ko." Natawa ako sa itinatakbo ng isip ko.
------------------------------
Alas sais na ng hapon, hinihintay ko na lang si Jhin inaayos niya na lang kasi ang pag kakasalansan ng mga bulaklak at mag sasara na kami.
"Ah, Jhin matatapos na ba iyan?." Tanong ko sa kaniya, nandito ako sa glassdoor sinilip ko siya sa loob.
"Ah, Miss stock wait lang po, isang bulaklak na lang ang inaayos ko." Sabi niya at idinungaw ang kaniyang ulo upang tingnan ako.
Tinanguan ko na lang siya at hinintay sa labas, nang matapos siya ay lumabas na rin siya at inilak ang glassdoor.
Nag paalam na kami sa isa't isa at pumunta na sa kaniya kaniyang direksyon.
Follow me on my instagram @itsmeswaeg