ANTHOPHILE
“Okay,” sabi n'ya at sinipat ang kapaligiran.
Sinundan ko naman kung saan lumagapak ang tingin n'ya. Sa isang mahabang upuan.
“Before we start, can we sit over there?. Mukhang mahaba-habang kwentuhan 'to love” malambing ang boses na sabi n'ya.
Hindi ako nag salita, pakiramdam ko sa mga oras na ito ay nakalimutan ko kung paano ang mag salita.
Naramdaman ata n'ya ang hindi ko pag galaw sa kinatatayuan ko, kaya naman dahan-dahang inabot nya ang kamay ko at hinila papunta sa upuan na iyon. Nang parehas kaming makaupo ay umisod ito papalapit sakin kaya naman umisod din ako para makalayo sa kanya.
Walang ano-ano'y muli nitong hinawakan ang kamay ko.
“Please stock, hmm. Please wag kang umusod” garalgal ang boses n'ya.
Parang hinaplos ang puso ko ng makita kong malungkot ang mga mata n'ya.
“I'm sorry” sa sobrang hina ng boses ko ay hindi ko alam kung narinig n'ya ba 'yon.
“Saan ba ako mag sisimula?,” tiningnan n'ya ang mga mata ko at bumuntong hininga. “I was scared na makita kang nahihirapan dahil sa akin. Kaya mas pinili kong mag paka duwag kaysa ang harapin 'tong problema na nangyari satin” this time ay iniiwas n'ya ang tingin.
“I know, galit ka sakin. Tas heto ako wala ng kasing kapal ang mukha at nagagawa pang makipag usap say—”
“No,” I interrupted him. “Ang totoo ay masaya ako sa ginagawa mong 'to” pag papatuloy ko.
“Hindi mo alam kung ganong araw-araw ko ipinag dadasal na sana mag hiwalay kayo nung girlfriend na tinutukoy mo, na sana wala pang limang segundo ay malanta na ang mga bulaklak na binibili mo sa shop ko para hindi na makaabot sa kanya” dire-diretsong saad ko.
Narinig ko ang bahagya n'yang pag tawa.
“Do you want to start with me again stock?, Let's continue our wedding. Please. I badly want to be your husband, baka hindi ko kayanin kung hindi ikaw ang mapapangasawa ko” kitang kita ko ang pag susumamo sa mga mata n'ya.
“Court me again” parehas na nakataas ang isang kilay at ang isang sulok ng labi ko habang sabi sabi ang mga salitang 'yon, nag hahamon.
“Why not, alam ko namang hindi mo ako pahihirapan sa pang liligaw na ‘yan” pag tanggap nya sa hamon ko.